I DON’T WANT THIS…

2607 Words

JEAN’s POV Wala na akong ginawa kundi umiyak nang umiyak nang umalis na si Keyf sa kwarto ko. “I’m sorry… I’m sorry…” Patuloy na iyak ko habang yakap-yakap ang sarili ko. “Anak…” Napatingin ako sa biglang pumasok sa kwarto ko. “Nay!” Mabilis akong tumakbo palapit dito at yumakap. Umiyak na naman ako nang umiyak dahil sa ginawa ko kanina kay Keyf. “Nay!” Iyak ko pa rin, “Sorry po,” ulit ko. “Sorry po!” Hinagod naman ni Nanay ang likod ko. “Ano ba ang nangyari, Anak?” tanong ni Nanay sa akin, “Umiiyak si Keyf kanina nang umalis dito.” Tuloy tuloy na wika nito, “Nagpapaalam sa akin, nagpasalamat pa nga sa mga masasarap na luto ko, at ipinagbilin ka pa kanina.” Mas lalo akong napaiyak sa sinabi ni Nanay na sinabi sa kanya ni Keyf. “Ano ba ang pinag-awayan ninyo, Anak?” tanong nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD