K-6

1582 Words
"Good morning." nakangiti kong bati kay Matteo habang nasa island kitchen ito at mukhang abala yata sa pagluluto. "Good morning." anito ng hindi tumitingin sa'kin abala kasi ito sa ginagawa. Napansin ko ang seryoso nitong mukha. Humakbang ako palapit dito. "Mukhang masarap yata ang niluluto ng kuya ko." nakangiti kong wika. "Baked macaroni and bacon." tugon nito ng hindi parin nakatingin sa'kin. "Wow mukhang masarap yata iyan!" saad ko habang nakatingin sa ginagawa nito. "Kumusta na pala ang pakiramdam mo?" this time ay nakatingin na ito sa'kin at para nanamang lumakas ang paglukso ng puso ko dahil sa kagandahang taglay ng mga mata nito. "Okay naman ako?" kuno't-noo kong saad. "Next time, hindi na kita papayagang uminom at magpunta sa bar." seryoso nitong wika saka isinalin sa mangkok ang nalutong pagkain. "Bakit naman?" dismayado kong tanong." wala naman akong natatandaang ginawa kong hindi mo magugustuhan?" "Exactly! wala kang natatandaan sa ginawa mong kalokohan kagabi, kaya, hindi na ako makakapayag pa ulit na maglasing ka." mariin nitong wika. Gumulo tuloy ang isip ko. Ano naman kayang kalokohan ang nagawa ko kagabi at hindi ko matandaan? "Ano ang ginawa ko?" hindi ko mapigilang tanong. Umiling lang ito at hindi sumagot.Hindi ko mapigilang kabahan. "Please ano ba ang nagawa ko kagabi?naghubad ba ako sa harapan ng maraming tao? sumayaw ba ako sa tubo? Nakipagkiss ba ako sa isang estranghero?" sunod-sunod kong tanong. Humakbang ito patungo sa mesa at inilapag ang pagkain kaya sumunod ako. "Ano?" "Stop asking, okay?" anito sa medyo iritadong tono. Wala akong nagawa kundi ang tumahimik nalang. "Let's eat." anito at ipinaghila ako ng upuan. Kumain kami ng walang kibuan. Panay ang pagsulyap ko dito subalit, hindi manlang nito makuhang balikan ako ng sulyap. Seryoso ang mukha nito na hindi ko mapigilang pagtakhan. Pagkatapos kumain ay as usual, magkasabay kaming pumasok sa trabaho. Tahimik parin ito maging sa loob ng sasakyan. Ni hindi manlang ako nito kinausap. Bahala siya sa buhay niya. Kung gusto niya ng walang kibuan eh di, deal. Nauna na akong humakbang sa loob ng elevator. Mabilis naman itong nakasunod sa'akin. Nanatiling nakakunot ang noo nito at walang imik. Nang bumukas ang elevator ay nagpatiuna na rin akong pumasok sa loob ng department. Hindi ko na ito pinansin pa. Ihinagis ko ang dala kong shoulder bag sa ibabaw ng mesa ko at nakuha naman ang pansin ni Jaya dahil sa ginawa ko. "Oh, bakit kay aga pa lang mainit na yata ang ulo mo? Huwag mong sabihin epekto parin iyan ng alak na ininom natin kagabi?" anito habang nakapameywang na nakatingin sa'kin. I sighed at pasalyang umupo sa swivel chair. "Wala! Naalala ko lang ang client ko kahapon saksakan pala ng arte at selan sa katawan!" pagsisinungaling ko. "Sinasabi ko naman sa'yo, kaakibat na talaga sa tulad nating mga architect ang mga ganyang eksena at problema. Hayaan mo na ganyan talaga parang hindi ka naman sanay? Sa ilang taon mo nang pagiging architect ay ngayon mo pa ba poproblemahin ang ganun?" "Sabagay." saad ko. "Anyway, kumusta nga pala ang braso mo?" Napakunot noo ako. Ano ba ang pinagsasasabi nito. "Braso?" taka kong sinuri ang kanang braso ko wala naman akong nakitang kakaiba doon. "Sa kaliwang braso." anito. Mabilis kong sinuri ang kaliwa kong braso at doon ko lang napagtantong may malaking pasa doon. Nagtataka akong napatingin kay Jaya. "Anong nangyare sa braso ko?" Mahina itong tumawa. "Itanong mo nalang sa kaibigan mong si Matteo," anito sabay talikod. "Jaya!" Subalit hindi ako nito nilingon.Dumiritso lamang ito sa kanyang mesa at nag-umpisang magtrabaho. Mas lalong naging palaisipan sa'kin kung ano ba talaga ang nangyari sa'kin kagabi sa bar. Hindi ako nakatiis. Pinuntahan ko sa engineering department si Matteo para magtanong. Alam kong nasa gitna na ito ng trabaho pero wala akong pakialam. Pagpasok ko, nakita kong may kausap ito sa telepono subalit, mabilis nitong ibinaba noong makita ako sa bungad ng pinto. "What are you doing here?" anito sa medyo iritadong tono. Sumulyap muna ako sa likuran nito kung saan ay abala rin ang mga kasamahan nito sa kani-kanilang trabaho. "What happened to my arm? Bakit may malaking pasa?" tanong ko at ipinakita dito ang braso ko. Buntong-hininga lamang ang sagot nito subalit hindi rin nagtagal ay nagsalita na rin ito. "Let's talk about it later sa bahay." seryoso nitong wika at tinalikuran ako. Padabog akong nagmartsa at bumalik sa working area ko. Dalangin ko sana ay hilahin ng mabilis ang mga kamay ng orasan para makauwi na ng bahay at para malaman ko na rin sa wakas kung ano ba talaga ang nangyari saakin kagabi sa bar. Pagdating ng bahay, ay kaagad kong tinanong si Matteo tungkol sa gumugulo sa isipan ko. "Hindi ka ba talaga marunong maghintay? Look, kararating lang natin at pagod pa ako." reklamo nito habang hinuhubad ang sariling sapatos habang nakaupo sa couch sa sala. Tumaas ang kilay ko at nakapamaywang na humarap dito. "Hindi ba sabi mo we will talk about it later? Sa bahay?" inis kong tanong. "Oo nga pero hindi ko naman sinabing ura-urada.bLet me rest for a while at magbihis ka na rin," seryoso nitong wika saka tumayo at tinalikuran ako. Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan ang papalayong si Matteo.Pumanhik na ito sa kanyang kwarto subalit, naisipan kong sundan ito doon upang kulitin.Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang tungkol sa pasa ko sa braso ko. Good thing nakalimutan yata nito I-lock ang pinto ng kanyang kwarto kaya, malaya akong nakapasok doon. Alam kong nasa banyo ito dahil sa lagaslas ng tubig na nagmumula doon.Humakbang ako patungo sa kama at sumampa doon.Binuksan ko ang tv at nanood. Ilang sandali lang ay narinig ko na ang mga yabag ng binata palapit sa kinaroroonan ko.Mabilis akong tumayo upang salubungin ito ng tanong subalit, natigilan at napanganga ako ng makita si Matteo. Nakatapis ang ibabang bahagi ng katawan nito gamit ang puting tuwalya.bAmoy na amoy ko rin ang sabon nitong gamit sa paliligo. Napalunok ako ng ilang beses ng sumalubong sa paningin ko ang makisig at malapad nitong dibdib. Bumaba pa ng bumaba ang paningin ko sa malaking umbok na iyon na natatakpan ng puting tuwalya. "Bakit ka ba nanaman nandito?" Tila doon pa ako natauhan ng marinig itong nagsalita. Ibinaling ko sa ibang direksiyon ang paningin ko ng maramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa ginagawa ng makasalanang mga mata ko. "Alam mo naman diba ang sadya ko?" Nagsusungit-sungitan kong saad. Nilagpasan ako nito upang dumiritso sa kinaroroonan ng kanyang tokador. Hindi na ako nag-abala pang lingunin ito dahil alam kong nagbibihis na ito sa ngayon. Kung dati ay hindi ako naiilang kahit pa maghubad ito sa harapan ko noong mga bata pa kami, maging noong nasa highschool palamang kami, ngayon ay biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Kahit nga noong malalaki na kami ay hindi kami nagkakailangan at kadalasan ay magkasabay pa kaming naliligo sa iisang banyo habang ako ay naka bra at panty lang samantala naman ito ay naka brief lang.Walang malisya para saamin ang mga iyon dahil kaibigan at kapatid na ang turingan namin sa isa't-isa. "Okay, tutal makulit ka rin naman, sasabihin ko na lang sa'yo ang gusto mong malaman." narinig kong wika nito. Humarap ako dito ng mapagtanto kong tapos na itong magbihis. "Inaway ka ng girl sa bar," umpisa nito. Napakunot ang noo ko. "Ako? Inaway? Bakit naman ako inaway?" sunod-sunod kong tanong. "Talaga bang wala kang natatandaan sa tuwing lasing ka?" Mabilis akong umiling-iling. "Paano ba naman kasi, hinalikan mo yong boy sa harapan mismo ng kanyang girlfriend." anito. Hindi ako makapaniwala sa sarili ko na magagawa ko ang bagay na iyon. "Ibig-sabihin, siya ang may gawa ng pasa ko?" "I'm sorry pero ako ang may gawa niyan." Nagtataka akong tumitig dito. "Paanong ikaw?" "Ayaw mo kasing magpaawat kagabi habang kasabunutan mo yong girl kaya, mabilis kitang hinila upang ilayo sa lugar na iyon subalit, sa kasamaang palad, napahigpit yata ang pagkakahawak ko sa braso mo na naging dahilan ng pagkakaroon ng malaking pa......" "Oh my gosh!" Bulalas ko. Napakalaking kahihiyan ang nagawa ko kagabi!nagkaroon tuloy ako ng pasa." "Kaya next time, huwag ka nang iinom ng alak nakakahiya ka." Umismid ako dahil sa narinig. Kahit kailan ay hindi niya ako mapipigilan sa gusto ko. "Anyway, may lalakarin ako ngayon. Huwag mo na akong hintayin sa Dinner sa labas na ako magdi-dinner," kapagkuwan ay wika nito. "Saan ba nanaman iyang lakad mo?" nakismid kong wika. "Hindi mo na kailangan pang alamin." anito. "Madaya." bulong ko. Napapadalas yata ang pag-alis nito ng hindi sinasabi saakin kung saan ang saktong lugar na pagpupuntahan nito. "Bakit girlfriend ka ba niya? o asawa ka ba?"bulong ko. "May dinner date kami ni Chloe." Para akong dinaganan ng buong mundo dahil sa narinig. "Okay." iyon lang at tinalikuran ko na ito. Narinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko pero hindi na ako nag-abala pang lingunin ito. Dumiretso ako sa'king kwarto at pabagsak na humiga sa malambot na kama. Maya-maya'y narinig ko na ang papalayong sasakyan ni Matteo. Para akong tanga na ewan habang nakatingala sa kisame. "Lord, bakit ko ba ito nararamdaman towards my bestfriend? hindi ito maaari." Natigil lang ang pagmumuni-muni ko ng biglang tumunog ang telepono ko. "Hello?" "What happened to you babe? Hindi mo ako sinipot sa bar na napag-usapan natin kahapon!” alam kong si Dave iyon dahil nabosesan ko ito sa kabilang linya. Ramdan kong galit ito kaya, hindi ko maiwasang kabahan. "I'm sorry, sumama kasi bigla ang pakiramdam kaya hindi na ako sumipot pa." pagsisinungaling ko at pilit pinakalma ang aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD