“Ahhhhh!” Malakas na hiyaw ko habang nasa tuktok nang isang mataas na bangin. Dito ako dumiretso dahil sa galit na hindi ko mapigilan. “Mga hay*p kayo!” Muli kong hiyaw habang unti-unti nang bumabagsak ang mga luha sa aking pisngi. “Hay*p!” Gusto ko nang tumalon at magpakamatay sa oras na ito! Hindi ko na alam kung ano na ba talaga ang mararamdaman ko! Sobrang sakit ng mga nalaman ko. Para akong pinagkaisahan ng mga taong mahal ko. Para akong binalewala. Ano ba ako? Tao rin ako. May puso ako at may pakiramdam. Bakit sila ang nagdedesisyon para sa akin? Hanggang ngayon ba ay hawak nila ang buhay ko? “Bakit?!” sigaw kong muli. “Bakit?!” Mas naging malakas pa lalo na parang mapapaos na ako. “Bakit?” at saka umiyak muli. Alam ko naman na

