Pagkarating namin ni mama sa probinsya ay agad akong sinalubong nila kaye at ley kasabay ang paghila nila sa akin sa loob ng bahay kung nasaan ang lolo ko, at iniwan ako roon saka sila pumasok sa kwarto. Well mamaya na ako makikipag bond sa kanila kapag nakapagmano na ako kay tatay at nailagay ko na ang gamit namin sa kwarto.
"Hi po tay." Saad ko kasabay ang pagmano sa kanya, habang nakaupo siya sa sofa habang nanonood ng tv.
"Naku naku, narito nap ala ang isa kong apo." Saad ni tatay kasabay ang pagtapik ng balikat ko napangiti naman ako, sumunod naman si mama nag bigay ng respeto kay taaty.
Pumasok ako sa isang kwarto kung saan kami nagstastay kung umuuwi kami rito, pumasok naman si Sweet ang isa sa mga baby naming mga pinsan.
"Ate Xiannnn." Sigaw nya sa akin, agad naman akong bumaba para yakapin siya.
"Hi Sweet, did you miss ate?" saad ko sa kanya habang yakap yakap siya, and she kissed me on my chicks as I released my hug to her and she run away, I just smiled and fix our things.
Nagpalit ako ng damit saka ako lumabas ng kwarto para puntahan sa kabilang kwarto sina ley at kaye na nagbabasa ng kanya kanya nilang mga libro. Kaye is way older than Ley and they weren't siblings; Ley and Sweet were siblings. It's just they have rhymed nicknames.
"Ano tara sa baybay?" tanong ko sa kanila at agad naman silang napangiti at nagkatinginang dalawa kasabay ang pagsara ila ng mga libro nila at bumaba sa mga kama nila.
Nagsitakbuhan kami papunta sa may balcony ng bahay kung asaan sila mama at tatay, napatigil kami sa pagtakbo at pormal na naglakad papunta sa harapan nila, kasi ayaw na ayaw ni tatay yung mga babaeng pariwara kung kumilos kaya most of the time formal kamingg kumilos.
"Oh mukhang tuwang tuwa kayo ha." Tuwang tuwang saad ni mama sa amin.
"Pupunta lang po sana kami sa may baybay po at kung maari pong mag bike po kaming tatlo papunta ron." Pagpapaalam ko habang pinipigilan nila Ley ang excitement nila.
"Oh sige basta't magiingat kayo sa daan." Saad ni tatay sa amin kaya napatili kami pero madalian lang iyon at bumalik kami sa pagiging pormal.
Pababa na kami ng bahay ng pigilan kami ni mama.
"Pupunta kayo ng baybay pero wala kayong baong damit?" saad ni mama sa amin kaya napangiti kami.
Kasi tuwing pupunta kami ng baybay ay hindi kami pinapayagang maligo roon kaya napakasaya namin na pinayagan kaming maligo, kaya dali dali kaming pumasok ulit at kumuha ng mga damit namin pangligo. Nang makuha na namin ay bumaba kami ulit at kinuha ang mga bike namin at saka nagbisikleta papunta sa baybay, pagkarating namin roon ay agad kaming pumunta sa resort na pagmamay ari ng pamilya.
"Hi ate Rose asan po si Tita Victoria?" tanong ni Kaye kay ate Rose na nasa reception area.
"Ay nandon sa kusina." Saad ni ate Rose
"Umuwi kana pala Xian." Saad nya sa akin at napangiti naman ako.
"Ate Rose pahiram naman po isang room na kaharap ng dagat." Saad ni Kaye
"Sure." Saad ni ate Rose kasabay ang pagkuha ng susi. "Ito oh, tawag lang kayo kung may gusto kayo ha." Bilin ni ate Rose at napatago naman kami.
Agad kaming nagbike papunta sa may cottage napinahiram sa amin ni ate Rose, pagkarating namin don ay agad kaming nagbihis ng mga rush guard namin at saka namin nilagay ang mga goggles namin saka kami dali daling tumakbo papuntang dagat, naligo kaming tatlo nilangoy amin papunta sa pinakamalalim na parte ng dagat at siisid iyon, pinagmasdan namin ang mga corals and sea animals, kumuha kami ng mga starfish at bumalik kami sa may dalampasigan at kinuhanan namin ng picture ang starfish na nakuha namin saka namin iyon ibinalik sa dagat.
Magtatakip araw na ng umahon kami mula sa dagat at pinagmasdan lang naming tatlo ang magandang sunset kasabay ang pink skies, kinuha ko ang camera ni kaye at pinicturan ko ang magandang sunset ganon rin sa phone ko. Sinend ko kay Dalaney ang picture ng sunset saka ko inoff ang phone ko at pinagmasdan ang sunset.
"Ate hangang kalian ka rito?"tanong ni Kaaye sa akin.
"Hangang next week, kailan ba ang sem break nyo?' tanong ko sa kanila.
"Amin sem break na namin ngayon." Sagot ni Kaye.
"Amin tapos na kaya hindi kita makakabond ate." Malungkot na saad ni Leys a akin.
Inakbayan ko siya at inilapit sa akin, isinandal nya ang ulo nya sa aking balikat at isinandal ko naman ang ulo ko sa ibabaw g ulo nya.
"Wag kang magaalala dito naman ako summer ah makakabond mo pa naman ako bago ako pumuta ng Australia." Saad ko sa kanya.
"Talaga ate?" saad nya kasabay ang pagtingala nya sa akin at napatango naman ako.
"Iiwan mo na talaga kami ate?" malungkot na saad ni Kaye sa akin kaya sinabihan ko siyang lumapit at isinandal nya naman ang ulo nya sa ulo ko habang nakaakbay ako sa kanilang dalawa.
"Kailangan eh, kailangan kong matuto sa buhay at makamit ang dreams ko, alam kong may kaya ang family natin pero gusto kong pinaghihirapan ko ang isang bagay na masasabi kong akin talaga, hindi yung minana ko lang sa family, ayaw ko nun. Kaya wag kayong magaalala pagnagkatrabaho na ako at stable na ako don uuwi ako rito bibisitahin ko kayo, pero matagal tagal nga lang pero antay lang babalik rin ako. At wag nga kayong makungkot matagal pa ako makakaalis, makakasama nyo pa ako sa pasko at sa summer wag kayong malungkot." Saad ko sa kanila
"Pero ate last na natin yun." Naiiyak na saad ni Kaye kaya pinunasan ko ang mga luha nya.
"Hindi, hindi ito ang last natin kasi masusundan pa diba pangako ko uuwi ako diba? Matagal nga lang kaya sulitin na natin and magchachat rin naman tayo kaya wag kang malulungkot." Saad ko sa kanya.
"Ate mamimiss kita, wala na akong ate." Saad ni Kaye kasabay ang pagyakap sa akin.
"You can always call me naman eh kaya wag kang magaalala, I can still be your ate pero nasa malayo nga lang ako." Saad ko sa kanya.
"Ate padala ka ng nutella ka." Bilin ni Ley sa akin kaya natawa naman ako sa kanya.
"Oo, ilang nutella ba?" saad ko sa kanya, magsasalita na sana si Ley nang biglang magsalita si Kaye.
"Ikaw talaga Ley aalis na nga si ate nutella pa rin ang nasa isip mo." Suway ni kaye sa kanya.
"Pake mo ba masarap kaya ang nutella." Sagot ni Ley.
At alam ko na kung saan naman ito papunta, si Ley kasi grade six pa and hindi pa nagmamatured ang attitude nya ay katulad pa rin ng bata habag si Kaye ay nasa grade 8 na kaya medyo nagiging mature dna rin siyang magisip. Yun nga lang laging inaasar ni Kaye si Ley at nauuwi sa pagbabangayan nila.
"Opps opps, walang magaaway sige kayo hindi ako uuwi." Pananakot ko sa kanila at umangal naman sila.
Nagtawanan lang kaming tatalo habang nakatingin sa sunset, nagpalipas na lang kami ng gabi sa resort kasi delekadong mag bike sa gabi pabalik sa bahay kaya dito na lang muna kami magstastay. Tama tamang at Saturday ngayon may live band and disco after kaya nakiparty kaming tatlo, I enjoyed every moment I spend with them para mahy babaunin akong alalaala pag nasa Australia na ako.