Nagising ako ngunit hindi ko nakapa sa tabi ko si Matteo.Dahan-dahan akong bumangon dahil nakaramdam ako ng pagsusuka.Mabilis akong nagtungo sa banyo at doo'y sumuka ng sumuka hanggang sa naramdaman ko ang pagbukas ng pinto ngunit hindi ko na pinansin pa iyon dahil sa kalagayan ko. Naramdaman kong may humagod sa likuran ko at alam kong si Matteo iyon. "Are you okay?"nag-aalalang tanong nito ngunit hindi ako makasagot dahil panay lamang ang pagsusuka ko. "Is there something I need to do para matigil ang pagsusuka mo?"narinig kong tarantang tanong ni Matteo habang patuloy pa rin sa paghagod nito sa likuran ko.Ng maramdaman kong maayos na ang lagay ko,dahan-dahan akong pumihit paharap dito at kaagad naman akong niyakap nito.Hindi ko mapigilan ang mapangiti.Bakas sa guwapong mukha nito ang

