“Oh anak bakit matamlay ka?” saad ni mama nang makarating ako ng bahay. “Pagod lang po ako.” Saad ko sa kanila habang nagmamano ako. Wala naman silang sinabi at hinayaan lang akong maglakad papunta ng kwarto ko. Paglarating ko sa loob ng kwarto ko ay agad kong binagsak ang aking katawan sa kama. “I see, sorry for not being a man. Sorry kasi babae ako, if you want to end this relationship just contact me.” Naalala ko ang sinabi nya sa akin kanina kung kaya’t ibinaon ko na lang ang akong mukha sa aking kutson. “Tanga ka Xian, napakatanga mo.” Pagmumura ko kasabay ang pagsusuntok ko sa aking higaan. Dapat sinabi ko na lang kay Blue na hindi nya ako pwedeng ligawan pero bakit ganito? Mahal ko naman si Dalaney pero bakit may pagaalin langan pa rin ako sa nararamdaman ko at sa ming relasyon

