K-3

1638 Words
"Pack your things!” bigla akong natigil sa ginagawang pagliligpit ng mga pinagkainan namin dahil sa narinig. Humakbang ako patungo sa sala, kung saan ito naroroon.Seryoso ang anyo ng mukha nito habang nakatanaw sa malaking screen ng tv. "Bakit naman?" taka kong tanong. Nanatiling nasa pinapanood ang paningin nito. "Titira ka na sa bahay ko, ayaw kong mag-isa ka lang dito." "No!" mariin kong tanggi. Bigla itong nagbaling ng tingin sa'kin habang naka-kunot-noo. "Walang titingin sa'yo dito kapag sumama nanaman ang pakiramdam mo," wika nito sa medyo iritableng tono. Medyo bumuti naman ang lagay ko dahil nakainom na ako ng gamot para sa desmenorrhea. Ganito talaga ako kapag nagkaroon ng period, halos mamatay dahil sa sobrang sakit ng puson at kadalasa'y nilalagnat bago magkaroon ng period. "Hindi na ako bata Matteo!" bulalas ko. Nakita kong tumayo ito at humakbang patungo sa kinaroroonan ko. "For me, you're still baby," Halos lumuwa ang puso ko dahil sa narinig. Bakit kakaiba ang pandinig ko sa mga katagang winika nito? Hindi ko maiwasang mapalunok ng paulit-ulit lalo na't nakita ko ang kakaibang mga titig nito sa mga mata ko. "May period na nga ako o! It means, hindi na ako baby!" natatawa kong wika. Naramdaman ko ang mga palad nito sa mga pisngi ko na naghatid naman ng kakaibang init sa kalamnan ko. Namumungay ang mga mata nitong nakatitig sa'kin. "Please forgive me, dahil iniwan kita ng walang paalam, " sa halip ay wika nito. "May mahalaga akong rason at ako lang nakakaalam at hindi mo na kailangan pang malaman pa, believe me I've missed you so much." Ang unang dahilan noon na sumagi sa isipan ko, ay akala ko ay ang pag-reject ko sa feelings nito noon. Akala ko nagalit ito sa'kin dahil sa binalewala ko ang pagtatapat nito ng damdamin. Pero ngayon, may nasisilip akong malalim na dahilan kung bakit ito umalis ng walang paalam. "Namiss din naman kita, Matteo." malungkot kong wika. "I'm sorry!" anito sabay yakap sa'kin at ayon nanaman ang kakaibang init na hatid ng mga yakap nito. ”Pero ngayon, nandito na ako at hindi na kita iiwanan pa, please sumama ka sa'kin pag-uwi," Saad nito bago kumalas mula sa pagkakayakap sa'kin. Nangungusap ang mga mata nitong nakatitig sa'kin. Dahil namiss ko nga ito sa loob ng limang taon, pumayag na akong sumama dito. Napakalaki at napakaganda ng bahay nito kumpara sa bahay nito noon. Sa tingin ko, magaling na archetict ang gumawa ng desenyo ng bahay nito. Iginiya ako nito sa isang kwarto. Malaki at maaliwalas ang loob niyon habang kulay purple naman ang dingding. "Wow! My favorite Color!" hindi ko mapigilang sambit. Pabagsak akong humiga sa malambot na kama habang ito naman ay tuwang-tuwa na nakatanaw sa'kin. Maya-maya'y natigilan ako ng mapansing titig na titig ito sa'kin. Kay lakas bigla ng t***k ng puso ko. Ibinaling ko nalamang sa ibang bagay ang paningin ko. "What do you want to eat?" narinig kong tanong nito. "No thanks, busog pa naman ako," sagot ko. "Okay." anito. Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa aming dalawa ni Matteo hanggang sa ito na mismo ang bumasag niyon. Umupo ito sa couch na naroroon. "Sa loob ng five years, may nanligaw ba sa'yo?" Seryoso nitong tanong. Napanganga akong nakatitig dito. Magagalit ba ito kapag sinabi kong nagkabalikan kami ni Dave? "I'm asking." "Wa-wala!" maagap kong wika. "Good!" Saad nito. "Ikaw ba, Sino si Chloe?" balik tanong ko. Ito naman ang natigilan at pagkuwan ay biglang umaliwalas ang mukha nito. "She's my girl." Hindi ko alam pero, hindi yata natuwa ang puso ko. Hindi ko dapat nararamdaman ang ganoon. "Okay." tipid kong wika. "Please tell me kung may umaaligid sa'yo so that, I can punch them." Hindi ko alam kong matatawa o matutuwa dahil sa sinabi nito. Paano kapag nalaman nito ang tungkol sa amin ni Dave? "Walang umaaligid sa'kin, Matteo." wika ko at pilit na ngumiti upang itago ang kaba. "Mabuti naman," saad nito. "Anyway, getup and dress your self may pupuntahan tayo.” narinig kong saad nito. Bumangon ako sa kama at tiningnan ito. "Saan?" masigla kong tanong. "Huwag ng maraming tanong just do what I said, okay?" Wika nito sabay tayo at iniwan ako sa loob ng kwarto. Naligo ako at isinuot ko ang paborito kong Off-shoulder dress na kulay purple at bulaklakin at hindi iyon lalagpas sa tuhod. Naglagay ako ng face powder and liptint for my lips. Iyon lang ang nakasanayan kong ipahid sa mukha ko kapag wala ako sa trabaho ko. Sinuri ko ng mabuti ang sarili ko sa salamin. Sa edad na twenty eight, kadalasan ay napagkakamalan pa akong twenty years old dahil, baby face daw ako. Well, hindi ko naman maitatanggi iyon, dahil nakikita ko naman ang totoo sa harapan ng salamin. "Ciara!" narinig ko ang pagtawag sa'kin ni Matteo mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Muli kong sinipat ang sarili ko sa salamin. Nang makitang okay naman ang hitsura ko, dali-dali akong humakbang patungo sa may pintuan at binuksan iyon. Sumalubong naman sa'kin ang napakabangong amoy ni Matteo dahil sa mamahalin nitong pabango. Pansin ko naman ang paghagod sa'kin ng tingin ni Matteo, mula ulo hanggang paa. Akala ko pa naman, uutusan nanaman ako nitong magpalit mabuti nalang at hindi ito umimik. Hinawakan nito ang kamay ko at marahang hinila pababa ng hagdanan. Hindi nito binibitiwan ang kamay ko hanggang sa umabot kami sa garahe ng sasakyan nito. "Iyong kamay ko po," natatawa kong wika. Kaagad naman nitong binawi ang sariling kamay mula sa pagkakahawak sa kamay ko. Napansin kong biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Nakakunot-noo ito at tahimik na nagmamaneho. "Saan tayo pupunta?" hindi ko mapigilang tanong. "Sa Motel," tipid nitong sagot na labis ko namang ikinagulat. Ano ang gagawin namin doon? Sigurado naman akong hindi kami mag-che-check-in at hindi ko alam kung bakit niya ako dadalhin doon. "Ano ang gagawin natin sa motel?" kinakabahan kong tanong. Hindi naman nakaligtas sa'kin ang mahinang pagtawa nito. "Bakit ka natawa?" inis kong tanong. "Ang ganda mo kaso, bingi!" Saad nito sabay hagalpak ng tawa. "It's Mortel, ang paborito nating puntahan na restaurant noon, 'diba?" Napaawang nalang ang mga labi ko. Kasalanan ko ba kung motel ang pandinig ko? Na ang tama naman pala ay Mortel. "Dahil matagal tayong hindi nagkita, I-te-treat kita," wika nito habang abala parin sa pagmamaneho. Tumango lang ako at hindi na umimik pa. Huminto kami sa nasabing restaurant. Ang tagal ko ring hindi nakakapunta sa lugar na ito. Masasarap pa naman ang pagkain dito. Akala ko, kaming dalawa lang ni Matteo subalit nadismaya ako ng makita ang isang babaeng kaagad na lumapit kay Matteo at naghalikan pa ang dalawa sa harapan ko. Lihim akong napaismid. akala mo naman maganda! Wika ng bitter kong isipan. Pasimple kong hinagod ng tingin ang babae. Kala mo naman nakulangan sa tela dahil sa napakaiksi ng dress nitong sout. Akala ko ba ayaw ni Matteo ng babaeng masyadong daring manamit? e pagdating pa nga sa'kin, napakahigpit na. Akala mo naman mag-asawa kami. Pero itong talandi niyang babae, hindi man lang niya pinagsabihan. "Hey!" untag sa'kin ni Matteo. "Sorry, may naisip lang kasi ako, ano nga ulit iyon?" "I said, this is Chloe." Nakita kong inilahad ni Chloe ang sariling kamay pero, hindi ko tinanggap iyon. Sa halip, inirapan ko lang ito. "Attitude din itong bestfriend mo, Sweetie," narinig kong wika ni Chloe kay Matteo. "Hayaan mo na, may period kasi." Inis kong tinapunan ng tingin si Matteo. Nakangisi pa itong nakatingin sa'kin. Talagang iniinis ako ng loko. Umupo na ang dalawa pero, nanatili lang akong nakatayo habang nakatitig sa dalawang nilalang habang masayang namimili ng maaaring order-in sa menu. "Crispy Pata please!" maarteng wika ni Chloe sa crew na naroroon. umismid lang ako. "One Chicken Salad, and One Rice." dugtong pa ni Chloe. "Sisig and one rice lang din." wika naman ni Matteo. Kapagkuwan ay biglang bumaling ang tingin nito sa'kin. "What's yours?" kunot noo nitong tanong. "Wala, nawalan ako ng gana!" inis kong wika sabay talikod sa dalawa. Nauna na akong pumasok sa kotse ni Matteo doon ko nalang ito hihintayin. "Where have you been?" narinig kong tanong ni Matteo. Hindi ko namalayang nakapasok na pala ito sa loob ng kotse dahil nakaidlip ako. "Dito lang sa loob." matabang kong sagot. "Masama ba nanaman ang pakiramdam mo?" nag-aalala nitong tanong habang mina-maniobra ang sasakyan. "Where is She?" sa halip ay tanong ko. Kumunot ang noo nito. "Si Chloe ba?" tanong nito. "Umuwi na rin ayaw niya magpahatid,” sagot nito sa sariling katanungan. "Bakit mo naitanong?" nakangiting tanong nito. "Wala lang! Hindi ko siya type para sa'yo!" Narinig ko ang pagtawa nito ng pagak. "At sino naman ang type mo para sa akin?" tanong nito habang nagmamaneho. Natigilan ako. "I mean baka may ibang babae pa diyan mas maganda.” Natawa ulit ito ng pagak. "Aanhin mo naman ang maganda kung hindi ka naman mahal?" Seryosong saad nito. Natahimik naman ako. Maya-maya'y naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Nasa tapat na kami ng bahay nito. Kaagad itong bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Hinawakan nito ang kamay ko upang alalayang makababa subalit, bigla kong binawi ang kamay ko ng makaramdam ng tila kuryenteng dumaloy sa kalamnan ko. "Why?" taka nitong tanong. Hindi ako sumagot bagkus, nagpatiuna ako dito upang makapasok sa loob ng bahay. "Nag take-out ako para sa'yo alam kong gutom ka na," saad nito. Dumapo ang paningin ko sa hawak nitong maliit na eco bag. Napakamaalalahanin talaga nito at alam kong masuwerte ang babaeng mapapangasawa ng binata. "Thanks." tipid kong wika saka inabot ang eco bag na hawak hawak nito. "Bakit ba parang wala ka sa mood kanina?" nakangiting tanong nito. "Alam ko na! Nagseselos ka kay Chloe no?" Tukso nito. "Hindi no!" mariin kong tanggi at padabog na tinalikuran ito. "I'm just kidding!" Narinig kong wika nito bago pa ako nakapasok sa loob ng kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD