"ANAK!!! D'yos ko naman ang kupad mo talagang kumilos! Tanghali ka na!"
"Ayan na nga po, 'nay pababa na nanginginig pa! Tyaka ang O.A naman yata ng tanghali na, 'nay. Alas-syete pa nga lang ng umaga eh."
"O.A ka dyan! Baka gusto mong ibilad kita sa labas nang makita mo yang hinahanap mo," nanlalaki pa ang mga mata nya kaya napalunok na lang ako. "Kung maaga kang natutulog di sana ay maaga kang nagigising at hindi na kita gigisingin pa!"
Si Nanay talaga, ang aga-aga binubungangaan agad ako, ni hindi pa nga ako nakapag-almusal eh.
"Ano nga po palang niluto nyo for breakfast?" tanong ko na lang para maiwas na ang usapan. Juskes!
"Wala! Tinatamad akong paglutuan ka kaya pumasok ka na lang ng hindi kumakain." Hala!? Tignan mo 'tong si Nanay ang bad talaga sa akin.
"Nanay naman eh!"
"Nandyan sa lamesa tignan mo." sabi niya. Kaloka talaga!
Katulad nga ng sabi nya ay tinignan ko na lang kung ano nga ba ang niluto nya. Alam kong masarap yun kasi wala pa namang niluluto si Nanay na hindi masarap maliban sa sobrang pait nyang ampalaya with egg.
"Wow 'Nay! Adobo flakes at Sinangag!? Grabe favorite ko to!" Mukhang mapaparami ang kain ko ah. Talo-talo muna! Juskes!
Naupo na ako kaagad sa harap ng mesa kung saan may nakahanda ng plato. Sumandok na kaagad ako ng niluto nya, susubo na sana ako nang mapansin ang kabisera ng mesa.
"Nay. Si Tatay?" Saglit akong tinapunan ng tingin ni Nanay na nagliligpit sa lababo, saglit lang naman bago sya nagpatuloy ulit.
"Wag mong itulad sayo ang Tatay mo na tanghali na magising. Nasa trabaho na yun." Grabe naman si Nanay.
"Nay, grabe ka naman sa akin. Parang hindi nyo naman ako anak.." saglit, anak ba talaga nila ako? Kaya ba ganyan si Nanay sa akin kasi.. kasi..ampon lang ako?
"Waahh!.. 'Nay, totoo po ba? Ampon lang po ba ako?" Naluluha ko syang tinignan. Kita ko na napahinto si Nanay sa ginagawa nya kaya lalo akong kinabahan, dahan dahan syang humarap sa akin at tinaasan ako ng kilay. Huh!?
"Baliw ka ba?! Ano bang pinagsasabi mo? Gusto mo bang i-kwento ko pa kung paano ka nabuo at paano ka lumabas sa sinapupunan ko?!"
"Whoi! Nay okay na po pala ako, oo nga po pala anak nyo ako hehe. Wag nyo na pong i-kwento 'nay ha." Grabe si Nanay, private na yun tapos ikekwento nya? JUSKES!
"Sige na, ubusin mo na yang pagkain mo ng makapasok kana.. kung ano ano pang sinasabi." Hmmp.. parang nag-tatanong lang ei.
"Pero Nay, hindi po talaga ako Ampon?"
"Jian Louis!"
"Opo nga po, kakain na nga po sabi ko." Nakakatakot si Nanay.. inambaan ako ng kutsilyo, diba bawal yun!? Ipa-bantay bata ko kaya.. ayy kaya lang Nineteen na pala ako. Di na pwede. Video-han ko na lang tapos post ko sa YouTube. Juskes!
Hindi ko na nga inistorbo si Nanay, pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Nakita ko kasi sa wall clock namin ang oras kaya minadali ko na ang pagkain ko.
Nang matapos akong kumain umakyat ulit ako sa kwarto ko para kunin ang bag ko para makapasok na. Pagbaba ko sa hagdan nakita ko si Nanay na nililigpit yung pinagkainan ko.
"Nay! Ano ba, ako na po sa pinagkainan ko." Hinabol ko sya sa kusina para sana agawin yung plato ko kaso hinarang nya na ako.
"Wag kang makulet Jian, mahuhuli kana sa klase mo." Nakapamewang sya sa harapan ko.
"Pero 'Nay..."
"Wala ng pero pero. Pumasok kana!" Pinakatitigan ako ni Nanay bago ako pinandilatan. Napabuntong hininga na lang ako bago tumango.
"Sige po. Pasok na po pala ako." Tinanguan din nya ako bago kami nag-hug. Hayss, kahit lagi kaming nag-aaway ni Nanay ramdam ko talaga yung pagmamahal nya sa akin. Well, bilang kaisa-isang anak dapat lang. No choice sila. Haha!
Isa pa sa ipinagpapasalamat ko ay yung pagmamahal at pagtanggap nila sa akin, pagtanggap sa sekswalidad ko. Siguro elementary pa ako ay alam ko ng may kakaiba sa galaw o kilos ko at nang magka-idea na ako tungkol sa sekswalidad ko ay ipinaalam ko yun kaagad at walang pag-aalinlangan naman nila akong tinanggap at mas minahal.
Ako raw ang yaman nila kaya di mababago ng kung ano ako ang pagmamahal nila sa akin pero sa kabila non ay nangako naman ako kanila Tatay at Nanay na tatapusin ko ang pag-aaral ko at tutulungan sila.
"Pasok na po ako!" Sinigaw ko na kasi nasa harapan na ako ng pinto.
"Mag-ingat!" Sigaw din pabalik ni Nanay sa Kusina. Sigawan lang ang peg!? Juskes!
Ilang sandaling lakaran rin ang inabot ko bago ako nakalabas ng street namin. Diretso kaagad ako sa abangan ng Jeep para makasakay na papasok ng School.
•••••
Pag dating sa School as usual ang dami na namang tambay sa harapan ng Gate. Ang aga ngang pumasok pero pagtambay naman ang inaatupag. Hindi ko na lang sila pinansin, ipinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko papasok sa loob. May ilang minuto pa naman bago ang time pero mas maganda kung nasa room na ako, mahirap na.
Sa hallway pa lang ng College namin ang dami ko na namang nadaanang mga nakatambay, ano bang napapala nila sa pagtambay? Eh kung sa Library na lang sila tumambay may natutunan pa sila hindi yung nandito sila sa daan tatambay, pam-pasikip pa sa mga papasok eh. Hindi sila nakakatulong sa Ekonomiya ng bansa, JUSKES!
Nang makalagpas ako sa mga tambay sa hallway umakyat na ako sa hagdan, sa Second floor kasi yung classroom namin and thanks God walang tambay, mabuti sa Ekonomiya haha.
Sabi ko naman diba maaga pa ako ng ilang minuto kaya wala pa akong nadatnang Professor sa loob ng Classroom namin kundi yung mga magugulo at maiingay kong kaklase lang. May kanya-kanya silang ginagawa.
Nakita ko kaagad yung upuan ko sa gilid malapit sa bintana at yung upuan sa likod nun na bakante rin.
Nang maka-upo ako, kinuha ko kaagad sa bag ko yung paborito kong libro at akmang bubuksan ko na sana kaso may tumawag sa akin.
"Jian! Oh my gosh! Besh!" tawag sa akin ng Baliw kong kaibigan. Ayy juskes! Ito na sya.
Humahangos syang lumapit sa akin, pinagtitinginan na nga sya ng mga classmates namin dahil sa itsura nya. Lumuluwag na naman ang turnilyo nya sa utak. Haist!
"Ano bang problema mo? Sabi ko naman sayo tigilan mo na yang bisyo mo, Ellie. Oh, sinong humahabol sayo?." tanong ko. Hindi nya ako pinansin kasi busy sya sa paghinga ng maayos. Loka kasi. Kumuha sya ng upuan sa gilid at pabagsak na umupo paharap sakin.
"Wala akong bisyo no, maliban sa pag-fa-fangirl." Nakanguso nyang sagot. Oh?
"Oh di bisyo parin yun, shunga!" Inirapan ko lang sya.
"Ano ba! Bakit ako na ang topic? Makinig ka nga." giit nya.
"Ano ba kasi yun!?" Sandali muna syang tumingin sa paligid, nang makita nyang walang nakikinig o nakatingin ay bumaling na ulit sya sa akin at mas lumapit pa. Problema neto?
"Half day lang daw tayo, wala ring klase bukas. Oh my gosh! We can go outside and have fun! What do you think?" Masaya nyang balita sa akin na sinabayan pa ng pigil na tili na akala mo preno ng sasakyan.
"So?" taas kilay kong reply sa kanya.
"Anong so!? Gaga ka talaga ng taon! Gala time yun! Rampa! Ganun!" tirik mata din nyang sagot. Natawa ako sa itsura nya, baliw talaga.
"Ikaw talaga basta walang klase ang bilis mo. Juskes lang huh! Second year na tayo at muntik ka pang di umabot ng Second year dahil dyan sa kagaganyan mo. Magbago ka na friend, bago mahuli ang lahat." Pangaral ko sa kanya habang tinatapik-tapik ang balikat nya.
"Ito naman ei, kahit kailan talaga ang KJ mo! Lubos-lubusin na natin itong first week ng semester, sa susunod umpisa na talaga ng bangungot natin." nag-aalburotong sagot nya. Parang shunga talaga itong babaeng ito. Pasempleng umirap lang ako sa kanya at di na muna sya pinansin.
Sabagay naman may point naman sya. Kakaumpisa pa lang kasi ng First Semester namin at katulad nga ng sinabi ko Second Year College na kami sa kursong Business Administration major in Marketing.
"Pag-iisipan ko." Maikling sagot ko sa kanya. Napa-pout na lang sya na ikina-inis ko naman.
"Yuck! Tigilan mo nga yang pag-nguso-nguso mo! Mukha kang s**o!"
"Hoy! Ang cute kaya, tignan mo.." at ayun nga, humarap na naman ako sa malaking banta sa sangkatauhan.
Seryoso akong tumayo at pumunta sa likuran nya at marahang hinagod ang likod nya. Si shunga naman napatingin ng may nagtatanong na mata at naka-nguso pa.
"Naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo. Tama na friend, maawa ka sa sarili mo... magpa-rehab kana." Isang malakas na palad naman ang dumapo sa mukha ko na nagtulak sa akin palayo.
"Gaga ka talaga ng taon! Di ako adik noh!" Nakapamewang nya pang sabi.
Natatawang bumalik na lang ako sa upuan ko at nakinig pa sa mga plano nya mamaya matapos ang klase. Kahit na maingay at mukha talagang may tama sa utak itong kaibigan ko ay napag-titiisan ko pa naman dahil nakakasabay naman kami sa trip ng isa't isa.
Nakilala ko sya noong enrollment dito noon at nang malaman kong magkaklase kami ay natuwa talaga ako dahil di na ako mahihirapang humanap ng kaibigan, pero mukhang nagkamali yata ako.. haha joke lang syempre.
Kahit naman na maingay at mukhang may bahid ng pag-aadik itong babaeng ito ay naging mabuti talaga kaming magkaibigan. Magkasama sa kalokohan, sa hirap at sa iba pang mga bagay kaya naman kahit higit isang taon pa lang kaming magkaibigan ay mas lalo pang tumatatag ang samahan namin.
•••••
Natapos ang buong klase ngayong araw at ito nga sabay na kaming naglakad palabas ni Ellie. May mga nakatambay parin sa hallway at may mga nag-haharutan pa. Dahil nga sa medyo maaga pa naman at wala na kaming klase mamayang hapon dahil Half day lang ay napagpasyahan naming gumala na muna sa Mall.
"Hoy! Ano na? Pili na tayo." Hinatak nya ako papunta sa iba pang damit na nakasabit sa loob ng boutique na pinasok namin dito sa loob ng Mall.
"Ano ba kasing bibilhin mo? Kanina pa tayo dito ni-isa wala ka pang napipili!" inis kong tanong sa kanya, naiirita na kasi talaga ako eh. Kanina pa kami lakad ng lakad halos maikot na nga namin itong buong Mall na akala mo malaking Closet nya at di makapag-decide ng kukunin.
"Basta! May hinahanap ako eh, ramdam ko talaga na nandito yung damit na babagay sa Dyosa-like kong kagandahan!" ang madramang sabi nito habang kinakalkal ang mga nakahanger na damit bago ito humarap sa akin. Napaatras pa ako dahil tinutukan nya ako ng hanger na hawak nya at nagpamewang pa.
"Ayusin mo nga yang face mo, Besh! Lukot na lukot oh! Mas malala pa yang lukot na mukha mo compared dito sa lukot na mga Chakang damit na nandito! Smile, Besh! Smile. Mamaya may makasalubong tayong pogi dyan sa daan akalain pa na mag-tatay tayo sa tanda ng mukha mo." mahabang panlalait nito sa buong mukha at pagkatao ko bago sya nag-dive sa mga damit.
"Wala akong pakialam sa kanila." di sinasadyang nasabi ko pero dahil doon ay muling pumihit paharap sa akin si Ellie at hininto ang pagpili ng damit.
"Ano ka ba!? Wag kang ganyan baka marinig ka ng Bathala ng Pag-ibig at Katarungan, sige ka baka maging forever single ka!" Banta pa nito sa akin at muling humarap sa mga damit.
Di ko naman na sya pinansin at hinayaan na lang sya sa ginagawa nyang madamdaming pagpili. Kelan pa naging Bathala si Sailormoon? Pag-ibig at Katarungan ka pa dyan!
Halos mahalungkat na namin ang lahat ng damit dito at makalipas nga ang ilang dekada ay natapos na rin sya sa pagpili. Dahil sa pagod at medyo nagutom ay dumeretsyo kami sa isang kainan dito sa loob ng mall para kumain at magpahinga sandali.
"Dahil sinamahan mo akong mag-shopping sandali libre ko na ang pagkain! Oh deeba ang bongga! Sige na, Besh pili na." Nakangiti nyang sabi habang nakatingin sa counter. Tinatawanan na nga sya ng mga katabi namin at mga Crew sa pagka-hyper nya. Juskes!
"Aba dapat lang no! Yan lang pala ang bibilhin mo halos i-raid na natin itong buong mall at ano kamo 'sinamahan ka mag-shopping sandali'? Sandali ba tawag mo doon eh halos dito na ako tumanda!" ka-stress ang may kaibigan may tama.
"Hoy, grebe ke nemen." pa-sweet nyang sabi na sinabayan pa ng mahinang paghampas sa braso ko. May dumaan kasing poging Crew kaya napilipit na naman ang dila nya. Juskes talaga!
"Kung anong pipiliin mo yun na lang din ang akin." tugon ko na lang rin sa pagkain matapos kumalma. Sinabihan ko rin sya na ako na ang hahanap ng mauupuan namin.
Hindi naman nagtagal ang order namin, pagdating non ay kumain na kami kaagad at nagkwentuhan. Napapansin ko na maya't maya syang tumitingin sa likuran ko pero di ko na inusisa pa.
"Besh, mukhang type ka yata ni Koyang poging naka-maroon doon oh!" di na nakapagpigil nyang sabi at pasimpleng tumuro sa nasa kabilang table sa likuran ko. Naguguluhang tumingin naman ako at nakita yung tinutukoy nya.
Naka-kulay Maroon syang damit na fit sa medyo masculine nyang katawan, may katangkaran at kapansin-pansin ang itsura nya. Gwapo naman sya, maputi at makinis ang mukha pero iba ang feeling ko sa kanya.. para syang hindi gagawa ng mabuti. Ewan dahil siguro sa magulong ayos ng buhok nya at sa isang itim na hikaw sa tenga nya.
Nang magkatitigan kami ay napansin kong nakangisi itong nakatingin sa akin habang hawak ang piraso ng fries na dinadampi-dampi nya sa mapula at kissable yang labi. Nang makahuma sa ginagawa nya ay bumalik na ulit ako sa pag-upo ng maayos.
"Ang taray ng beauty ng ateng kooo... BUNGGA!" Napataas na lang ang kilay ko sa sinabi ni Ellie habang sya naman ay pangiti-ngiti parin na parang baliw. Ayy, baliw nga pala sya.
"Naku, wala akong panahon sa mga katulad nya no! Di mo ba nakita yung mukha nya.. mukha syang fuckboy."
Iritable kong komento. Yun naman talaga ang tingin ko sa kanya ei. Alam ko masama maging judgmental pero ewan, iba pakiramdam ko nong nagtama mga mata namin eh.
"Ang Judgemental naman nito. Malay mo naman type ka talaga deeeba!? Tyaka wag kang ganyan mag-isip, apaka-nega mo mamaya nyan talaga maging single ka forever. Hayy ubos na yung ketchup ko.. KOOYA PENGE PANG KETCHUP!!" Komento rin nya at nagpatuloy na lang ulit kami sa pagkain.
Matapos non ay sabay kaming lumabas sa Mall at nagpasya ng umuwe, Five na kasi ng hapon.
"Oh! Basta yung usapan ha. Mamayang 8:30, pina-alam na kita kanila Tita at Tito. Tinext ko sila kanina, pero magpaalam ka parin." Nakangiti nyang sabi. Tignan mo to, pinagpaalam na talaga ako. So no choice na ako ganun?!
"Ewan ko sa drama mo, Ellie. Saan ba kasi tayo mamaya!?" May halong inis kong tanong. Humagikgik naman ito at mahinang humampas pa sa braso ko. Ohh!? Bigwasan ko 'to eh! Napapadalas na ang pagsampal nya sa braso ko, ang sakit kaya!
"Secreeeet, bawal sabihin. Basta, text kita mamaya. May mga kasama din ako kaya prepare ka ha, papakilala kita." Nakangiti nya uling sagot at sa ngiti nyang yun nakaramdam ako ng di maganda.
"Hoy Ellie ha! Kung binabalak mo na naman akong ireto sa mga kilala mo tumigil ka na. Di ka magtatagumpay." Kakainis.
Noong First year nga kami ay halos linggo-linggo itong may ipinapakilala sa akin. Ano ako hopeless romantic na talaga at wala ng pag-asa kaya kailangan ng hanapan? Hindi ba pwedeng priority first muna at wala pa talaga akong time pa para dyan sa relationshit-- i mean relationship na yan?
"Basta nga, wag ka ng KJ ha... pumunta ka dahil kung hindi.. di na kita papansinin." Banta pa neto. Napabuntong hininga na lang ako at kahit labag sa loob ko ay napatango na lang ako. Kilala ko kasi ang babaeng to, pag sinabi nya gagawin nya.
"Oh sya! Sakay na ako dito. Bye, see you later." Inirapan ko lang sya na ikinatawa naman nya. Kumaway pa sya sa akin at sinuklian ko naman yun bago pumunta sa sakayan at umuwe na rin.
•••••
Six na ng hapon nang maka-uwe ako, nadatnan ko pa nga si Tatay na nanonood sa sala. Ang aga yata nya.
"Nandito na ako!" sigaw ko tyaka lumapit kay Tatay na mukhang nagulat sa pagsigaw ko. Hehe.
"Bakit ngayon ka lang? Nakipagdate ka ba? Kailan ka pa natutong magtago ng lihim sa amin ng Nanay mo? Sumagot ka anak! Sumagot ka!"
Napatulala na lang ako sa bungad nya sa akin pero lumakad parin ako palapit sa kanya at humalik sa pisnge nya.
"Tay? Gusto mo mag-artista? Kulang pa daw yung rebelde sa Probinsyano, audition ka." sabi ko bago na-upo sa tabi nya at dumakot ng chips sa mangkok na hawak nya.
"Ayos ba anak? Sa tingin mo papasa ako? Noon pa mang kabataan ko ay habulin na talaga ako ng mga Talent manager, gusto nila akong isabak sa Industriya ng pag-a-artista." tanong nya. Sandali ko syang sinipat bago tumango.
Sa totoo lang mukhang artistahin nga talaga si Tatay at ilang beses na naming napatunayan yan. Noong nakaraang Linggo nga lang ay gumala kami sa Park nong may lumapit sa kanya at nagtanong kung artista ba sya. Natawa na lang kami ni Nanay, matagal na raw syang inaalokan na mag-artista pero pag-aaral at si Nanay ang pinili nya noon. Hindi na kataka-taka kung bakit napaka-cute ko. May Tatay akong artistahin at Nanay na isang beauty queen sa Province namin noon.
"Sa tingin ko pwede naman Tay. Isang taping tapos papatayin ka na ni Cardo." Natatawa kong sagot sa tanong nya matapos ko syang tignan pero isang may kalakasang kutos ang tumama sa ulo ko.
"Aray naman Tay ei mapanakit." nakangusong sabi ko. Ang sakit eh.
"Napalakas yata. Bukol abutin nyan. Hahaha!"
"Hoy kayong mag-ama tama na yan, mamaya kakain na tayo." Awat sa amin ni Nanay. "Ikaw Jian umakyat kana at magbihis na." Utos nya sa akin. Mabilis naman akong tumayo at sumaludo.
"MA'AM, YES MA'AM!" Sigaw ko habang naka-saludo bago nag-march paakyat sa hagdan pero bago pa ako maka-akyat may tumamang tela sa ulo ko.
"Nay naman ei! Sa dinami-rami ng ibabato mo PANTY pa!" Loka talaga si Nanay... batuhin ba naman ako ng PANTY.
Di naman na sya nagsalita at itinuro na lang ang daan paakyat sa hagdan hawak ang kawali. Ayaw ko naman kawali ang sunod na tumama sa ulo ko kaya tumakbo na rin ako paakyat.
•••••
Mabilis ding lumipas ang oras, matapos namin manood ni Tatay ng paborito naming palabas ay tinawag na kami ni Nanay para kumain.
Habang nasa hapag-kainan ay nagkukwentuhan kami at nabanggit ko din sa kanila yung balak ni Ellie.
"Oo, nagtext nga sya kanina nasa office pa lang ako. Saan daw ba ang punta nyo?" tanong ni Tatay. Syempre napa-kibit balikat na lang ako dahil di ko naman talaga alam kung saan.
"Papayagan nyo po ba ako? Alam nyo, Tay ayos lang naman kung hindi. Dito na lang po ako sa bahay magbabasa ng libro." Sana gumana. Ayoko kasi talagang gumala ngayon at di ko talaga hilig ang maglagalag.
"Ayos lang naman yun sa amin.." Halos masamid ako sa narinig kong sagot ni Nanay. Napanganga pa nga ako ng wala sa oras. Sunod kong tinignan si Tatay, umaasang di sya papayag.
"Mabuti nga na lumabas-labas ka rin hindi yung nakakulong ka dito, nagmumukha kang bampira." Nakatawang segunda din ni Tatay na ikinalungkot ko naman. Wala na.
"Basta mag-iingat lang at ipaalam lagi sa amin ng Tatay mo kung nasaan ka. Nasa legal age ka na. Alam mo naman na siguro yung mga tama at mali?" pangaral pa ni Nanay. Wala na akong nagawa kundi tumango na lang.
Matapos kumain ay pinaakyat na ako ni Nanay, tutulong sana ako sa pagliligpit ng pinagkainan pero inako nya na kaya umakyat na lang din ako.
Matapos magpahinga sandali ay nagpunta na ako sa banyo para maligo at nagbihis na rin. Ilang minuto na lang bago ang oras na sinabi ni Ellie.
Matapos magbihis ay bumaba na ako at naupo sa sofa. Nandoon din kasi si Tatay na nanonood pa.
"Oh, aalis ka na ba? Ihatid na kita." tanong at alok nya.
"Hindi pa po." maikli ko lang na sagot.
Habang nanunood kami ni Tatay ay may tumunog sa bulsa ko at nang tignan ko, tumatawag na pala si Ellie. Sinagot ko na lang rin agad at halos mabingi ako ng bumungad ang bunganga nya.
"HEEELLOO!! BEEESSHH!!" Halos maipikit ko na ang mata ko at nilayo kaagad ang Cellphone sa tenga ko baka mabasag pa eardrums ko.
"HOOY! BAKIT KA BA SUMISIGAW HA! NAKAHITHIT KA NA NAMAN BA NG EXPIRED NA KATOL!?" bulyaw ko rin sa kanya pabalik. Hmmp. Kala nya sya lang marunong sumigaw. Hah!
"Aray ko naman, Besh. Hanshakit sa ears." Sabi naman nya na ikinangiti ko.
"Oh! Bakit ba kasi? Maaga pa naman ah." Wika ko.
"Oh! Ka rin Besh! Baka sa atin ikaw itong nakahithit ng expired na katol. Maaga! Tignan mo nga tirik na tirik yung BUWAN!" bulyaw nya sa bandang dulo kaya na ilayo ko ulit yung cellphone nang tapikin ako ni Tatay.
"Anak, doon na nga kayo mag-usap. Ang sakit nyo sa tenga, nakakangilo kayo." Awat ni Tatay sa sigawan namin ni Ellie at nakahawak pa sya sa tenga nya kaya tumayo na ako at lumabas na ng bahay.
"Sige pala 'Tay, alis na ako." Paalam ko sa kanya. Narinig ko pa syang nagsalita pero di ko na pinansin at mabilis na akong tumakbo palabas.
"Oh ano na? Saan ba kasi ang punta natin?" tanong ko kay Ellie habang naglalakad sa gilid ng kalsada.
"Waahh! Pinayagan ka! Sige sige, baba ko na 'to and text ko sayo yung address. And nga pala.. pumunta ka!" Huling rinig ko bago nya ako binabaan.
"Haayy.. kumukulo talagang dugo ko sayo Ellie." sabi ko pa habang naglalakad at iniintay ang text nya pero ilang sandali lang ay napahinto ako sa paglalakad dahil sa nabasa kong message nya.
"Ano bang ginagawa ng babaeng 'to sa lugar na yun!?" tanong ko sa hangin habang binabasa ang message.
"ELLIIIEEE!!! Ano bang gagawin natin sa Fire House Club!" Halos mabasag ko na yung screen ko sa kakatype ng reply ko kay Ellie. Sandali pa ay nagreply sya na mas nagpakulo ng dugo ko.
Wag kang ano.. pumunta kana dito. Hihintayin kita! Pag di ka dumating alam mo na ang mangyayari! Hmp.