After three days ay natapos ko na ang script namin at binigay ko na kay Deserie ang soft copy ng script namin. Ngayon pasahan na ng Chapter two ng thesis namin at nagpapacheck kami kay sir Tristan dahil siya ang teacher namin ssa AP at English. “Ok tama, tama, tama. Ok well done, proceed to survey now. Give me your letter and format of your questionnaire.” Saad ni sir kasabay ang pag abot sa amin ng thesis paper namin. Bumalik kami sa pwesto na masayang masaya dahil walang dugong dumanak sa thesis papers namin hindi tulad nung nasa chapter one pa lang kami. “Felix, Nafjane, Keith and Addy kayo na bahala sa survey. Faten, Deserie and Erriel tapos nab a ninyo gawin ang questionnaire?” tanong ko sa kanila. “Ready to print na ang questionnaire.” Sagot ni Faten sa akin at napatango naman ak

