Mabilis na lumipas ang tatlong araw. Pero si Keyf ay hindi pa rin nagigising. “Jean,” napalingon ako kaagad sa tumawag sa akin. “Tita Saf,” sambit ko rito sabay tayo at nakipagbeso-beso sa kanya. “Kumusta na si Keyf?” tanong nito. “Okay naman po siya, Tita, normal pa rin po ang mga vital signs niya,” sagot ko, “Pero hindi pa rin po siya nagigising,” malungkot na saad ko rito. “Tatlong araw na mula ng maging successful ang blood transfusion niya, pero bakit hindi pa rin siya nagigising?” tanong ni Tita Saf na hindi ko naman alam kung paano ko sasagutin, dahil hindi ko naman alam kung ano ang sagot. Sabay pa kaming napalingon nang marinig namin ang pagbukas ng pinto. “Dok!” naisambit ni Tita Saf ng ang Doktor ni Keyf ang bumungad sa amin. Lumapit naman ito

