Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin ni Matteo.Kapwa nagpapakiramdaman habang ang dalawang bata naman ay masayang nagkukuwentuhan. Hindi ko alam ang sasabihin ko at pakiramdam ko ay ganoon din ito."I'm really sorry,Ciara.Kung alam ko lang sana na niloloko pala ako ni Chloe ay hindi ko magagawang piliin ang bata," Nabahala akong sumulyap kay Maine mabuti na lang at hindi ito nakikisali sa usapan naming dalawa. "Dahan-dahan ka naman sa pananalita mo baka marinig ka ni Maine,"mariin kong wika."Huli na ang lahat para sa pagsisisi,Matteo.Hindi ka ba masaya na nakilala mo si Maine bilang iyong anak?" Natahimik naman ito atsaka sinulyapan ang bata."Masaya ako,hindi ko maaaring itanggi iyon.Pero may kulang,Ciara.Ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama noon pa man,pero hindi

