“Jean, please… Makinig ka.” Hindi ko siya pinakinggan. Patuloy akong naglakad palabas ng chapel ng Ospital at palayo sa kanya. “Jean, alam ko kung gaano kailangan ni Keyf ang masalinan ng dugo sa mga oras na ito,” sabi niya dahilan para mapatigil na ako sa paglakad ko ngunit hindi pa ako humarap sa kanya. “I am not asking you to forgive me and Theo for planning all of these.” Napataas ako ng aking mukha ngunit hindi pa rin ako humaharap sa kanya. “I don’t know, Jean, kung mapapatawad mo kami sa ginawa namin. Lalong-lalo na ako.” “At may gana ka pang humingi ng tawad sa akin ngayon, pagkatapos mo akong paniwalain na mahal mo ako noong mga panahon na mahal kita?” Doon na ako humarap sa kanya. “Jean…” “Ang kapal ng mukha mo, Jeff! Ang kapag ng mukha ninyong dalawa

