KARA's POV Nakakagulat mang isipin at intindihin, ay hindi pa rin namin alam kung bakit naghiwalay nang biglaan sina Ma'am Jean at Sir Keyf. Maayos naman kasi sila parati. Hindi nga namin nahahalata kung may tampuhan sila dahil palagi naman silang nag-uusap na dalawa. Pero ngayon lang kami nagulat nang malaman namin from Ma'am Jean na hiwalay na sila ng hindi sinasadyang maitanong ko rito kung bakit hindi na nagagawi si Sir Keyf sa coffee shop. "Ma'am…" tawag ko kay Ma'am Jean isang araw na nasa shop siya at busy'ng-busy na naglilista ng mga supplies na bibilhin siguro niya. "Um, yes, Kara?" hindi niya ako tiningnan bagkus ay tuloy-tuloy lang siya sa ginagawa niya. "Bakit po pala halos magtatatlong linggo na pong hindi nagagawi rito si Sir Keyf?" tanong ko rito na kinatigil niyang b

