“Seryoso! Naku sinasabi kong bruha ka tigilan mo ang kapatid ko meron ka ng Dalaney.” Saad nya sa akin mula sa kabilang linya. “Nalilito na ako Rhed hindi ko alam anong gagawin ko.” “Tigilan mo ang kapatid ko kung hindi sinasabi ko sa iyo sasakalin kita papuntang impyerno. At saka mukhang kinakailangang malaman ni Dalaney anong nangyayari sa iyo, she is your girlfriend may rights siyang malaman iyon.” Saad nya sa akin. Napabuntong hininga naman ako habang nakatingala sa kisame ng kwarto ko. “Hindi ko alam, baka pagawayan pa naming dalawa iyon.” Saad ko sa kanya. “Mas better na pagawayan nyong dalawa iyan kesa lumaki yang gulong iyan, mas mabuti pang habang nagsisimula pa lang alam nya na.” Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si papa. “Sige be

