K-45

2052 Words

Walang araw na hindi ako umiiyak dahil sa kaiisip sa mga nangyayari sa pagitan namin ni Matteo.Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa na maibalik sa akin si Thirdy.Sinubukan ko na rin ang puntahan ito sa kaniyang opisina subalit bigo ako dahil ayaw nitong makipag-usap sa akin.Saksi ang mga empleyado ni Matteo sa pagmamahalan namin at alam kong nagtataka ang mga ito dahil ayaw akong kausapin ni Matteo. "I'm sorry pero ayaw kang kausapin ni Matteo." "Please nakikiusap ako,Maurice.Gusto ko siyang makausap," nagmamakaawa kong saad "Ayaw ka nga niyang makausap.At Isa pa, may mahahalaga siyang taong kausap ngayon.I mean,mas mahalaga pa kaysa sa iyo, Ciara." Naikuyom ko ang aking mga kamao.Gustong-gusto kong magwala sa harapan nito pero hindi ako ganoon ka-eskandalosa kaya nagtimpi pa rin ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD