Pagkatapos ng naging pag-uusap naming dalawa ni Kara ay hinintay ko ang inutos ko sa kanya. “Kara, do not disappoint me.” Mahina kong sambit habang hinihintay ang pictures na hinihingi ko sa kanya. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko narinig na tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako kaagad dito kahit na may ini-scan akong kontrata. Kinuha ko kaagad ang aking cellphone at nabasa ko ang text sa akin ni Kara. “Sir, nai-send ko na po sa email ninyo.” Basa ko sa message niya sa akin. Agad ko namang binuksan ang email ko at nakita ko nga na merong s-in-end sa akin si Kara. “Nai-send nga sa akin ni Kara ang mga pictures na hinihingi ko sa kanya,” wika ko habang napapangiti. I get my phone once again and text Kara. Alam ko naman kasing hindi niya ako mahihindian dahil alam kong may loya

