Para akong mamatay dahil sa sobrang lungkot Mag-isa lang ako dito sa loob ng kuwarto.Nami-miss ko si Maine.Ngayong nalaman kong hindi ko ito anak ay hindi pa rin nagbabago ang puso ko bilang ama nito.Hindi ako sanay na hindi ko ito nakikita.Dahil sa sobrang galit kanina kay Chloe,hindi ko na naisipang bawiin ang bata sa hayop na lalaking iyon.Hindi ako makakapayag na hindi ko mabawi ang bata dahil ako ang kinikilala nitong ama. Dahil sobra na akong naiinip,bumaba ako at nagtungo sa mini bar ng bahay at kumuha ng alak. "Matteo," Natigilan ako ng mabosesan si Chloe.Galit kong ibinaba ang hawak kong bote. "What are you doing here?" "I just want to say sorry," mahinang saad nito ng hindi makatingin ng diretso sa akin. "Tapos na ang lahat,Chloe! niloko mo ako!" "Paano ang bata?I mean paa

