Nagulat ako pag-gising ko kinaumagahan ay nasa isang silid na ako at alam kong silid iyon ni Matteo.Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ang ginawa kong pakikipag-inuman kay Matteo kagabi.Ang alam ko ay kapwa kami lasing pero paano niya ako dinala dito sa loob. At magkatabi pa talaga kaming natulog.Mabilis kong sinuri ang kasuutan ko ganoon pa rin naman ang suot ko at walang nabago kaya nakahinga ako ng maluwag.Ano ba ang inaasahan mo,Ciara?na may mangyayari ulit sa inyo?" Mabilis kong inayos ang sarili ko at dali-dali kong tinungo ang kinaroroonan ng pintuan upang lumabas at ng makauwi na sa bahay dahil baka hinahanap na ako ni Thirdy. "Where are you going?" Halos mapalundag ako dahil sa sobrang gulat ng marinig ko ang boses ni Matteo.Dahan-dahan akong pumihit paharap at tinapunan it

