JEAN’S POV “Anak…” tawag sa akin ni Nanay habang ako ay nakaharap sa aking laptop. May tinitingnan kasi ako patungkol sa mga possible na nangyayari sa isang tao after ng successful na blood transfusion. “Yes po, Nay?” sambit ko rito sabay tingin ngunit saglit lang naman dahil bumalik din ako sa pagbabasa sa isang article na aking na-search. Naupo si Nanay Lusing sa aking harapan. “Kumusta ka naman, Anak?” tanong nito sa akin. Wala naman sa sarili na sumagot ako sa kanya. “Okay naman po ako, Nay,” sabi ko habang ang aking mata at isip ay naka-focus pa rin sa pagbabasa. Nagulat naman ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay kong nakahawak sa mouse ng aking laptop. Napatigil tuloy ako sa aking ginagawang pagbabasa. “Anak…” muli ay tawag niya sa akin. Napa

