Ilang araw na ang lumipas simula nangyari ang insidenteng iyon at pinatawag ang bawat grade level sa theatre dahil sa kanilang mga actions. Ngayon nasa nandito kami sa theatre dahil rin sa actions namin at sa scandal na nangyari. “Kayo na nnga ang higher at matatanda rito sa junior high kayo pa ang pasimuno ng mga kalokohan rito sa paaralang ito, remember this is a Religious institution and your actions are like demons.” Pagbubunganga ng POD namin. “Here comes the mistress.” Bulong na saad sa akin ni Addy at natawa naman ako ng bahagya. Nakaupo lang kami at pinakikingan ang mga bylaws na pinang sasabi nya ever since grade seven pa kami, napatingin kami sa mga batchmates namin na dahan dahang natutulog. “Tingnan mo don sa likod tulog na sila.” Natatawang saad ko kay Addy at napatingin n

