Pagkagaling ko sa coffee shop ay tinawagan ko kaagad si Jean. Hindi ko na kasi kaya pang maghintay hanggang mamaya para lang makausap siya. Nag-aalala pa rin kasi ako sa kung “Mal,” sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko, “Hindi ka nagpunta ng shop, kagagaling ko lang doon kanina,” kausap ko siya habang nasa opisina na ako at kumakain ng lunch, hindi na kasi ako nag-dine in. “Bakit hindi ka pala pumasok?” tanong ko na rito. Hindi naman siya kaagad sumagot sa akin. “Mal?” Muli ko na namang tawag sa kanya ngunit hindi talaga siya sumasagot. “Are you okay? Gusto mo bang mag-half day na lang ako at puntahan kita?” tanong ko na naman sa kanya. Wala ulit akong narinig na sagot mula sa kanya. “Jean…” Muli ay tawag ko rito. “Um…” Mahinang sambit niya lang sa akin. “Something wrong? Kagabi

