It’s been a week passed mula nang matapos ang ikalawang x-ray ni Keyf, pero until now ay hindi pa rin siya nagigising. “Ma’am Jean, babalik na naman po ba kayo sa Ospital?” tanong ni Kara sa akin nang makita niya akong nag-aayos ng aking mga gamit. Ngumiti naman ako sa kanya at saka tumango na rin. “Oo, Kara. Gustung-gusto ko kasing nasa tabi lang ako ng Sir Keyf mo para kapag nagising siya ay ako kaagad ang unang-unang makikita niya. Gusto ko kasing malaman niya na hindi ako umalis sa tabi niya,” sabi ko rito. Napangiti naman si Kara. “Ang sweet!” sambit nito habang kinikilig, “Napakaswerte po talaga ni Sir Keyf sa inyo, Ma’am Jean. Hindi niya nakikita ang ginagawa ninyo ngayon pero alam ko pong nararamdaman naman niya ito.” “Yes, Kara. Tama ka sa iyong tinuran. Hindi

