Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Kara. “If Jean is not here, then where is she, Kara?!” tanong ko rito. Nagkatinginan naman silang mga staffs namin bago muling nagsalita si Kara. “Sir Keyf, pasensya na po pero talagang wala po si Ma’am Jean rito.” Muling sagot ni Kara sa akin. Nakikita ko naman sa kanya na nagsasabi siya ng totoo kaya naman tinalikuran ko na lamang siya at lumabas ng shop. Isinuklay ko ang mga daliri ko sa buhok ko ng hindi ko maisip kung saan ko pwedeng hanapin si Jean. Kung saan siya pwedeng magpunta sa ganitong oras. Nakatutuliro lalo na at hindi pa ma-contact ang number niya kahit ilang beses ko na itong tinatawagan. “Ugh! Jean! Nasaan ka ba?” sambit ko habang hindi natatanggal sa akin ang pagtatanong. Natutuliro na talaga ako dahil

