“Water break guys, water break!” sigaw ng kaklase namin. Napaupo naman ako sa sahig kasabay ang paghiga ko dahil sa pagod namin sa practice ng sayaw para sa product namin sa mapeh for fourth quarter dahil sa ipeperform raw namin iyon para sa family day 2 weeks from now. Nakahiga lang ako at nakatingala nang may makita akong isang water bottle sa itaas ko kaya napatingala ako at nakita kong si Blue iyo. Agad ko namang kinuha iyon kasabay na naupo at ininom ang tubig na binigay nya sa akin. “Salamat ha.” Saad ko sa kanya matapos kong ubusin ang tubig na binigay nya sa akin. What a relief, napakasarap uminom ng malamig na tubig after mong mawalan ng maraming pawis sa katawan. “Naku ba’t mo inubos pinapapabuksan ko lang sa iyo inubos mo na lahat.” Saad nya sa akin. Nasamid ako sa sinabi

