[BRIA BRIXTON] Pag gising ko si Klio agad ang hinanap ng mata ko.. Ilan sandali naalala kong hindi nga pala siya dito natulog dahil sa galit ko. Sa totoo lang hindi naman ako sa kanya galit kundi sa sitwasyon. Bakit ba hindi maputol putol ang meron sila ni Devin. Bakit ba hindi siya tigilan nito kahit kasal na siya sa akin. Sa aking pagkakaupo naisip kong tumayo pero naging mahirap ito dahil sa binti ko. Wala akong choice kundi ang tawagin nanaman si Klio. "KLIO!!" Malakas na sigaw ko pero walang lumalapit. Muli kong sinigaw ang pangalan niya pero wala pa din. Napilitan na akong gumalaw, ang buong pwersa sa dalawang braso ko at sa kabilang paa. Msakit pa ding talaga ang binti ko. Napalupasay ako sa sahig na lalong nag painis sa akin. Hindi ako sanay ng ganito na kailangan ko

