Hindi naging madali para sa'kin ang pagsasama namin ni Matteo sa iisang bubong bilang mag-kaibigan.
Ang hirap ipaliwanag ng nararamdaman ko ngayon na kailanman ay hindi ko naramdaman para dito noon.Kahit sa simpleng pagdidikit ng mga balat namin ay para akong nadadarang.Hindi ko alam kung paano aapulahin ang matinding apoy na nagbabaga mula sa puso ko sa tuwing naglalapit kami sa isa't-isa.
"Ang dami nating dapat pag-usapan." anito.
Kasalukuyan kaming nasa sala nanonood ng pelikula.Iyon na talaga ang nakasanayan namin simula pa noong mga bata pa kami kapag nagkakaroon ng spare time.
"Like what?" kunot-noo kong baling dito.Sinadya ko ring huwag masyadong lumapit dito dahil pakiwari ko ay anytime ay puwede akong ipagkanulo ng sarili kong damdamin.Nasa magkabilaang dulo kami ng sofa nakapuwesto.
Nataranta ako ng dahan-dahan itong lumapit sa kinaroroonan ko at tinabihan ako.
"I'm really sorry about sa sinabi ko noon na nahulog ang loob ko sayo, Maybe nabigla lang ako at hindi ko na alam ang pinagsasabi ko.You are a little sister to me at hindi ko dapat iyon sinasabi sa'yo noon."
Hindi ko alam pero parang nasaktan ang damdamin ko dahil sa narinig.Ngayon, alam ko na ang pakiramdam nito noong mga panahong ipinagtapat nito ang tunay na nararamdaman towards me.Masakit pala iyon at ngayon ko lang napagtanto.
Napalunok ako at hindi ko alam ang sasabihin parang nanuyo ang lalamunan ko dahil sa sinabi nito.
"Let's forget about the past.Wala na iyon at sa totoo nga lang hindi ko na masyadong maalala na sinabi mo sa'kin iyon noon," pagsisinungaling ko.
Isang katahimikan ang bumalot sa pagitan namin.
"Manood na tayo," wika ko at pilit na ngumiti.
Napapitlag ako ng bigla ako nitong akbayan habang ang paningin nito ay nasa pinapanood namin.
Halos hindi ako makahinga at ramdam ko ang pagtibok ng puso ko sa mga sandaling iyon.
"Next time, manonood naman tayo ng sine,"anito.Hindi ako umimik at tanging tango lang ang naging tugon ko.Paano kasi, nate-tense ako at hindi mapakali.Ang bango bango ni Matteo at parang kaysarap makulong sa mga bisig nito.
"Are you okay?" baling nito sa'kin.Marahil ay napansin nitong hindi ako mapakali.
Nakahinga ako ng maluwang ng sa wakas ay nagawa na nitong alisin ang mga braso nito sa balikat ko.
"Naiihi lang ako," pagdadahilan ko at ngumisi.
"Okay go to comfort room at baka magkalat ka pa dito sa sala," natatawa nitong biro.
Parang napahiya naman ako dahil sa sinabi nito.
"Okay lang, nandiyan ka naman puwedeng tagalinis sa kalat ko." ganting biro ko.
"Sure anytime!" anito saka ngumiti.Parang anytime rin ay malalaglag ang panty ko dahil sa paraan ng pagngiti nito.Nakakaakit at nakakapanghina ng tuhod ang mga ngiti nito.
"Sige CR lang ako." saad ko at saka dumiretso na sa banyo.Hindi ako umihi dahil hindi naman talaga ako naiihi.Sa halip ay humarap ako sa malaking salamin at saka naghilamos.
"Ano ba itong nararamdaman mo Ciara? magkaibigan kayo at little sister ka lang para sa kanya!at pinagsisihan niya ang pag-amin ng feelings noon towards you dahil nabigla lang daw siya!" sermon ng isip ko.
Muli akong naghilamos saka nagpasyang lumabas ng banyo.
Nandoon parin ito nanonood at mukhang seryoso yata ito sa pinapanood.
Saglit kong tinitigan ang kabuuan nito.Kahit sinong babae ay mai-inlove sa gandang lalaki ni Matteo.Malaki ang katawan at mukhang alagang Gym.Moreno ang balat at ang tangos ng ilong.Makapal ang maiitim nitong kilay. pilipino-turkish ito dahil turkish ang ama nito at ang ina naman nito ay purong pinoy.
"Hey!"
Untag nito ng mapansin ako mula di kalayuan ng kinaroroonan nito.
"Sit beside me." utos nito kaya dali-dali akong umupo katabi nito pero binigyan ko parin ng sapat na distansiya ang pagitan namin.
"Ang ganda ng pelikulang ito kaya, hindi mo ito dapat ma-missed," anito at inakbayan ako at ayon na nanaman ang kakaibang init na dulot ng pag-akbay nito.
"Anyway, hindi nga pala ako makakapasok tomorrow sa work may mahalaga akong lalakarin," maya-maya ay wika nito.
"Saan?"
"Secret."
Palihim naman akong nainis.Hindi ko na ito pinansin pa at inabala ko nalang ang sarili ko sa panonood.Pero, hindi ko parin mapigilan ang minsan sulyapan ito ng palihim.Ang guwapo niya talaga bakit ngayon ko lang ito napuna samantalang matagal na kaming magkasama simula pa pagkabata.Siguro ganoon talaga iyon kapag may espesyal kang pagtingin sa isang lalaki.Ang mga bagay na hindi mo naaapreciate noon ay ngayon mo lang na-a-appreciate.
"Nagpaalam na ako sa Department," dugtong pa nito."
Pagkatapos naming manood, oras na para sa pagtulog.
"Sa kuwarto ko na ikaw matutulog,"
Nagulat ako sa sinabi nito.
"Why?"
"Ilang taong hindi kita nakasama siguro naman magkatabi na tayong matulog like the old times," seryosong wika nito.
Hindi ako nakahuma at wala akong masabi.
Tama naman ito.Noon kasi, palagi kaming magkatabi sa pagtulog dahil nga sa magkapatid na ang turingan namin sa isa't-isa.Pero sa tingin ko hindi na puwede iyon sa ngayon.Hindi ko gusto ang ideyang magtatabi kami sa pagtulog kahit na para dito ay walang malisya iyon.
"Please..."anito.
Nag-isip muna ako bahala na si lord sa magiging pasya ko.
"Okay."
Bago tuluyang magpahinga ay naisipan ko munang mag half bath ang init kasi ng pakiramdam ko kahit kanina lang ay naligo naman ako.
"Saan ka pupunta?" anito habang nakahiga sa kama at mukhang magpapahinga na nga ito.
"Mag sho-shower." wika ko.
"Okay, take your time." nakangiting wika nito.
Dideritso na sana ako sa pinto dahil wala akong balak maligo sa banyo nito.Doon ako sa banyo ko maliligo dahil hindi ako komportable.
"Sa banyo ko na ako magsho-shower," nakangisi kong wika.
Nakita kong bumalikwas ito ng bangon.
"No, you can use my bathroom wala namang pinagkaiba iyon sa bathroom mo," natatawa nitong saad.
"Pero,"
"Wala nang pero, pero okay?"
Wala akong nagawa kundi ang dumiretso sa bathroom nito.
Pagkatapos kong mag half bath ay natigilan ako ng maalalang wala pala akong damit pamalit dahil nasa tokador ko ang mga iyon.
Wala akong choice kundi ang buksan ang pinto ng banyo at tawagin si Matteo.
Kaagad naman itong nagtungo sa labas ng pinto ng banyo kung saan ako naroroon.
"Why? may problema ba? Sa pagkakaalam ko kumpleto ang loob ng banyo may shampoo at...."
"Hindi iyon." putol ko sa sasabihin nito.
"Eh, ano?" taka nitong tanong.
Alanganin akong ngumiti habang pilit na ikinukubli ang katawan kong hubad sa pinto.Tanging ulo ko lang ang nakalabas sa pinto.
"Wala kasi akong damit pamalit, baka naman puwedeng pakikuhaan ako sa tokador ko, sa kabilang kwarto."
Natigilan ito at walang paalam na tumalikod.Nagtaka ako ng bigla itong nakabalik at may bitbit na mga damit subulit, hindi ko damit ang mga iyon kundi damit nito.
"Tinatamad na akong lumabas, here isuot mo nalang." anito saka inabot ang mga damit.
"Sure ka? ang laki kaya ng damit mo?" reklamo ko.
"Hayaan mo na, matutulog ka lang naman."
Hindi na ako nag inarte pa.Kinuha ko iyon at isinuot.
Nakasimangot akong lumabas ng banyo.
"Bakit sambakol iyang mukha mo?" natatawa nitong puna.
Kaya ko bang sabihin na wala akong panloob? hindi man lang nito naalalang kailangan kong magsuot ng panty at bra.
"Wala!"
Nakita kong tumayo ito at nakaramdam ako ng pagpa-panic lalo na at alam kong lalapit ito sa'kin.
"Please huwag kang lalapit!" taranta kong wika at kaagad na tumalikod dito.
"Why?" taka nitong tanong.
Dahan-dahan akong pumihit paharap dito at alanganing ngumiti.
"Wala akong bra at panty."
Nakita ko ang labis na pagkagulat mula sa mukha ni Matteo.
"Oh! I'm really sorry! hindi bale, kukuhanan kita sa tokador mo."
"No! no!" maagap kong wika.
"Bakit?" kunot-noo nitong tanong.
Nakakahiya kayang isipin na madadampian ng mga palad nito ang mga bagay na iyon.
"Ako na lang, may kukunin din naman ako doon sa kwarto ko." pagdadahilan ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng tumango ito at bumalik sa sofa upang ipagpatuloy ang pinapanood.
Dinama ko ang aking dibdib pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko.
"Diyos ko, bakit ba ako nagkakaganito? bakit ganito nalang ang epekto saakin ni Matteo? hindi ko ito dapat na nararamdaman."
Kinalma ko ang aking sarili bago maisipang bumalik sa kwarto ni Matteo pagkatapos kong isuot ang mga panloob ko.
Mukhang natapos na nito ang pinapanood dahil nakasampa na ito sa kama at mukhang handa ng magpahinga.
Bakit ba kasi naisipan pa nitong magkatabi kami sa pagtulog nakakainis.
Tumalikod ako atsaka nag-isip kung papasok na sa loob.Siguro nangangalahating oras na akong nakatayo at nakatalikod dito.
"Come here,"
Paglingon ko,doon ko pa napansin na kanina pa pala ito nakatayo sa bungad ng pinto habang nakatitig sa akin.
Dahan-dahan akong humakbang patungo sa kinaroroonan nito.Parang may malilikot na daga ang nagsisitakbuhan mula sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba.
"You look so pale." narinig kong wika nito ng sa wakas ay makasampa na ako sa kama katabi nito.
"Ha?" saad ko at sumampa sa kama.
"Maputla ka, may masama ba sa pakiramdam mo?" nag-aalala nitong tanong.
Pumikit ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko.Dalangin ko sana ay tuluyan na akong mawalan ng malay upang hindi ko na maramdaman ang kakaibang pagdagundong ng puso ko sa mga sandaling magkadikit ang mga balat namin.
"Okay lang ako! matulog na tayo." wika ko at pabagsak na humiga sa malambot na kama.
Tumalikod ako mula dito.Ayaw kong makita ang gwapo nitong mukha dahil baka kung ano pang kalokohan ang magawa ko.
"Let's talk first," narinig kong wika nito.
Nananadya ba talaga ang tadhana? kung kailan gusto kong iwasan ito ay saka naman ito gustong makipag-usap pa saakin.
"Hindi ba sabi mo may lakad ka bukas? matulog na tayo." kinakabahan kong saad at hindi na ako nag-abala pang harapin ito.
Buntong-hininga lamang ang narinig ko mula dito.
Pumikit ako at tuluyan na nga akong nilamon ng matinding antok.