“Honey,” tawag sa akin ni Theo ng nasa loob na kami ng isang shop kung saan kami ay naka-schedule na sukatan. Nakaupo lang kasi ako habang siya ay busy sa pagfi-fit ng barong niya. Hindi ko siya pinansin sa pagtawag niya sa akin. “Jean, honey.” Muli ay tawag niya sa akin ng hindi man lang ako tumalima. “Ma’am, halina po kayo at susukatin ko na po ang measurements ninyo,” sabi ng Couturier sa akin. Tumayo naman na ako at lumapit na sa kanya. Kinuha na nga niya ang measurements ko. “Ma’am Jean, I do have gowns na fit po sa measurements ninyo,” turan sa akin ng Couturier nang matapos ang pagkuha niya ng measurements ko. “Yes, please, Sally, para makapili na siya,” ika naman ni Theodore rito. “Yes, Sir Theo,” tugon nito kay Theodore. “Alam mo naman na we are chasing our wedding sched

