Chapter 5

1913 Words
Ilang araw na ang nakalipas at second quarterly exam na namin kaya puspusan na ang pagstustudy namin para sa exam, no practices and everything yun nga lang kahit anong balance mo na makastudy ka anjan pa rin yung products na pabibo na ipapasa after exam kaya double time talaga na habang nagstustudy ay gumagawa ka ng products mo, and I have this attitude na kailangang on time talaga lahat ng pinapasa ko kung hindi madedepress ako. Kakatapos lang ng exam namin for third day kaya medyo lutang pa rin ako dahil sa halo halong subjects na pinagstudyhan ko na nasa utak ko, buti na lang at last exam na namin ito at sem break na bukas. Pagkalabas ko ng classroom ay agad akong hinila ng mga barkada ko. "Oiy guys saan tayo?" tanong nila, kasi naka-ugalian na kasi namin na every after exam ay kakain kami kung saan. "Tara Mcdo." Pag aaya ni Samantha. "Pass di kaya ng wallet ko." Saad ko sa kanila. "Pass rin." Sunod sunod na saad ng iba kong barkada. "Backgate na lang kaya tayo,pastil ni ate Geng Geng?" pagaaya ko sa kanila. "Ay oo nga don na lang tayo kay ate Geng." Pagsasangayon nila sa balak ko kaya nagkasundo kaming lahat na mananghalian sa backgate. Naglakad kami papuntnag backgate at lumabas kami ng school at dumeretso sa gilid ng backgate kung nasaan ang mga pastilan nakahelera, dumaan muna kami sa isang street food cart para bumili ng kwek kwek at maiinom namin habang yung iba naman ay nauna naman doon sa pastilan ni ate Geng. "Mady toasted akin ha dalawa." Saad k okay Mady kasabay naman yung iba na nagpasabay na rin ang pagorder ng kanilang mga pastil. Pagkatapos naming makuha ang mga binili namin ay naglakad na kami papuntang pastilan ni ate Geng, habang naglalakad kami ay nagbibiruan kaming magbabarkada ng may tumawag sa pagalan ko kaya napatingin ako sa gawi kung saan nagmula yung tinig na iyon at nakita ko si Dalaney kasama ang mga kaklase nyang mga babae at lalaki. "Hi Xiana." Bati nya sa akin kaya napatigil ako sa paglaakad and I wave back to her. "Hi Dalaney." Bati ni Rhed sa kanya at kumaway naman si Dalaney napansin ng iba naming barkada ang pagbati ni Dalaney kaya bumati na rin sila at kasabay nun ang pagbati rin namin sa mga kasama nya. Naglakad na kami papuntang pastilan ni ate Geng , habang naglalakad kami ay bigla akong tinanong ni Rhed. "Magkakilala pala kayo ni Dalney?" Tanong nya sa akin habang naglalakad kami, napatango naman ako sa kanya. "Oo nagkakilala kami sa rooftop pero mas lalo kaming nagkakilala don sa birthday mo." Pagkwekwento ko sa kanya. "Talaga? Mabait yang si Dalaney matalino pa and pretty kaingit nga eh." Saad nya sa akin kasabay ang pagngiti nya sa akin. Pagkarating namin kay ate Geng ay agad namin siyang binati kasabay ang pagupo namin sa isang lamesa kung nasaan sila Mady, nagbibiruan lang kami habang kumakain at kami lang ata ang maingay doon sa pastilan ni ate Geng, puno lang kami ng tawanan at biruan habang tinitingnan ko sila at inaalala ko ang mga memorable days with them kasi hindi ko na sila makakasama pa sa senior high, alam na rin nila and nalungkot sila nung sinabi ko iyon sa kanila pero as we promised to each other we will stay attached no matter what. Pagkatapos naming kumain ng pananghalian ay nagpaalam na kami sa isa't isa at naiwan na lang kami ni Rhed habang naglalakad papunta sa may gate nung nangulit siyang magstastay raw daw muna siya sa bahay namin, ayaw nya pa kasing umuwi sa kanila. "Sige na pleaseeeee patambay sa bahay nyo, promise hindi ako magiging makulit don, matutulog lang ako please." Pangugulit nya sa akin habang naglalambing sa braso ko. Kaya wala rin akong nagawa kung hindi pumayag na lang, wala rin naman akong kasama sa bahay kasi nasa trabaho sila mama at papa at nagiisang anak lang rin ako kaya boring rin sa bahay. Habang naglalakad kami papunta sa bahay bigla naming nakasalubong si Dalaney nung sa may gate na kami ng backgate. "Hi, saan kayo?" masaya nyang bati sa amin. "Ah kila Xiana, sama ka? Masarap matulog don and cute ang bahay nila." Masayang saad ni Rhed kay Dalaney. Actually sa isang maliit lang naman na boarding house kami nakatir akung saan tamang tama lang sa amin tatlo nila mama, kasi dayo lang kami rito and wala kaming sariling bahay rito sa city kasi sa probinsya talaga kami nakatira yun nga lang nagkataong dito nakapagtrabaho sila mama at papa at nagkakilala kaya yun sa isang maliit lang na apartment kami nakatira. Nakita ko naming napangiti si Dalaney sa inasta ni Rhed sa kanya, sa tagal naming magkasama ni Dalaney na halos tuwing hapon na kaming magkasama ngayon ko lang napansin na maganda nga siya no wonder bakit ingit na ingit si Rhed sa kanya, matangot ang ilong nya, a formed eye brows fine lips and marunong siyang umarte sa sarili nya kesa sa akin. Siguro kung hindi ko lang talaga alam kung ano talaga totoong pagkatao ni Dalaney hindi mo talaga aakalaing lesbian siya kasi the way she acts hindi mo mahahalata, she's acting like a girl despite she's a lesbian and she isn't that bastard lesbian out there, she's a define and formal lesbian, following the dressing code of a woman. "Pwedeng sumama? Ayaw ko pa kasing umuwi sa amin." Pagpapaalam nya sa amin, hindi pa ako nakakapagsalita ay inunahan na ako ni Rhed. "Oo naman noh, always tambayan kaya bahay nila Xiana." Masayang saad ni Rhed kaya napabuntong hininga naman ako sa kanya kung maka pagpayag naman itong baklang ito parang siya ang may ari ng bahay. "Parang ayaw ata ni Xiana." Saad ni Dalaney kaya napatingin ako sa kanya. "Ah ah hindi ah, so ano tara na?" tanong ko sa kanila at napatango naman si Rhed at dali dali nya kaming hinila ni Dalaney papunta sa may road papunta sa amin. Nagtatalon talon lang si Rhed na tilag bata sa saya na pupunta naman siya sa bahay namin, tapailing na lang ako sa kanya habang kami ni Dalaney ay nasalikod nya lang na nakasunod, narinig kong natawa naman si Dalaney sa inasal ni Rhed. Naunang nakarating si Rhed sa may labas ng apartment namin at inantay nya kami roon na excited na excited makapasok sa bahay. "Oiy Xiana bilisan mo nga ang bagal mo." Sigaw nya sa amin ni Dalaney at narinig ko na lang na natawa si Dalaney sa kanya. "Ganyan ba talaga yang si Rhed pag pupunta ng bahay nyo?" tanong ni Dalaney sa akin. "Oo, parang bata noh?" tanong ko sa kanya at natawa sa sinabi ko. Pagkarating namin ay agad kong binuksan ang pinto ng apartment namin at dali daling pumasok si Rhed sa bahay at umupo sa sofa namin. "Sorry ha maliit lang ang bahay namin." Nahihiyang saad ko kay Dalaney habang tinatangal nya ang kanyang sapatos. "Hindi ayos lang ang cute nga ng bahay nyo at napakalinis." Saad nya sa akin kasabay ang pagpasok nya sa bahay. "Hay naku Dalaney wag ka nang magtaka manang kaya yang si Xiana kaya malinis talaga." Saad ni Rhed kaya nahiya ako sa sinabi nya kaya tinapunan ko siya ng unan at kasunod nun ang asaran naming dalawa. "Ang cute nyong tingnan." Nataatawang saad ni Dalaney sa amin kaya agad kaming humiwalay sa isa't isa kasabay ang pagdila ni Rhed sa akin. "Magbibihis lang ako ha." Pagpapaalam ko sa kanila. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko at pumasok sa kwarto ko at saka bumihis, agad akong kumuha ng dalawang t-shirt para makapagpalit man lang sila ng damit kasi alam kong pawis na pawis na yun sila, pagkalabas ko ng kwarto ay dumeretso ako sa sala kung nasaan sila at nadatnan ko na lang natulog na si Rhed sa sofa habang si Dalaney ay nagcecelphone, nung napansin nya ang presensya ko ay napatingin siya sa akin. "Nakatulog na pala si Rhed." Saad ko kasabay ang pag ayos ng pagkakatutok ng electric fan sa kanya kasabay ang pagupo ko sa tabi ni Dalaney kasabay ang pagabot ng damit sa kanya. "Magbihis ka muna ng t-shirt alam kong basa na yang likod mo ng pawis, pwede kang magbihis sa kwarto ko." Saad ko sa kanya. "Di ayos lang." Saad nya sa akin. "Ngi magkakasakit ka nya, wag kang magalala lahat ng kaibigan ko na pinapapunta dito pinapahiram ko ng damit." Saad ko sa kanya. Tiningnan nya yung damit kasabay ang pagtangap nya nito at ngumiti sa akin, sinamahan ko siya papunta sa kwarto ko para makapagpalit at habang nagbibihis siya ay nauna na ako sa sala at saka ako umupo sa may sofa habang nagcecelphone ay lumabas si Dalaney sa kwarto ko habang suot suot ang t-shirt na pinahiram ko. " Thank you sa pagpapahiram mo ng damit ha, paano ba yan after sem break ko pa maibabalik ang t-shirt mo." Saad nya sa akin habang pinapasok nya sa loob ng bag nya ang uniform nya. "Di ayos lang." saad ko sa kanya. "Ang cute ng bahay nyo, boarding house ba to?" tanong nya sa akin kaya napatango ako sa kanya. "Since baby pa ako rito na kami nakatira." Saad ko sa kanya habang nililibot nya ang paningin nya sa bahay. "Ganon ba." Saad nya kasabay ang pagtayo nya mula sa pagkakaupo nya at tiningnan nya ang picture frame nila mama at papa nung kasal nila na nakasabit sa dingding. "Kamukha po pala ang nanay mo noh." Saad nya habang nakatingin sa picture natawa naman ako saglit. "Sabi nila may mga chances ngang kamukha ko si papa." Saad ko sa kanya. Naglinbot libot siya sa buong sala habang tinitingnan nya ang mga pictures namin nila mama at papa. "Nagiisang anak ka lang ba?" tanong nya sa akin at napatango naman ako sa kanya. Sa paglilibot nya ay napunta siya sa uluhan ni Rhed na mahimhing ang tulog hindi ko alam ang ginawa nya kay Rhed tas bigla siyang lumapit sa akin at may binulong na ikinatawa ko. "May kalamansi kayo jan?" bulong nyang tanong sa akin napakunot noo naman ako, aanhin nya naman ang kalamansi? "Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Pagtripan natin si Rhed, nakabuka ang bibig nya oh painumin natin kalamansi." Saad nya sa akin at napatingin naman ako kay Rhed na natutlog ngang nakabukas ang bibig, natawa naman ako sa binalak ni Dalaney. "Doon sa kusina, tara." Saad ko sa kanya kasabay ang pagtayo ko sa pagkakaupo ko at pumunta kami ng kusina. Kumuha kami ng kalamansi sa loob ng ref at hiniwa namin iyon saka kami bumalik sa sala habang bitbit bitbit ni Dalaney ang dalawang kalamansi ay pumweto siya sa ulohan ni Rhed, akmang lalagyan nya na ng kalamansi si Rhed sa bibig nang hawakan ko kamay nya kaya napatigil siya at napatingin sa akin. "Di kaya yan magalit?" tanong ko sa kanya at umiling naman siya. "Wag kang magalala pagmagalit yan ako bahala sa iyo." Saad nya kasabay ang pagwink nya sa akin. Pinuwesto nya ang kalamansi sa bibig ni Rhed at piniga nya iyon kasabay ang pagkirig ni Rhed dahil sa asim ng katas ng kalamansi, agad naman siyang bumangon mula sa pagkakahiga nya at halata sa mukha nyang asim na asim siya sa nainom nya. "Pweh ang asim." Tili nya sa amin habang ako natatawa sa mukha at reaksyon ni Rhed habang si Dalaney ay tawang tawa sa ginawa nya. "Jusmio anong pinainom nyo sa akin ang asim." Talak ni Rhed habang pinupunasan ang bibig nya. "Ito." Natatawang saad ni Dalaney kay Rhed habang ipinapakita ang kalamansi. Agad naming pinagpapalo ni Rhed ng unan si Dalaney habang ako tumatawa lang sa kanilang dalawa, nagbabangayan lang silang dalawa habang kinukwento ni Dalaney kay Rhed ang reaksyon sa kanyang mukha. Tawa lang kami ng tawa hangang sa umuwi na silang dalawa, para akong mababaliw sa kalokohan nilang dalawa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD