Nasa dart room lang ako at heto nakatunga nga lang na nagaabang na may makakalaro kasi naunahan naman ako ng mga kateam mates ko na humanap ng partner na makakalaro kaya heto nakatunga nga lang sa kanila at tinitingnan silang maglaro.
Nagcecelphone lang ako ng biglang nagchat si Dalaney sa akin.
"Eyo Xiana, punta ka rito sa rooftop maganda ang sunset." Chat nya sa akin kaya agad kong inoff ang phone ko kasabay ang paghablot ko ng bag ko.
"Bye guys una na ako." Paalam ko sa kanila at nagtinginan naman sila sa akin kasabay ang pagtakbo ko papunntang rooftop.
Pagkarating ko ng rooftop ay agad kong hinabol ang hinginga ko kasabay ang paglingon sa akin ni Dalaney. Tuwing hapon tumatambay kami rito, chinachat nya lang ako kung narito na siya kaya maaga akong umaalis sa dart room.
"Akala ko hindi ka pupunta kasi sineen mo lang ako." Saad nya habang hawak hawak nya ang camera nya.
"Pw-pwede ba yun?" saad ko habang hinihingal.
"Oh ba't hinihingal ka wag mong sabihing tinakbo mo mula ground floor papunta rito sa rooftop?" tanong nya sa akin at napatango lang ako habang nakasandal sa may railing.
"Baliw ka talaga kahit kalian." Saad nya sa akin at kumukuha ng picture.
"Kasi baka mamiss ko ang sunset." Saad ko ng mahabol ko na ang aking hininga.
"Hay na lang Xiana." Saad nya habang natatawa sa akin.
Nakamasid lang kaming dalawa sa sunset habag siya ay kumukuha ng litrato, ng mapagod kami sa kakatayo ay napaupo na lang kaming dalawa at nagsimula na ang kwentuhan naming dalawa.
"Saan ka mag sesenior high?" tanong nya sa akin habang nirereview nya ang mga pictures nya sa camera nya.
"May nagoofer sa akin ng scholarship sa Australia from senior high to college, ang senior high ko free lang habang ang college ko naman ay half scholarship kaya may babayaran ako kahit konti." Pagkwekwento ko sa kanya.
"So hindi ka rito sa Pinas mag sesenior high?" tanong nya sa akin.
"Parang ganon na nga pero mukhang hindi pa pumapayag sila mama kaya 50/50 pa." Saad ko sa kanya at napatango lang siya.
"Ikaw saan ka mag sesenior high?" tanong ko sa kanya.
"Stay lang siguro ako rito then pagcollege na ako lilipat ng school." Saad nya sa akin at napatango lang ako.
Nagkaroon ng takahimikan sa aming dalawa kaya napatingala ako sa langit at pinagmamasdan ang langit ng bigla siyang may binatong tanong sa akin.
"Bakit gusto mong magaral sa ibang bansa?" tanong nya sa akin out of the blue.
"Kasi for experience and I can get my course in Australia for 3 years and hindi na ako magtatake ng licensure exam para makuha ko lang ang licence ko and makakahanap na ako ng trabaho don and for 5 years I can apply a migration there, hindi tulad rito sa Pinas na pahirapan pa ang pagkuha ng trabaho and maliit lang rin ang sweldo." Saad ko sa kanya.
"Ang matured mo naman, nakaset na lahat ng plano mo sa buhay." Saad nya sa akin kaya natawa na lang ako bigla sa kanya.
"Well that's me, kindda nakaset na lahat and nakaarrange na." sagot ko sa kanya at napatango naman siya sa akin.
"Ano ba kursong kukunin mo?" tanong nya sa akin kasabay ang pagtingin.
"Nurs--." Napatigil ako sa pagsasalita ng picturan nya ako at natawa naman siya sa akin.
"Ang cute mo rito oh." Saad nya habang tinatawanan ang picture ko na nakabuka ang bibig ko.
"Omg delete mo yan ang pangit ko jan." tili ko sa kanya habang kinukuha ang camera nya pero nilalayo nya lang iyon kasabay ang pagtayo nya para hindi ko makuha ang camera nya.
"Delete mo na please, ang pangit ko don." Saad ko sa kanya habang hinahaboll ko siya.
"Ayaw ko ang cute mo kaya rito." Saad nya kasabay nag pagtapat ng camera sa akin at kasabay ang sunod sunod nyang pagclick rito.
"Ehhh tama na, ang epic na ng mga mukha ko jan." saad ko habang hinahabol ko pa rin siya.
"Ayaw ko sorry." Saad nya habang tumatakbo kami sa rooftop hangang sa natisod ako kaya napatigil kami sa pagtakbong dalawa at nagaalala siyang lumapit sa akin.
"Ayos ka lang?" tanong nya sa akin.
Umarte akong nasaktan talaga ako para lumapit siya sa akin, pero ang totoo hindi naman ganon kasakit.
"Oiy Xiana, ayos ka lang? sorry." Saad nya kasabay ang paghawak nya sa balikat ko.
Agad ko naming hinablot ang camera nya kasaabay ang pagtakbo ko.
"Sorry nakuha ko na ang camera." Masayang saad ko sa kanya kasabay ang pagtakbo ko papalayo sa kanya.
Agad nya naman akong hinabol pero mas mabilis siyang tumakbo kaya agad nyang nahablot ang kamay ko at hinila nya ako paharap sa kanya kasabay ang paghablot ng camera pabalik sa kanya.
"Sorry nakuha ko na po ulit ang camera." Masaya nyang saad sa akin.
Nagpout lang ako sa kanya at nagulat naman ako ng makarinig ako ng click kaya agad akong napatingin sa kanya ng masama.
"Tuwang tuwa? Dami mo ng picture sa akin ha, nakakahalata na ako ha, crush mo ako noh?" pahamong tanong ko sa kanya pero siyempre biro lang iyon. Natawa naman siya sa akin.
"Ako may crush sa iyo?" natatawang tanong nya habang hawak hawak any tyan nya.
Natawa na lang rin ako, kahit ilang weeks pa lang kaming magkaibigan dalawa ay mapaka comfy nya kasama,and as if naman na magkakagusto sa akin, we are just friends and sabi nya rin dati sa akin hindi ako yung mga tipo nyang babae.
"Sabi ko nga dzahh." Pagmamaldita ko kasabay ang pagikot ng mga mata ko, narinig ko aman siyang tumawa kasabay ang paggulo ng buhok ko.
"Trip mo? Ayusin mo yang buhok ko." Pagaatittude ko sa kanya, naramdaman ko siyang gumalaw papalapit sa akin at inayos ang buhok ko.
"Naku ayos lang? Madali lang yan, ano gusto mo salapidin pa natin yang buhok mo?" saad nya sa akin habang inaayos ang buhok ko.
Nagualat ako sa sinabi nya, talaga? Marunong siyang mag ayos ng buhok? Hindi halata sa pagaayos nya ng buhok nya, parati lang nakaponytail. And I don't know how lesbians act though because since my childhood I was been surrounded by gays and they were my friends, and at this point of my life I have a lesbian friend so I can understand how lesbians act. So what I am an observant of everything around me, which is why I can easily figure out if something is wrong, makulit nga ako pero most of the time I am observant.
"Tapos na." nagulat ako ng sabihin iyon ni Dalaney at hinawakan ko ang buhok ko at nagulat ako na nakatirintas na ang buhok ko.
"WOW HA! Ang linis mong magsalapid ng buhok, ngayon may hairstylist na ako." Saad ko sa kanya sabay kindat at napairap naman siya sa akin.
"Pasalamat ka at kaibigan kita kung hindi pababayarin talaga kita." Pagbibiro nya sa akin.
"Sus yung mga pictures ko jan yan na yung bayad ko sa iyo noh." Saad ko sa kanya kasabay ang paglalakad papunta sa bag ko.
"I need to go Dalaney gabi na eh baka hanapin na ako, thank you sa time." Saad ko sa kanya kasabay ang pagkuha ng bag ko at naglakad papunta sa may pinto pababa ng rooftop.
"Sasabay na lang rin ako, baka makita ko pa si Amega rito patay ako." Saad nya sa akin at natawa naman ako.
"Takot ka pala kay Amega?" pabirong saad ko sa kanya habang inaantay siya na kunin nya ang bag nya.
Si Amega yung batang multo rito sa campus, actually totoo si Amega minsan na kaming mapaglaruan nyan nung grade 7 pa lang ako late na kaming umuwi ng adviser ko ng aksyon na kaming lalabas ng room namin ng biglang naglock ang pinto namin at hindi namin mabuksan buksan kahit anong gawin namin and biglang pumatay sindi ang ilaw sa buong room and it was 6 in the evening na yun and habang pinipilit naming iopen ang pinto nakarinig kami ng tawa ng isang bata kaya mas natakot ang adviser namin habang ako nakakaramdam na ng konting takot pero I stay calm, diba iba rin utak ko. Tapos kinausap ko lang siya na tumigil na siya kay uuwi na kami and yun biglang bumukas ang pinto ng room namin and agad kaming lumabas ng adviser ko at dali daling tumakbo ang adviser ko papunta ng gate habang ako naiwan na naglalakad.
"Oo naman noh." Sagot nya sa akin ng makuha nya na ang bag nya kasabay ang paglapit sa akin at sabay kaming naglakad papunta sa may pinto.
Nang pipihitin ko na sana ang hawakan napansin kong nakalock na, baka nalock na ng janitor ang pinto na to kasi malapit ng mag six ng gabi.
"Nakalock?" tanong nya sa akin kaya tumango lang ako pero nakaisip ako ng kalokohan.
"Hala anong oras na?" tanong ko sa kanya at nagmamaang maangan na natatakot, dali dali naman siyang tumingin sa relo nya at napatingin sa akin na tila natatkot.
"5:59 patay one minute na lang bago mag six." Sagot nya sa akin at tiningnan ko siya na parang natatakot kasabay ang paghawak sa balikat nya.
"Hindi mo ba alam?" pananakot ko sa kanya
"A-ang a-alin?" natatkot nyang tanong sa akin.
"Kapag six na lumalabas na si Amega para mangtrip ng mga estudyante." Pananakot k sa kanya at napansin kong hindi na siya mapakali.
"Se-seryoso?" takot nyang tanong at napatango na lang ako sa kanya.
Tiningnan ko lang siya habang hindi siya mapakali sa sinabi ko sa kanya, saabihin ko na sana na biro lang yun ng biglang nag angelous kaya nagulat ako ng bigla siyang sumigaw kaya dali dali kong tinakpan ang bibig nya.
"Ang ingay mo nagaangelous sisigaw ka? Para ka naming sira." Saad ko sa kanya, yep isang catholic school ang school namin pero it is open to all religion and it respects the religion and beliefs of the students and staffs here in this university.
Hinawakan nya ang kamay ko at binaba nya iyon sabay tingin sa akin na natatakot.
"Pe-pero six na baka lumabas na si Amega." Natatakot nyang saad sa akin kaya natawa ako sa reaksyon ng mukha nya saka ko siya binitawan.
"Bakit ka tumatawa?" nalilito nyang tanong.
"Binibiro lang kita, so far hindi na gaanong nagpaparamdam si Amega kaya wag kang mag alala, baka nalock lang yan ni kuya Mario ang pinto kaya nalock yan." Pagpapaliwanag ko sa kanya
"So papaano tayo makakababa?" tanong nya sa akin.
"Wala magpapahabol lang tayo kay Amega." Biro ko sa kanya tapos hinawakan nya ang uniform ko na parang bata.
"Wahhh paano na yan?" maiyak iyak nyang saad sa akin kaya natawa ako sa kanya.
"Teka lang nakakahalata na ako, sino bang tibo sa ating dalawa? Ako ba o ikaw? Mukhang naging babae kana ata ah." Pagbibiro ko sa kanya kaya agad naman siyang napahiwalay sa akin.
"Ano man suntukan na lang man?" paghahamon nya sa akin kasabay ang pagiging siga siga nya.
"Si Amega oh nasa likod mo." Pagbibiro ko sa kanya kasabay ang pagnguso sa likod nya kaya dali dali siyang tumakbo sa likod ko at mahigpit na hinawakan ang uniform ko.
"Oiy makukusok uniform ko, oiy Dalaney." Natatawa kong saad sa kanya pero mahigpit pa rin ang pagkakahawak nya sa uniform ko.
"Xiana uwi na tayo natatakot na ako." Nanginging nyang saad sa akin.
"Oo na bitawan mo na ako." Saad ko sa kanya habang tumatawa.
"Ayaw ko hangang di tayo nakakababa." Saad nya na tila mangiyak ngiyak na.
"Sige na nga." Saad ko sa kanya.
Naglakad ako papunta sa may gilid ng rooftop kung saan malapit sa may tanke ng tubig kasi nung g8 nakita kong may hagdan sa may gilid ng lubby ng 5th floor kaya nacurious ako umakyat ako sa railing ng lubby at tumuntong sa may base nito at naglakad ako sa gilid ng pader para maabot yung hagdan at inakyat ko iyon at yun nakita kong other way paakyat sa rooftop. Pagkarating namin don ay agad kong tiningnan ang gilid ng tanke at nandon pa nga ang hagdan kaya hinarap ko si Dalaney.
"Hindi ka naman takot sa matataas diba?" tanong ko sa kanya at umiling lang siya.
"Good baba tayo gamit yang hagdan na yan nakaconnect yan siya sa 5th floor and pagkababa natin sa 5th floor kaharap nun ang hagdan na located sa gilid and derederetso sa ground floor na malapit sa may canteen gets mo?" tanong ko sa kanya at tumango lang siya.
Nauna siyang bumaba at sumunod naman ako sa kanya pero wala pa ako nakaapak ng 5th floor narinig kong sumigaw si Dalaney kaya napailing na lang ako, tomboy ba tong kasama ko o babae na maarte? Kaya dali dali akong bumaba at pagkaapak ko ng 5th floor ay agad nyang pinulupot ang braso nya sa akin.
"Xiana may tao don oh." Nanginginig nyang sabi sa akin kasabay ang pagturo doon sa dereksyon sa may madilim na parte.
Hindi ko maaninang ng maayos kasi hindi ako nakakakita sa dilim kaya tuwing gabi kung maglalakad ako ay may dala talaga akong ilaw kasi kung saan saan ako nauuntog.
"Manikin lang yan." Saad ko sa kanya
"Hindi tao yun." Saad nya sa akin.
Kaya napabuntong hininga na lang ako at agad na kinuha ang phone ko at inon ang flashlight at itinapat doon at nakita naming manikin lang. kasi ang 5th floor nandito ang TLE rooms, science lab at band room kaya no wonder na manikin lang yun ng caregiving na tle.
"Sabi sa iyo." Saad ko sa kanya kasabay ang pagkalalakad pababa ng hagdan.
Nakapulupot pa rin ang si Dalaney sa kamay ko at halatang takot na takot habang bumababa kami kaya hinayaan ko na lang siya para hindi na siya matakot pa.
"Paano mo alam na manikin lang yun?" nagtatakang tanong nya sa akin.
"Kasi kami ang naglabas ng manikin na yun kanina kaya alam ko." Sagot ko sa kanya at natawa naman siya kaya napangiti na lang ako at hinayaan siya para mabawasan ang takot nya.
Pagkababa namin ay agad kaming naglakad papalabas ng gate namin at pagkalabas na pagkalabas ay may lumapit agad sa kanya at sinundo siya kaya agad siyang nagpaalam sa akin at I wave goodbye to her, I continue walking going to the main gate para magcommute, napakadelekado kasi kung maglalakad ako sa backgate baka mamaya mahold up ako.
Habang nakasakay ako ng motor ay narinig kong tumunog ang phone ko kaya agad kong kinuha sa bulsa ko at nakita kong nakaon pa pala ang data ko kaya kuha ko kaagad ang chat ni Dalaney.
"Thank you for this day I enjoyed it a lot and atin atin lang yun na takot ako kay Amega ha." Chat nya sa akin at napangiti lang ako, sineen ko lang yung chat nya mamaya ko na siya rereplyan sa bahay agad kong inoff ang phone ko at pinasok sa bulsa ko.
This day is sort what a funny day knowing that she was afraid of Amega.