Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ko at nakita ko si Jaya.Dire-diretso itong pumasok sa loob at walang paligoy-ligoy na nagsalita. "Wala ka bang balak na isalba ang relasyon ninyo ni Ciara?" Kuno't ang aking noo at hinarap ito. "What are you doing here? inutusan ka ba ni Ciara?" tanong ko sa medyo iritableng tinig. Tumaas ang kaliwang kilay nito." Ofcourse not! nandito lang ako para tulungan kayong magkaayos." Pagak akong tumawa."You can't fix it,Jaya.Problema namin ito at huwag ka nang makialam," "Iyan naman kasi ang problema sa'yo,Matteo.Wala kang pakialam! hindi mo pinahahalagahan ang mga taong mahalaga sa buhay mo.Magkaibigan tayo at kaibigan ko rin si Ciara.Gusto kong maging maayos ang lahat sa inyo,Matteo." "Huwag mo akong kausapin,kasi pagod ako." mariin kon

