|| Jian Louis Madrigal POV ||
Nang makababa ako sa Taxi na sinakyan ko ay puno ng inis kong tinignan ang makulay ngunit mukhang sosyal na Club sa harapan.
"Humanda ka talaga sa akin Ellie. Lintik lang ang walang ganti."
Matapos kong sabihin ang mga pamatay na katagang iyon ay lumakad na ako palapit sa Club na ni isang beses ay hindi ko pa napapasok at hindi ko inisip na mapapasok ko ngayon. Never in my wildest dreams na papasok ako sa ganitong lugar but as you can see, i have no choice.
Isang Bouncer ang humarang sa akin pagkalapit ko sa entrance. "ID, Sir. Below eighteen is not allowed."
A low groan escaped from me before i fish my wallet inside my pocket. Kahit naman hindi ako nagpupunta sa mga ganitong klaseng lugar ay expected ko naman na hahanapan nila ako ng Identification Card or ID kaya nagdala na ako.
After a couple of seconds of checking my ID ay pinapasok na rin ako. This is it, pansit! Kaya ko 'to! Makakalabas naman siguro ako ng buhay sa loob ng maingay at amoy alak na lugar na iyan? Well, let's see and let's hope. Hayyss! Ellie Laurel, sakit ka talaga sa brain cells!
Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay may kadiliman na kaagad at naglipana na ang mga masasamang espirito at mga maligno sa paligid, actually, mukhang kailangan ko ng tulong ni Mang Jose! Anyways. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at iniwasan ang mga naglaladian sa paligid. May mga napapatingin rin sa akin pero wapakels sila, they're not my business.
Kada hakbang ko ay sumasabay ang malakas na kabog ng dibdib ko. Kinakalma ko naman ang sarili ko pero ang hirap po kasi nga first time kong pumasok sa ganitong lugar. Nakakainis kasing Ellie yun! Alam naman nyang hindi pa ako nakakapasok at HINDI KO INISIP na papasok ako sa ganitong lugar tapos dito nya pa ako naisipang papuntahin. Kagigil talaga!
Palinga-linga ako sa paligid para hanapin sya pero di ko sya makita, puro mga nag-iinuman at nagsasayawan sa dance floor ang nakikita ko. Parang mga baliw na nagtatatalon sa saliw ng makabasag eardrums na tugtog. Nang di ko pa rin sya makita ay inis akong tumabi sa isang gilid at tinawagan na sya.
"Aba! Ayaw pang sumagot ng babaeng 'to!" inis kong sambit habang nag-d-dial ulit pero nagulat na lang ako nang may biglang humila sa bewang ko.
Dali-dali akong pumihit paharap sa kung sinong hudas na kumapit sa bewang ko at isang maputing lalake nga ang aking nakita. May kalakihan ang katawan nya at may piercing sa tenga na nag-emphasis lang ng basagolero-vibe sa kanya.
"Hi baby, are you lost?" bulong nya sa aking tenga at mas hinigpitan pa ang kapit sa aking bewang, doon na ako nagising sa pagkagulat at dali-daling lumayo sa kanya.
"Hi Baby your face!" sigaw ko sa kanya bago ako lumayo. Hay, ito na nga ba ang sinasabi ko! Kaya ayokong pumunta sa ganitong lugar eh.
Tumawa ng malakas yung lalake after ko syang sigawan. "Yes! That's what i like... feisty."
Muli syang lumapit sa akin at hinablot ang bewang ko, nagulat na lang ako nang walang kahirap-hirap nya akong binuhat.
"H-hoy! Ibaba mo ako! Ibaba mo ako! Argh!"
Paulit-ulit ko syang siniko sa balikat at no'ng matagumpay akong nakababa ay isang malakas na tulak ang ibinigay ko sa kanya dahilan para bumulagta sya sa sahig.
Nakuha na namin ang atensyon ng ilang malapit sa amin pero ano pa ba ng expect mo sa mga taong ginagawa ng bahay ang Club, syempre normal na lang ito sa kanila. Tinapunan ko muna ng sandaling tingin ang lalake na nakabulagta parin sa sahig bago ako umalis, mahirap na baka mapaaway pa ako 'no!
Nang makalayo ako ay mabilis akong nag-dial ulit para matawagan si Ellie. Kinakabahan parin ako dahil sa nangyari kanina at panay ang lingon ko sa likuran baka nasundan ako ng lalakeng bastos na yun.
"Nasan kana kasi!!" Gigil na gigil kong pinagpipindot ang cellphone ko at ing-send ang message ko sa kanya. Nakakainis na talaga, nabu-bwesit na ako!
Maya-maya pa ay may natanggap rin akong message na sinundan ng tawag. Mabilis ko iyong sinagot bago naghanap ng tahimik na lugar kahit papaano. Isang pinto ang natanaw ko sa malayo na sa tingin ko ay CR, kaya doon ako pumasok and thanks God na walang tao.
"Ano!? Kanina pa ako nandito. Namulestya na ako, nabingi na ako at higit sa lahat na BUBWESIT NA AKO! Nasaan kana ba kasi!? Naiinis na talaga ako Ellie! Alam mong di ko gusto sa mga gantong lugar diba, bakit dito mo pa ako pinapunta!? Tapos magbabanta ka pa na pag di kita kinita magtatampo ka at di ako papansinin. JUSKES Ellie! Ayoko na, uuwe na ako!" mahabang singhal ko kaagad sa kanya.
"Ano? Di kita marinig ei! Wait lang!" Laglag panga na mga bes. Ang haba ng sinabi ko tapos di pala nya narinig, WOW!
"Urgghh!" Kainis! Binabaan pa ako. Hays, kalma muna.. kalma.
Sandali muna akong pumikit at nag-inhale exhale para kumalma. Effective naman kasi bumabagal na yung t***k ng puso ko at unti-unti ng nawawala yung inis ko.
"Feelin' better now?" tanong ng kung sino at sinabayan pa ng pagbukas ng gripo. Walang pagmamadali naman akong dumilat at nilingon kung sino yung lalakeng nagsalita.
"Mukhang inis na inis ka ah! Rinig na rinig ko yung pagka-bwesit mo." nakangisi nyang sabi habang naghuhugas ng kamay nya. Di sya nakatingin sa akin pero ako puspusan ang pagtitig ko sa kanya... ewan ko ba, parang nakita ko na sya somewhere.
"Baka naman matunaw ako." nakangisi nya muling sabi bago ako hinarap. Nang makaharap na sya ay doon ko na nakompirma kung sino sya.
"Ikaw!" "You!" sabay pa naming bigkas. Nang makahuma ay nakangiti syang sumandal sa sink at nakangiti akong pinakatitigan.
"Wow! Kakaiba talaga maglaro ang DESTINY." nakangisi nyang sabi at doon ay natauhan naman ako kaagad.
"Anong destiny ka dyan? Bakit, ikaw lang ba ang pwedeng kumain doon at pumunta rito?" taas kilay kong tanong sa kanya na ikinatawa naman nya.
Tama nga ako, nakita ko na nga sya. Sya yung lalakeng naka-maroon doon sa isang fastfood sa loob ng Mall na kinainan namin kanina.
"Di naman. Yung sa Mall pwede pa pero dito.. mukhang tadhana na talaga. Diba sabi mo di ka pumupunta rito. Siguro dahil nandito ako kaya ka rin napunta rito. Gumagawa ng paraan ang tadhana para paglapitin tayo." nakangiti nyang sabi.
Tinaasan ko naman sya ng kilay na mas ikinangiti nya. Ano bang pinagsasabi ng lalaking to!? Destiny raw? Ewan ko sa iyo, Kuya. Naiinis ako ngayon kaya wag mo akong nginingitian dyan! Hmp!
Narinig ko syang tumawa. Lumabas tuloy yung dimples nya at nakita ko ang mapuputi nyang ngipin. Smiling eyes din sya dahil kasabay ng pagtawa nya ay parang pagpikit naman ng medyo singkit nyang mga mata.
"Anong nakakatawa?" asar kong tanong sa kanya. Nakakainis kasi. Hindi ko alam kung saan galing, kung sa inis ko ba kay Ellie o sa pagtawa nya. Umiling sya at ngumiti bago lumapit sa akin.
"Warren, but you can call me 'Baby' if you want." nakangiti nyang pagpapakilala habang nagtataas-baba ang mga kilay. Ano daw 'baby'? Tsk.
Pabalik-balik ang tingin ko sa nakangiti nyang mukha at sa kamay nyang nakalahad. Grabe naman ang kutis ng isang ito sa malapitan. Sino kaya ang Dermatologist nya at napakakinis nya? Walang duda na gwapo nga sya at mabango din. Mas malaki ang katawan nya sa akin at medyo may katangkaran sa akin. Nang tignan ko muli ang mata nya ay para itong nangungusap. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hala ka!? Bakit ako kinakabahan?
"J-jian." simpleng pakilala ko pero di ko sya kinamayan. Umiwas ako ng tingin dahil hindi parin nawawala yung kaba ko.
Parang nakakaunawa naman nyang ibinaba yung kamay nya matapos kong magpakilala. Natawa pa ito at napahimas sa batok nya.
"S-sige, kailangan ko ng umalis." paalam ko na sa kanya tyaka tumalikod. Hindi ko gusto itong nararamdaman ko kaya kailangan ko ng lumabas.
"Wait." pigil nya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Napatigil ako sa paghakbang dahil sa kakaibang feeling na gumapang sa buong katawan ko galing sa kamay nyang nakahawak sa akin.
Dali-dali kong hinila ang kamay kong hawak nya pabawi, medyo nagulat sya sa ginawa ko pero hinayaan na rin naman nya ako at binitiwan ng kusa.
"Sorry. Gusto lang sana kitang tanungin kung pwede kitang samahan?" tanong nya. Nahihiyang ngumiti sya at ginulo ang medyo gulo na nyang buhok.
Pasimpleng huminga ako ng malalim tyaka sumagot. "Hindi na. Kaya ko ang sarili ko."
"Pero sabi mo kanina hindi ka pumupunta sa ganitong lugar and i heard you kanina, sabi mo namulestya ka. Gusto lang kitang samahan sa paghahanap mo sa friend mo para hindi ka na mabastos ng kung sino dyan. Im sorry, hindi ko sinasadyang marinig yung paguusap nyo ng friend mo kanina sa Phone." sabi nito. Medyo madaldal din pala ang isang ito.
"No need. Aalis na lang ako." sagot ko na lang. "Sige. Nice meeting you." Tumalikod na ako at diretsong naglakad palapit sa pinto.
"Ok, nice to meet you too, Jian. And i think hindi pa ito ang huli." rinig kong sabi nya. Sandaling nilingon ko pa sya, nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti ulit ito tyaka kumindat. "Keep safe."
Dali-dali akong lumabas dahil pakiramdam ko ay biglang uminit sa loob. Napasandal pa ako sandali sa gilid ng pinto at napahawak sa aking dibdib. Sino ba yung Warren na yun? Bigla na lang akong kinabahan ng ganito. Juskes!
Nakailang buntong hininga ako bago tuluyang kumalma ang dibdib ko sa malakas na pagkabog. Ang weird naman ng feeling. Bigla bigla na lang akong makakaramdam ng kaba sa presensya ng taong yun. Sana hindi ko na sya makasalubong o makita ulit.
Naglakad ulit ako at narinig ko na naman ang malakas na tugtugan at sigawan ng mga taong nagpa-party. Bahala sila dyan. Mag-party sila hanggang gusto nila basta ako uuwi na ako at matutulog.
Sa paglalakad ko ay naramdaman kong nag-vibrate ang Phone ko na hawak ko. May isang message galing kay Ellie, pagkabasa ko sa message nya ay bigla na naman akong nainis.
"Where are you na ba, Besh? Nandito ako sa pathway palabas ng Club" basa ko sa Message nya. Puno ng pagka-inis ko naman syang ni-reply-an at itinuon ang tingin sa Cellphone hanggang sa may nabunggo ako at may kung anong bumuhos sa akin, nang maamoy ko yun ay medyo na hilo ako at napag-alamang alak ang bumuhos sa akin.
"BWISIT!" sigaw ko sa sobrang inis na. Grabe na ang gabing ito! Ayoko na! Napakaraming hindi magandang nangyari ngayon sa akin sa gabing ito. This is my first time na pumasok sa ganitong lugar and i think this is the last na rin!
Bwisit na bwisit kong pinunasan ang left side ng suot kong jacket na nabuhusan ng alak. Patong patong na pagkabwisit sa isang gabi! Wow talaga!
"f**k!" rinig kong mura ng nasa harapan ko. Mabilis akong napatingin sa kanya ng masama. Sya pa tong magmumura!
Di ako gumalaw sa kinatatayuan ko at masamang tinignan yung lalakeng nasa harapan ko. Mas matangkad sya sa akin at may kalakihan ang katawan, parang tulad lang nong Warren. Nakayuko sya sa suot nyang itim na leather jacket na sa tingin ko ay natapunan rin ng alak.
Nang tumigil sya sa pagtingin at pag-punas sa suot nya ay galit nya akong hinarap kaya nakita ko na ang itsura nya. Nagkatitigan kami at kita sa mga matang iyon ang inis sa nangyari, ang mapula nyang labi ay kagat-kagat nya at naka-kunot rin ang makinis nyang noo. Magkasalubong ang medyo makakapal nyang kilay at halatang halata sa gwapo nyang mukha ang inis.
"Look what you've done!" sigaw nya sa akin na ikina-gulat ko at tyaka lang ako natauhan. Ano daw?
"Wait nga! Di lang naman ikaw ang natapunan ah! Kung makasigaw ka dyan!" sigaw ko rin sa kanya. "Tignan mo oh! Natapunan rin ako ng alak mo kaya wag kang sumisigaw dyan."
Hindi lang naman sya ang natapunan ah. Amoy alak na tuloy ako! Anong sasabihin ko neto kanila Nanay. Bwesit talaga itong gabing to! Nakakainis!
"I dont care! Kung di ka tatanga-tanga di to mangyayari!" sigaw nya ulit na nagpalaglag ng panga ko sa gulat. Minura nya ako?! Talaga ahh! Tatanga-tanga pala ha!
Sa inis ko at sa narinig kong pag-mura nya sa akin ay di ko na napigilan ang sarili ko. Isang malakas na sampal ang inabot ng kaliwang pisnge nya na nagpalaki ng mata nya.
"Wag mo akong ma-mura-mura! Oo nga di ako nakatingin sa daan pero di yun sapat na dahilan para murahin mo ako! Di lang naman ikaw ang na-perwisyo!" sigaw ko sa kanya matapos syang masampal. Hanggang ngayon ay di parin nya inaayos yung ulo nya sa pagkabaling dulot ng pagsampal ko. Buti nga sa kanya.
Nadala ako ng galit sa pagmura nya sa akin. Oo nga at hindi ako nakatingin pero kung nakatingin din sya sa dinadaanan nya makakaiwas sya sa akin. May kasalanan ako pero hindi enough yun para makatanggap ako ng mura sa kanya, pareho lang kaming nabuhusan ng alak nya.
Lalakad na sana ako para lampasan sya pero bigla nya akong nilingon at tinitigan ng napakatalim. Bigla na lang kumabog yung dibdib ko sa kaba dahil sa tingin nya. Ngayon ako kinabahan. Hindi pa sya mukhang lasing kaya kung may gawin man sya o kung suntukin man nya ako ay hindi ako makakalaban hindi tulad nong lalakeng bastos kanina. Sana pala nagpasama na lang ako doon sa Warren. Juskes!
"You slap me... hah! You gonna pay for that!" sigaw nya. Sa takot ko ay napa-atras ako. Tatakbo na sana ako palayo sa kanya nang mahawakan naman nya ang kamay ko.
"Ahhh! Bitawan mo ako!" sigaw ko at sinubukan kong pumalag pero malakas at mahigpit ang hawak nya sa akin.
"H-help! Help me!" sigaw ko para humingi ng saklolo pero tinignan lang ako ng malapit. May isang lumapit na tingin ko ay guard o bouncer. Kinakausap sya nitong lalake.
"K-kuya.. Kuya, tulungan mo ako please." hingi ko ng saklolo sa kanya. Tinignan lang nya ako tyaka sya umiling ng nakangiti.
"Sige Sir, mabuti pa nga iuwi nyo na sya." nakangiting sabi ni Kuyang Bouncer dito sa lalakeng may hawak sa akin. Anong sinasabi nya? Ano bang pinagusapan nila? Ang ingay kasi eh!
Iniwan kami ni Kuyang Bouncer. Pilit ko syang tinatawag para tulungan ako habang inaalis ang kamay ng lalakeng ito sa pagkakahawak sa akin. Isang pabiglang hila ang ginawa nya kaya nalapit ako sa kanya. Masama parin ang tingin nya sa akin at parang hindi na ako aabutin ng bukas.
"I-im sorry.. Sorry na. P-please.. bitawan-- Ahh! Bitawan mo na ako!" hindi ko natapos ang paghingi ko ng sorry sa kanya dahil bigla na naman nya akong hinila. Sana talaga hindi ko na lang sya sinampal.
Hila-hila nya ako papunta sa isang hallway na walang katao-tao, hindi ko alam kung saan ito dahil ngayon lang naman ako nakapunta rito. Ano bang gagawin sa akin ng lalakeng ito!? Saan nya ako dadalhin?
"B-bitiwan mo'ko!... nasasaktan ako! Bitaw!" sigaw ko habang pumapalag pero hindi sya nakikinig. Kinakabahan na talaga ako at parang maiiyak na ako anomang oras.
"Ano ba!? Sabi kong bitaw eh! Nasasaktan ako. Bitawan mo na ako! Bitaw--" hindi ko na naituloy ang pagwawala ko nang ihagis nya ako sa isang pader. Dumikit ang likuran ko sa pader habang nakatingin sa kanyang mukha.
Di pa man ako nakaka-react sa ginawa nya ay bigla na lang nya akong idiniin sa pader. Hawak hawak nya ang magkabila kong kamay pataas at nakatingin sya sa akin ng matalas. Halos tingalain ko sya dahil sa tangkad nya at lalong kumakabog yung dibdib ko sa nakakatakot na reaction ng mukha nya.
"A-anong ginagawa mo!?... pa-pakawalan mo ko. Di ko naman sinasadya yung sampal ei. Na.. na dala lang ako ng inis, di ko talaga yun sinasadya. Pakawalan mo--"
"SHUT UP!" sigaw nya sa akin na nagpatigil at nagputol ng sinasabi ko. Napapikit ako at nanginig ng bahagya sa sobrang takot.
Dahil sa pagsigaw at sa lapit nya sa akin ay naamoy ko ang hininga nya na tumama sa pisngi ko. Amoy alak pero amoy mint din. Ganun din yung panlalaki nyang pabango na amoy na amoy ko sa lapit ng katawan namin.
"Ang ingay mo!" galit na galit nyang sabi. "You know what... you ruin my night! Dapat masaya lang ito but now.. its all your fault kung ano man ang mangyayari sayo ngayon!" Nanggigigil nyang sabi sa akin at ibayong kaba naman ang lumukob sa akin matapos marinig ang sinabi nya. Anong gagawin nya? Hindi ako papayag. Kailangan kong lumaban.
Wala ng ibang ideyang pumapasok sa isip ko nong mga sandaling yun kaya lihim akong huminge ng pasensya sa kanya sa isip ko. Im sorry but you left me with no choice.
Huminga ako ng malalim at mabilis na tinuhod yung p*********i nya. Tulad nga ng inaasahan ko ay nabitawan nya ako at napasandal sa pader na katapat ko habang hawak ang p*********i nyang tinuhod ko.
"S-sorry... im sorry.. " paghingi ko ng sorry sa kanya.
Di naman malakas yung pagkakatuhod ko kaya sigurado akong di sya mababaog doon, isa pa.. kasalanan naman ng Bwesit na yun kaya ko yun nagawa. Kung di nya ako minura ay di ko sya masasampal at kung di nya ako kinaladkad at pinagbantaan di ko sya matutuhod.
Walang lingon-lingon ko syang tinakbuhan at bumalik kung saan kami galing kanina, rinig ko pa syang sumisigaw pero hindi ko na pinakinggan. Hindi na ako nagtangka pang makisama sa mga taong nasa paligid, mabilis na tinahak ko na lang ang daan palabas ng Club.
Nang makarating ako doon ay nakita ko kaagad si Ellie na nakatayo at parang may inaabangan. Nang makita nya ako ay dali-dali nya akong sinalubong.
"Saan kaba galing!?" may kalakasan nyang tanong, siguro ay para marinig ko sya dahil sa maingay ang paligid.
Nang makita ko sya tyaka lang muling bumalik sa isipan ko ang mga nangyari sa akin kanina. Yung lalakeng bumastos sa akin. Yung lalakeng nakilala ko sa Restroom na si Warren at yung.. yung lalakeng natuhod ko.
"Besh. Besh, what happened?!" tanong sa akin ni Ellie. Bigla akong nakaramdam ng parang panghihina. Hindi ko alam kung bakit pero siguro dala lang ng halo-halong kaganapan na naranasan ko kanina.
Di ko na nagawang masagot si Ellie. Natakot ako. Nasa loob parin ako ng Club at posibleng makita ako ng lalakeng tinulak ko at ng lalakeng tinuhod ko. Umiling ako at walang salitang nilagpasan sya. Gusto ko ng umuwi.
"Hoy! Sandali lang!... Besh! Wait lang!" sigaw nya habang hinahabol ako palabas ng Club. Saktong paglabas ko ay nahawakan nya ang balikat ko at mabilis na pinaharap sa kanya.
"Ano bang nangyari sayo?" tanong nya. Kita ko ang pagtataka at pag-aalala sa mga mata nya.
Yung inis ko sa kanya kanina ay bigla na lang nawala at ngayon ay nalipat sa sarili ko, pinagsisisihan ko ang lahat ng ginawa ko. Nakagawa ako ng hindi dapat sa ibang tao at doon ako naiinis.
"Gusto ko ng umuwe." yun na lang ang sinabi ko at tinalikuran na sya. Swerte namang may naka-paradang taxi kaya sumakay na ako doon at sinabi ang address ko.
Nang makasakay ay di ko na naiwasang maluha sa sinapit ko kanina. Bigla-bigla na lang akong naluha habang inaalala ang mga pinagdaanan ko kanina. Ito ang unang pagkakataon na naharap ako sa ganun at nakagawa ng mga ganung bagay. Kung sino man yung lalakeng natulak ko pasensya sa kanya at sa lalakeng natuhod ko.. sana mapatawad nya ako.