K-5

1619 Words
Pasulyap-sulyap ako sa bakanteng mesa ni Matteo.Parang palaging hinahanap-hanap ito ng mga mata ko.Hindi ko maintindihan ang sarili ko, parang namimiss ko ang binata.Kung bakit ba naman kailangan nitong um-absent dahil sa mahalagang lalakarin nito at kailangan pa talagang isikrito sa'kin. "Woy!" Kamuntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko ng gulatin ako bigla ni Jaya. "Ano ka ba!papatayin mo yata ako sa nerbiyos!" singhal ko dito. "Sorry na! paano ba kasi, parang kay lalim ng iniisip mo!" nakangusong saad nito. "Wala, iniisip ko lang ang clients ko, kailangan naming mag meet para sa gagawing renovation ng building na pinapagawa niya, you know, for designs." pagsisinungaling ko pero, ang totoo, kanina pa lumilipad ang utak ko dahil kay Matteo. "Ah, ganun ba? relate much ako sa'yo lalo na kapag sobrang arte ng clients mo naku! mase-stress ka talaga." pagsang-ayon nito. "Anyways, tutal friday naman ngayon, mag bar naman tayo mamayang gabi, ano sa tingin mo?" nakangising tanong nito. Bahagya akong natigilan.Kanina pa pala tawag ng tawag si Dave dahil nagyaya itong mag bar.Siguro ito ang magandang tiyempo para paunlakan si Jaya. "Sure!" Masaya akong niyakap ni Jaya. "Thank you naman."anito. "Kasama ko ang boyfriend ko, okay lang ba?" "Sure no problem! kasama ko rin naman baby ko mamaya!" anito sabay kindat. Nagkatawanan kami. Pagsapit ng hapon, ay nagmamadali akong bumaba ng building dahil sa usapan namin ni Jaya na mag bar. Sana lang ay wala pa sa bahay si Matteo para may dahilan ako para maagang makarating sa bar na napag-kasunduan naming puntahan ni Jaya.Hindi rin kasi nito alam ang tungkol sa'min ni Dave.Ang pag-aakala nito ay hiwalay na kami noon pa man at hindi na muling nagkabalikan pa. Ng makarating ng bahay, kaagad akong nagtungo ng banyo upang maligo.Pagkatapos kong maligo ay kaagad akong nagbihis.Simpleng dress lang na pinatungan ng itim na cardigans ang tanging suot ko na hindi lalagpas sa tuhod.Nagsuot lang ako ng sandalyas na nasa dalawang inches ang takong.Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto.Hindi ako sigurado kung nakarating na ba si Matteo dahil hindi ko naman ito sinilip sa kanyang kwarto.Kung nakarating man ito, ay wala rin akong balak magpaalam dito dahil alam kong hindi naman ako nito papayagan lalo na kapag malaman nitong si Dave ang kasama ko. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto upang isara iyon. "Where are you going? bakit ganyan ang sout mo?" "Ay kabayong bakla!" gulat kong sigaw habang tutop ang dibdib ko dahil sa sobrang gulat.Paglingon ko, ang madilim na anyo ng mukha ni Matteo ang sumalubong sa mga mata ko Mukhang kararating lang din nito.Kinabahan ako subalit, pinilit kong ngumiti upang ikubli ang labis na kaba. "Nandiyan ka na pala? kumusta ang lakad mo?" "Okay lang." Anito at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko." Saan ang lakad mo?" seryoso nitong tanong. Ngumisi ako at nagpout lips. "Sa bar kasama si Jaya,friday kasi ngayon kaya naisipan naming mag bar katulad ng nakagawian namin." Mas lalong nagdilim ang anyo ng mukha nito. "Who gave you permission to go out with Jaya?" seryoso nitong tanong. Umarko ang kilay ko."Wala! Kanino naman ako magpapaalam eh, wala kanaman dito kanina?" masungit kong tanong. "Ngayon na nandito na ako?" "Magpapaalam na po. "Tila batang saad ko. Nakakainis naman itong lalaki na ito. Mukhang ito pa yata ang hahadlang sa mga plano ko. "You will not go." "What?" dismayado kong saad. "Matteo naman, hindi na ako bata!" inis kong turan. "I know, pero hindi makakabuti para sa'yo ang lugar na iyon, lalo na at babae ka masyadong delikado." seryoso nitong saad. "Ilang years na akong pabalik-balik sa bar na iyon pero walang nangyayareng masa..." "Huwag matigas ang ulo, Ciara.Nandito ako bilang nakatatandang kapatid mo at kargo de konsensiya ko pa kapag may nangyare na masama sa'yo dahil nasa poder kita, malalagot ako sa yumao mong ama." "Eh, paano ka naman malalagot eh, yumao na nga 'di ba?" inis kong wika. Bumadha ang pagkadisgusto nito dahil sa sinabi ko subalit, walang salitang lumabas mula sa mga bibig nito. "Okay, kung mapilit ka lang din, payag na akong lumabas ka." Anito halatang sumuko rin ito sa bandang huli. Dahil sa narinig, out of nowhere ko itong nayakap. Bigla rin akong kumalas ng tila may kuryenteng dumaloy mula sa mga Sistema ko dahil sa yakap na iyon. "Pero, kasama ako." Gulat akong napatingin dito. Hindi maaari ang gusto nito dahil makikita nito si Dave. Kailangan kong mag-isip ng paraan. Sa bandang huli, naisipan kong I-text si Jaya. Sinabi ko dito na hindi na kami matutuloy doon sa napag-usapang bar. Nag sent din ako ng message kay Dave. Sinabi ko ditong hindi ako matutuloy kaya walang dahilan para hintayin ako nito. Kinutsaba ko si Jaya. "Sure ka ba?" "Yes," tipid nitong saad. "Hintayin mo lang ako at magbibihis lang ako. Pagbalik nito, ay napaawang ang mga labi ko. Sobrang bango ni Matteo at napakagwapo nito sa paningin ko kahit sa simpleng suot nitong dark polo shirt na pinaresan naman ng dark pants. "Let's go." narinig kong wika nito subalit, hindi ko magawang gumalaw. Nanatiling nakapako ang paningin ko sa napaka-guwapo nitong mukha. "Hey!" untag nito saka pa ako tila nagising mula sa malalim na pagkakatulog. "Ano uli iyon?" "I said, let's go." anito saka hinawakan ang kamay ko at inalalayang makapasok sa loob ng sasakyan. "Saan bang bar iyon?" ilang sandali lang ay tanong nito sa kalagitnaan ng pagmamaneho ng sasakyan. "Sa twinkle bar." "Sounds cheap." natatawa nitong saad. "Eh, sana hindi ka nalang sumama dahil alam kong mabo-bore ka lang doon."inis kong turan. Mahina itong tumawa. "Ofcourse not!hindi naman ako mabo-bore marahil dahil nandoon ka naman." Umismid ako. Anong kinalaman ko. Ano sa tingin niya ang gagawin ko doon. Sa sasayaw sa harapan niya para hindi siya ma-bore? "Iinom kami doon kaya, dapat lang uminom ka rin." "No." mariin nitong wika. Dahil nasa backseat ako umupo, sinulyapan ko ito sa rear view mirror. "Eh, ano ang gagawin mo doon? nganganga?" Kagyat rin itong sumulyap saakin. "Babantayan kita baka kung anong gawin mo doon." natatawa nitong saad. "Hmmp!" ibinaling ko nalang sa labas ng bintana ang paningin ko. "Baka kako, maglasing ka remember, maraming loko-loko sa mga ganoong lugar." Umismid lang ako.Natural na malalasing ako eh pag-iinom naman ang sadya ko doon. "Hindi na ako bata, Matteo." kapagkuwan ay wika ko." Infact, makakagawa na ako ng baby." inis kong turan.Huli na bago ko bawiin ang sinabi ko.Nagulat at halos maumpog ang ulo ko ng dahil sa biglaang pagpreno nito. "Hindi ko alam na mahalay na pala ang bibig mo sa ngayon.Sino naman kaya ang maswerteng lalaking kukunin mo para gumawa ng bata?" he said irritatedly. "Beke nemen gusto mong ikaw nalang?" Wika ng haliparot kong utak. Hindi ko dapat iniisip iyon dahil may boyfriend na ako at magkaibigan kami ni Matteo. "Wala siyempre! mukha bang may boyfriend ako?" "Eh baka naman, naglilihim ka na sa'kin." Kung umasta naman ito ay parang ama ko dahil sa sobrang higpit. "Wala akong inililihim sa'yo eh, ikaw nga itong may inililihim sa'kin eh.Para ka namang hindi bestfriend may pa-secret ka pang nalalaman." nagtatampo kong wika. Naramdaman ko ang muling pag-andar ng sasakyan. "You will know it soon." "Soon? huwag na, hindi naman ako interesado!" saad ko at humalikipkip na rin. Ang lamig kasi ng aircon. "Bakit ka kasi nagsu-suot ng ganyan kaiksi?" narinig kong wika nito.Marahil napansin nitong nilalamig ako. "Eh, sa gusto ko may magagawa ka ba?" masungit kong saad. "I've noticed na masungit ka bigla, what's wrong?" seryoso nitong tanong. Ngumiti ako. "Eh, dati pa naman akong masungit." Umiling ito at hindi na muling nagsalita pa. Naramdaman ko nalang ang paghinto ng sasakyan at nasa tapat na kami ng bar. "We're here." kaagad itong bumaba upang pagbuksan ako ng pinto at inalalayang makababa as if naman nadisable ako para alalayan pa eh kaya ko naman ang sarili ko. Sumalubong sa'min ang maingay at medyo madilim na loob ng bar. "Is this the place that you're really love?" he asked "Why don't you try to go to a places where you can find peace?" pasigaw nitong saad dahil maingay sa loob. "Gusto ko ng ganitong lugar maingay, at masaya at para lang malaman mo, I hate quite place." pasigaw ko ring tugon. "Girl!" Napangiti ako ng marinig ang boses ni Jaya. Dahil medyo madilim sa loob, hindi ko kaagad ito nakita pero, hindi rin nagtagal ay nakita ko na rin ito kasama ang boyfriend nito. Humakbang ako patungo sa mesang inuukupahan ng dalawa.Habang nakasunod naman sa'kin si Matteo. Ipinakilala ko si Matteo sa dalawa at nagkamayan ang kapwa lalaki. "Nice to meet you," "Same here," si Matteo. Napansin ko ang mga bote ng alak sa harapan namin. Marahil ay kanina pa naghihintay sa amin ang magnobyo. Inalalayan akong makaupo ni Matteo bago ito umupo sa tabi ko. "Tell me, pang ilang chix mo na itong si Ciara?" narinig kong tanong ni Walton nobyo ni Jaya. Nagulat ako sa tanong ng loko. Pinanlakihan ko ito ng mata as if nakikita niya dahil sa madilim sa loob. Kung maliwanag lang sana ang paligid ay kanina pa ito humandusay sa sahig dahil sa nakamamatay kong mga tingin. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Matteo. "She's my little sister." "Little, eh malaki na iyang si Ciara!" natatawang wika ni Walton. "Kahit na, she's still little to me, she's my bestfriend and a sister." ani Matteo at nakangiting bumaling sa'kin. Bakit parang kay sakit naman ng katotohanang iyon? Kapatid at kaibigan lang ang turing niya sa'kin. "Eh, ano naman ang inaasahan mo, Ciara?" inis kong bulong. Alam ko sa sarili ko na umiibig na nga ako sa kaibigan ko. Dapat habang maaga pa, ay apulahin ko na ang apoy na nagbabaga mula sa puso ko dahil mali ang mahalin ko ito lalo na at may Dave na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD