Napatingin ang lahat ng tao sa pagsigaw nang malakas ni Keyf mula sa entrada ng simbahan. “Ikaw?!” singhal at galit na sambit naman ni Theodore rito nang humarap ito sa pinanggalingan nang malakas na pagpigil sa kasalang nagaganap. “Itigil ang kasal!” muling turan ni Keyf. Napatingin naman ako sa Pari at ganoon din naman si Theodore. Nagbubulungan na ang mga tao habang napapatingin sa aming dalawa ni Theo at kay Keyf na papalakad na papalapit sa amin sa altar. Tinanggal ko ang belo na tumatakip sa mukha. “Keyf!” Malakas na tawag ko naman sa kanya. Ano ang ginagawa mo rito? tanong ko sa utak ko habang nakikita ko ang mga pa ani Keyf na humahakbang palapit sa akin. “Jeantou!” Muling sigaw nito na umalingawngaw na naman sa loob ng napakalaking simbahan. “Alam

