Pagkatapos kong kausapin si Theodore ay nagpaalam na rin ako sa kanya dahil pupuntahan ko na si Keyf sa Opsital. “Jean…” tawag sa akin ni Theo nang pahakbang na ako paalis. Napalingon naman ako sa kanya. “Thank you…” he said again dahilan para ngumiti akong muli sa kanya. “Lahat ng tao ay deserve magkaroon ng second chance,” ika ko rito, “At kahit ano gaano pa kabigat, at ano pa man ang iyong naging kasalanan sa akin, papatawarin at papatawarin kita dahil ako ay isang hamak na tao lamang. Ang Diyos ang gumawa sa atin. Kung siya ay marunong magpatawad, ano pa tayong mga nilikha niya lamang?” Mahabang sabi ko sa kanya. “Salamat, Jean. Napakabuti mo…” “Sana lamang ay maging aral na sa iyo ang nangyaring ito, Theo, dahil hindi lahat ng tao ay kagaya ko. Hindi lahat ay m

