Nandito lang ako sa kama ko at nakahiga kakatapos ko lang gawin ang mag products ko kaya nagpapahinga lang ako habang nagpapamusic nang biglang humina ang tunog ng phone ko at tumunog ang messanger ko, nakamute naman lahat ng gc ah sino naman kaya tong magchachat sa akin? Kay kinapa ko ang phone ko sa gilid ko at tiningnan kung sino ang nagchat sa akin at nakita kong si Dalaney pala kay agad kong binuksan.
Dalaney:
"Eyo Xiana, musta?"
"Ito buhay pa naman sa mga products na binigay."
Dalaney:
"Labas ka ng bahay nyo tingnan mo yung buwan isipin mong magkasama tayong dalawa na tinitingnan ang buwan."
Chat nya sa akin kaya agad agad akong lumabas ng kwarto at dali daling lumabas ng bahay. Pursue gorgeous journey
"Oh asan ka pa pupunta? Gabi na." Saad ni papa sa akin.
"Dito lang po sa labas ng bahay pa may titingnan lang po." Sagot ko sa kanya kasabay ang paglabas ko ng pinto.
Pagkalabas ko ng pinto ay agad akong umupo sa kahoy na upuan kasabay ang pagtingala sa langit at tiningnan ko ang napakalaki at napakadilaw na buwan, tama pala supermoon pala ngayon kaya napakalaki ng buwan. Agad kong binuksan ang phone ko at chinat si Dalaney.
"Nandito na ako sa labas napakalaki ng buwan."
Nakangiti lang akong nakatingin sa buwan, I never met such a person who also love to watch the sunset and the stars at night.
Narinig kong tumunog ang phone ko at agad ko yun binuksan at nakita ko ang chat ni Dalaney.
Dalaney:
"Napakaganda noh?"
"Oo, sobra. Sana magkasama tayong tinitingnan yung buwan."
"Magkasama naman tayong tinitingnan ang iisang buwan kaya magkasama na rin tayong dalawa."
Napangiti naman ako,habang binabasa iyon nakaramdam ako ng mabigat na pakiramdam sa dibdib ko, hindi ko alam kung ano ang dahil bakit ang bigat ng dibdib ko, hinayaan ko na lang iyon at pinagmasdan ang buwan habang naguusapp kami ni Dalaney sa chat at maya maya pa ay pumasok na rin ako sa loob ng bahay at natulog dahil may klase pa kami bukas.
Nasa loob lang ako ng classroom namin at nakatunganga sa may bintana habang inaantay namin ang next teacher namin, as always napakaingay ng klase namin kaya nasanay na rin ako. Tinatamad na rin akong lumipat ng upuan kung nasaan si Addy at kausap nya rin naman ang boyfriend nya kaya ang pangit naman kung laalpit ako at makikipagkwentuhan doon.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintanna namin at pinagmamasdan ang mga dahon sa puno na sumasayaw kasabay ng paghampas ng hangin ng mapansin kong pumasok sa loob ng classroom namin si sir Tristan kaya nagtaka kaming lahat kasi si Maam Fe ang teacher namin ngayon.
"Ok guys Maam Fe is not around as this moment kasi may inaayos siyang papaers ng mga athletes for the coming city meet, kaya may iniwan siyang seatwork sa inyo. Sagutan nyo raw ang page 87-88 sa one whole sheet of paper, Alexa pakicollect lahat ng papaers mamaya at paki baba sa office mamaya." Saad ni sir Tristan sa amin at saka siya umalis.
Agad kong kinuha ang phone ko at earphones kasabay ang pagpaslak ko sa tenga ko at nagpatugtog ng music saka ko kinuha ang aklat ko at isang piraso ng papel saka ako sumagot ng seatwork. Nang matapos akong sumagot ay agad kong binigay kay Alexa kasabay ang paglabas ko ng classroom kasi 5 minutes before the bell na lang rin man and after ng subject namin kay maam Fe ay recess na rin namin kaya kakain na lang rin ako.
Habang naglalakad sa hallway papunta ng hagdan ay nagulat akong may umakbay sa akin kaya napatingin ako kung sino yun at nakita ko si Zack, isa rin sa boy bestfriends ko and short background dito sa lalaking to. Naging magkaibigan kami nung grade 8 kami at si Addy mukhang bibig yung dati kong crush na si Fred na hindi ko naman alam na best friend nya pala nung elementary si Fred kaya nung grade 9 hiyang hiya ako sa pinangagawa ni Addy, kasi nung grade 9 magkaklase kami sa TLE and magkatabi kami kaya naging best friend ko siya kasi napakacomfy nya masyado. Agad akong napatigil sa paglalakad at tinangal ang earphones ko saka ko siya tiningnan.
"Alam mo kanina pa kita tinatawag nakaearphones ka pala." Saad nya kasabay ang paghampas sa akin.
"Bakit ano yun?" tanong ko sa kanya.
"Ala lang tara kain tayo." Saad nya kasabay ang paghila nya sa akin pababa napairap naman ako sa kanya.
Pagkarating namin sa may canteen ay agad kaming bumili ng pagkain namin at naglakad kami papuntang basketball court kasabay ang pagupo namin sa may paanan ng ring.
"Xiana anong gagawin ko sa kanya?" parang bata nyang saad sa akin kasabay ang pagsandal sa akin.
He is talking to Yara one of my elementary friends na crush nya since grade 8 kasi magkaklase sila and naging close sila and later on nahulog siya kay Yara and ngayon gusto nyang ligawan pero hindi nya alam kung papaano.
"Ligawan mo eh." Pagbabanas ko sa kanya kasabay ang agkagat ko sa pancake ko.
"Eihh paano nga?" pangungulit nya sa akin.
"Sulatan mo ng letter then kung di mo kayang ibigay sa kanya ako magbibigay para sa iyo, then pwede rin chocolates diba mahilig yun sa kitkat? Bigyan mo eh." Saad ko sa kanya.
"Talaga tutulungan mo ako?" parang bata nyang saad at napatango lang ako sa kanya kaya habang umiinom ako ng tubig nagulat na lang ako ng yakapin nya ako ng mahigpit buti na lang nga't hindi ako nasamid sa ginawa nya.
"Pero ano rin isusulat ko?" tanong nya kasabay ang pagkalas nya sa pagkakayakap sa akin.
"Ah ewan ko sa iyo napaka torpe mo." Saad ko sa kanya kasabay ang pagsira ko ng tubig ko, agad nya namang pinulupot ang mga kamay nya sa braso ko.
"Help me please." Saad nya sa akin habang nagpapacute, kaya bumuntong hininga ako sa kany at hinarap siya.
"Kung anong gusto mong sabihin sa kanya, ganon at wag mongillagay yang name mo sa letter ha." Saad ko sa kanya kasabay ang pagturo sa noo nya.
"Opo lagay ko lang BlackRider." Saad nya na napakasaya at napairap naman ako sa kanya.
"Ewan ko sa iyo." Saad ko sa kanya.
"Joke lang, sige sige ako na bahala, basta ha tulungan mo ako ha." Pangungulit nya sa akin.
"Oo na." Sagot ko sa kanya.
"Yehey I love you Xiana." Masaya nyang saad kasabay ang pagyakap nya sa akin and I just tap his arm.
Sa lahat ng boy bestfriends ko at mga kaibigan kong lalaki si Zack lang yung napakaclingy, mas clingy pa ata to sa akin eh, kaya minsan napagkakamalan nyan siyang bakla the way he act pero ang totoo lalaki talaga siya, soft nga lang; he is the guy who has a heart of a woman pero napakaprotective nya and he will comfort you not by words but by emotion, anjan siya if you need hug and comfort.