JEAN’S POV Nagising ako nang maramdaman ko ang malakas na hangin na dumampi sa aking mga bisig. Nakatulog pala ako, naisambit ko habang nag-aayos ng aking sarili. Tiningnan ko ang relo ko. “Alas onse na pala,” sambit ko. Tumayo na ako lumabas na ng kwarto ng Mama at Papa. Hanggang sa pagbaba ng aming malawak at mataas na hagdan ay nararamdaman ko pa rin ang lungkot. Napahawak ako sa hawakan ng aming hagdanan. “Mama, Papa, huwag po kayong mag-alala. Lagi ko pong tatandaan ang inyong sinabi sa akin,” wika ko at nagpatuloy na ako sa pagbaba. Nang makababa na ako at makalapit na sa aming malaking pinto ay sumulyap akong muli sa kabuuan ng aming mansyon. “Ang mga alaala sa apat na sulok ng ating mansyon ay aking babaunin hanggang sa aking pagtanda dahil alam

