Bumalik ako ng opisina dahil talagang ayoko pang umuwi. Ayokong malaman at makita ako nila Mommy at Daddy na ganito. Ayokong mag-isip sila ng mali, na may hindi magandang nangyari sa akin, although meron naman talaga. Sadyang ayaw ko lamang na pati sila ay ma-involve pa sa private life ko. Okay ng ako na ang bahala sa pribadong buhay ko. Ako na ito. Kaya ko na ito. “Sir Keyf,” tawag sa akin ng Security Guard na nagpapasok sa akin sa building ng company na pinagtatrabahuan ko. “Gabi na po, Sir. Um, may kailangan po ba kayo sa opisina ninyo?” tanong nito. Hindi naman ako kaagad nakapagsalita. “Kasi po, Sir, para po kayong lasing,” he said. Humarap naman na ako rito. “May tatapusin lang po ako,” I said para hindi na siya magtanong pa sa akin kung ano a

