|| Jian Louis Madrigal POV ||
Halos buong maghapon akong di lumabas ng bahay kahapon. Matapos ko kasing umuwe no'ng gabing gumala kami ni Ellie ay nawalan na ako ng ganang gumala kaya nanatili na lang ako sa bahay, nanood na lang ako ng anime at nagbasa ng mga favorite novels at manga's.
Tinanong nga rin ako ni Nanay kung kamusta ang naging lakad namin ni Ellie at kung saan kami pumunta pero di ko na sinabi yung nangyari, ang sinabi ko na lang ay nagpunta kami sa isang Party. Mas maaga lang akong umuwi dahil antok na ako.
Sa maghapong iyon ay pinuntahan naman ako ni Ellie at humingi ng sorry sa nangyari, syempre tinalakan ko muna bago ko sya pinatawad. Kweninto ko rin sa kanya yung buong nangyari doon sa Club at ang loka kinilig pa na ewan. Ang sabi nya nakakilala daw ako ng tatlong lalake sa isang gabi kaya ayon nabatukan nga.. umuwe syang may dugo sa ulo.
Matapos naming magkwentuhan ni Ellie ay naging ayos na rin ang pakiramdam ko dahil kahit papaano ay nakwento ko sa kanya ang nangyari at nakinig naman sya kahit na kung ano-anong kagagahan ang pumasok sa isip nya.
Ngayon nga ay magkasabay kaming naglalakad sa loob ng Campus, wala pa namang time kaya naggala-gala muna kami pero nang makaramdam na ako ng pagod ay sinabihan ko na sya na bumalik na kami sa room.
"Tara na kasi! Halos libutin na natin itong buong Campus, di ka ba napapagod?" tanong ko sa kanya. Nag-aaya pa kasi syang pumunta sa Cafeteria eh sa pagod na talaga ako at hindi ko na kaya, mamaya lalakad na naman kami pabalik sa room baka gumapang na ako non.
"Eh!? Kasi naman hirap talaga kapag tumatanda na." Kutos ang inabot nya kapalit ng sinabi nya.
"Pasmado yang bibig mo ah! Tara na kasi, pudpod na itong suwelas ng sapatos ko kalalakad!"
"Oo na, Besh sige na! Pero mauna ka na, punta muna ako ng CR. Babosh!" paalam nya at di na ako hinitay pang magsalita, tinalikuran na ako kaagad. Bastos!
Nang maka-alis na sya ay nagsimula na akong bumalik sa classroom namin. Hayyss, tulad ng dati.. andyan parin yung mga dakilang tambay sa hallway. Tsk! Na-try nyo na ba yun? Yung everytime na dadaan kayo ng hallway may mga pampasikip na tambay.. kaloka diba! Tyaka makatingin pa ang iba, nakuu bahala sila!
Pagkarating sa Room ay naupo na ako kaagad, di ko na pinansin yung mga kaklase kong naghaharutan at inabala ko na lang ang sarili ko sa pagma-massage ng binti ko. May napansin rin akong upuan sa likuran ko pero di ko na rin pinagtuonan ng pinansin, nong nakaraan pa yun eh.
Matapos e-massage ang binti ko ay inilabaa ko ang Phone ko sa bag para pinagpatuloy yung binabasa ko sa w*****d.
Mga ilang sandali lang din ay dumating na si Ellie na humahangos ulit. Ano bang problema ng babaeng to? Tuwing papasok dito lagi nalang tumatakbo na akala mo hinahabol ng Tokhang!
"Oh! Ano na namang problema mo!?" may kalakasan kong tanong sa kanya paglapit nya. Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita.
"May kasamang mga estudyante si Sir Dann, mukhang bagong classmate natin." Nakangiti nyang pahayag sa akin ng nakita nya.
"Ano ngayon? Bakit di ba pwedeng pumasok dito? At tyaka aabot pa naman sila ah.. kaka-umpisa palang ng Sem." may halo ng inis kong sabi sa kanya dahil inabala nya ang pagbabasa ko. Tumirik ang mata nya na parang sinasapian. Hala!? Nabaliw na yata talaga itong si Ellie.. ano bang gagawin ko dito!?
"Yeah! I know that wag ka ngang ano dyan! What i want to say is --" naputol kaagad ang sasabihin nya nang bumukas yung pinto ng AVR (Audio Visual Room) at nagsibalikan lahat ng kaklase namin sa upuan nila.
Tumingin naman si Ellie sa akin at kumindat pa bago umalis at bumalik sa upuan nya, sinuklian ko naman yun ng pagtaas ng kilay at irap.
"Good morning class!" nakangiting bati ni Sir sa amin pagkapasok nya. Syempre, bilang kabataang pag-asa ng bayan ay bumati rin kami.. haha pa-kemme pa!..
"Ok class, first of all may mga announcement muna akong sasabihin sa inyo." panimula nya bago nilapag ang mga dala nya sa table nya. Announcement? Ano naman kaya yun?
"This month ay magkakaroon tayo ng Event at kakailanganin ang cooperation ninyong lahat. Bilang adviser ninyo, sa atin nai-atas ang buong Gym. Tayo ang mag-aayos, mag-de-decorate at magpapanatili ng kalinisan nito sa mga susunod na linggo." sabi ni Sir na ikina-urgh ng mga kaklase ko. Kahit naman ako ay ganun rin, tsk! Sa dinami-rami ng i-a-a sign sa amin yung Gym pa! Ei ang laki kaya non.
"So ngayong alam nyo na ang naka-tokang gagawin ninyo, hihintayin na lang natin kung kailan tayo mag-uumpisa." sambit nya bago sya lumapit sa may pintuan. Oo nga pala may mga new classmates daw kami sabi ni Ellie.
"Pero ngayon ay gusto ko munang ipakilala yung mga bago ninyong kaklase." sabi nya bago sumilip sa pinto at pinapasok yung mga nasa labas.
Unang lumakad papunta sa harap si Sir at sinundan naman sya ng mga bago daw naming mga kaklase. May naunang pumasok na babae at sinundan ng isang lalake. Pinakatitigan ko yung babae, maganda sya pero mukhang mataray.. plakada ang make-up ei. Yung sumunod kong tinignan ay yung lalake, di naman pamilyar pero in all fairness mukhang regular client sya ni Dr. Belo, ang puti at ang kinis kasi ng balat. Sana all!
"Okay so introduce yourselves," sabi ni Sir sa kanila. Unang lumapit yung babae at nagpakilala.
"Hi. Im Jess Ann Robles, 19. Hindi ako Marketing student, binalikan ko lang 'to." pakilala nya bago sya umatras. Mukhang mataray nga, tumaas ang kilay eh.
Nagpasalamat si Sir sa kanya at sumunod na nagpakilala yung isang lalaki. Gwapo rin sya at maputi, mahilig syang ngumiti pero nababahiran ng pakilyuhan. Ewan ko lang ha, ganun kasi yung vibes nya pero who am i to judge naman diba?
Kumaway ito at ngumiti ng wagas. "Hello. Good morning! Im Samuel Domingo, 20 years old. Sana maging friends ko kayong lahat and by the way, im single." pakilala nya at kumindat pa na ikinatili naman ng mahaharot kong kaklase. Napangiti ako sa ginawa nya at sa inasal ng mga kaklase ko. Mukhang may bago na namang pagkakaguluhan ang mga ito.
After nilang mag-pakilala syempre pindutan na ng buzzer para sa first round of competition. Meron lang silang three seconds para sagutin ang katanungan and syempre chos lang yan. Hahaha.
Nanatili parin silang nakatayo sa harapan, napansin ko din si Sir na nakatingin sa pintuan ng AVR.
"Diba may isa pa kayong kasama? Where is he?" tanong ni Sir sa dalawang kasama nya sa harap. Una kong napansin na nag-react yung lalakeng mahilig mag-smile. Samuel ang pangalan nya.
He.
"Nag-Cr lang yun, Sir-- ohh." sabi nya bago bumukas yung pinto, lahat kami napatingin doon.
Unang tapak pa lang nya papasok ay napuno na kaagad ng tilian ang buong classroom. Biglang kinabog ng malakas ang aking dibdib habang pinagmamasdan sya, hindi ito katulad ng sa mga mahaharot kong kaklase na pumupuso na ang mga mata ngayon.. hindi kinakabog ng kilig ang aking dibdib kundi ng kaba at takot.
"Ayan na pala sya eh," sabi ni Samuel ngunit wala sa kanya ang atensyon ko.
Simpleng lumakad lang sya papunta sa harapan, naka-pamulsa at naka-sukbit sa kanang balikat ang kanyang bag.
Kahit na madilim noong gabing iyon ay hindi ako maaaring magkamali.
Sya yun.
Nang nakalapit na sya sa harapan ay sinenyasan sya ni Sir na magpakilala kaya naman humarap sya sa amin. Nagtilian ang mga maharot kong kaklase, kulang na lang maglupasay na sila sa ginagawa nila pero ako.. gosh! Padaos-dos ang gawa kong pag-upo sa upuan ko para matakpan ng nasa harapan ko. Di pa naman nya ako nakikita pero mukhang di na rin yun magtatagal.
"Im Jarenth Borromeo, 20." maikling pakilala nya. Hindi na sya nagsalita pa kaya itinuro na ni Sir kung saan sila uupo.
"You, Ms. Robles doon ka maupo sa tabi ni Ms. Ramos," turo ni Sir sa isang bakanteng upuan sa tabi ni Tin. Sumunod naman nyang binigyan ng upuan yung isang lalake, si Samuel nga.
"Ikaw Mr. Domingo, doon ka na kay Ms. Laurel," turo nya sa tabi ni Ellie. Napatingin ako sa kanya at nginitian ako, ganun din ang ginawa ko kahit pilit. Nang umayos ako ng upo ay tyaka lang ako biglang kinabahan nang maalala ko ang upuan sa likuran ko.
Mahabaging Diyos. Wag po, parang awa nyo na po! Magpapakabait na po ako, Lord!!!!
"And you Mr. Borromeo.." sambit ni Sir na ikinalingon ko kaagad sa harap. Shocks, wag naman po, Lord. Maawa po kayo.
"You can take your sit behind --- Mr. Madrigal." sabi nya na nagpahinto yata sa pagtibok ng puso ko. Nakita ko pang itinuro ni Sir yung direksyon ko, iiwas pa sana ako ng tingin pero wala na, huli na.... nakatingin na sya.
Nang magtama ang mata namin ay bigla na lang akong pinagpawisan ng malamig. Ni hindi ko magalaw yung mga daliri ko sa sobrang kaba.
Unti-unti ay inangat nya ang kamay nya at tinuro ako.
"Sya ba yun, Mr. Madrigal?" tanong nya kay Sir pero nasa akin parin ang tingin nya.
"Yes. Why?"
Unti-unting umangat ang gilid ng labi nya na nagbigay kilabot sa akin.
"Oh, nothing," sagot na lang nya at lumakad na papunta sa kina-uupuan ko.
Nang makalapit na sya ay di ko na sya nilingon. Nanatili na lang akong nakayuko at kunwari may inaayos sa harapan. Napansin ko pa syang huminto sa tabi ko pero di ko na pinansin pa hanggang sa maupo na sya sa likuran ko.
Napatingin ako kaagad kay Ellie at kapansin-pansin ang pagtataka sa mukha nya. Minuwestra ko sa kanya yung taong nakaupo sa likuran ko, nakita ko pang nakatingin rin yung katabi nyang lalake. Nawala ang atensyon ko kay Ellie ng maramdaman ang paggalaw nya sa likuran ko.
"Hello.... Mr. Madrigal." mahinang bulong nya sa likuran ko na nagpanindig ng balahibo ko. Halos maisuka ko na ang puso ko sa kaba at di ko napigilang mapapikit sa ginawa nya at inulit nya pa ito ng isang beses.
"It's nice to see you... again."
=====••
|| JARENTH BORROMEO POV ||
After an hours of boring discussions, the bell finally rang stating that we're free to have our lunch break. May mga babaeng lumapit sa akin para makipagkilala but i didn't entertained them, ang buong atensyon ko ay nasa isang tao lang ngayon.
"Tara na Ellie!" sigaw nya at nauna pang lumabas ng pinto. The girl who's sitting next to Sam followed him right away.
Di ko mapigilang mapailing sa ginagawa nya, mula pa kanina halos gusto ko na syang komprontahin sa ginawa nya sa akin noong nakaraang gabi. That damn guy! Balak yata nyang sirain ang kaligayahan ko.
Since wala na rin naman yung lalake o kung lalake ba talaga sya.. wala na rin akong rason para manatili pa rito.
Walang pasabi ko na lang iniwan yung mga babaeng kanina pa daldal ng daldal sa tabi ko. Tsk! Pinaka-ayoko sa lahat ay yung madaldal!
"Oi, wait lang Insan!" tawag ni Sam sa akin pero di ko sya pinansin. Mas gusto kong sundan yung lalakeng yun, di pa ako tapos sa kanya.
Di ko mapapalagpas yung pagsampal nya sa akin at pagtuhod sa -- urgh! Di yata nya alam na wala pang nananampal sa akin, at higit sa lahat wala pang tumutuhod sa p*********i ko! Lahat nga ng babae pinagpapantasyahan yun tapos tutuhudin nya lang!
"Uy, Insan! Sino bang sinusundan natin? Nagugutom na ako eh." Sam said.
"Kung puro ka reklamo maiwan ka dito. Di ko naman sinabing sumunod ka." sagot ko pero ang attention ko ay nasa bubwit na yun.
"Grabe ka naman, parang nagtatanong lang eh pero sige na nga... shut up na ako. Pero teka nga, bakit nga pala ganun yung tingin mo sa nasa harapan mo kanina? Parang papatayin mo na yung tao eh."
Sandali akong tumago nang huminto silang dalawa ng kaibigan nya, tinignan ko muna sila bago ko hinarap si Sam.
"Kanina pa sya patay sa isip ko. Yang lalakeng yan lang naman ang tumuhod sa p*********i ko." di ko mapigilang mabwesit sa lalaking yun o kung lalaki ba talaga sya. Bigla namang nanlaki ang mata nya at tinignan pa yung lalakeng tinutukoy ko. Mr. Madrigal.
"You mean that night sa Club? Yung tumuhod sayo ay sya!?" tinuro nya pa nya ang lalakeng yun.
Di ko sya sinagot at hinarap na lang ulit yung lalakeng iyon na nakikipagkwentuhan na ngayon sa kaibigan nya.
"Alam mo Insan, parang di mo aakalaing sya yung gumawa." Napakunot noo kaagad ako sa sinabi nya at marahas syang hinarap. Nagulat sya.
"I mean, tignan mo.. parang wala naman sa itsura nya yung makakapanakit ng ganun. Mukha nga syang angel ei." nakangiti nyang sabi habang nakatingin doon sa lalakeng yun.
Mukha palang angel ha. Wala akong pakialam kung anong itsura nya o kung anong meron sa kanya basta di ako makakapayag na di sya mapanagot sa ginawa nya sa akin. He'll pay for that.
"Sinasabi ko lang naman Insan, madilim doon at naka-inom kana rin.. di kaya nagkakamali ka lang?." sabi na naman ni Sam na ikina-inis ko na.
"Bakit ba di ka naniniwala!? Kahit na naka-inom ako at may kadiliman doon alam kong sya yun, wala ng iba!" singhal ko bago ulit lumakad. Di ko na rin pinansin yung mga nakatingin sa akin. Magsawa sila kung kailan nila gusto.
Kahit naman na sinigawan ko na sya ay sumunod parin sya. Sanay na rin to sa ugali ko at ganun rin ako sa kanya, kaming dalawa lang ang magkasama rito sa Pilipinas. We're cousins at malaki ang utang na loob ko sa kanila lalo na kanila Tito at Tita dahil sa pagkupkop sa akin matapos mawala nila Mom and Dad.
"So ano na pala ang balak mo ngayon na nakita mo na sya?" tanong nya habang nakasunod sa akin. Di ko sya tinignan pero sinagot ko ang tanong nya.
"Kilala mo ako, di ko palalampasin yung ginawa nya..... i will bring hell in his life." i answered. Mukhang ngayon pa lang ako mag-e-enjoy sa pananatili sa isang school ah, lalo na at may dahilan ako para manatili.
=====••
|| JIAN LOUIS MADRIGAL POV ||
Tahimik at nanatili lang akong naka-upo sa bench dito sa Botanical garden sa loob ng Campus. Nagsisipag-takbuhan na yung ibang estudyante papasok sa mga classroom nila at di parin tumitigil yung malakas na tunog ng bell hudyat na mag-uumpisa na ang klase para sa hapon, pero kaiba sa kanila.. di man lang ako kumikilos para magmadaling pumunta sa classroom namin.
"Besh, tara na kasi.. magagalit si Ma'am Catigbac pag di tayo pumasok. Mali-ligwak ang beauty natin na tiyak na tiyak! Bongga! Rhyming!" aya sa akin ni Ellie habang hila-hila yung kamay ko para tumayo pero nagmatigas ako at nanatili lang sa kina-uupuan ko. Puro kalokohan parin talaga.
Gusto kong mag-react sa sinabi nya, sa unang pagkakataon ngayon lang yata sya nag-aya na pumasok pero kasi...
"Ellieee... ayoookoooo... gusto mo ba akong mamatay ha? Di mo ba narinig yung mga kweninto ko?" halos maluha-luha kong tanong sa kanya.
Ayoko na.. ayoko nang pumasok! Magpalipat na lang kaya ako ng Course? Oo tama! Yun na lang pero.. waahhhh!! makikita ko parin sya dahil sa isang school lang kami. Di naman pwedeng lumipat ng School dahil napakalayo na ng ibang State University dito at magtataka sila Nanay. Waahh!! Ano ng gagawin ko!? Ayoko pang mamataaayy!
Binitiwan kaagad ni Ellie ang kamay kong hawak nya at tumabi sa akin sa bench.
"Ano nang gagawin mo? Di naman pwedeng iwasan mo na lang sya lagi lalo na at kaklase pa natin sya. Paano ba?" natatanong rin nya pero wala akong alam.
"Ayoko na talagaaa! Ikaw kasi eh! Kung di mo ako pinapunta doon di 'to mangyayari. Kainis ka." nakanguso kong maktol sa kanya.
"Sarreh na nga eyy. Sige ganto na lang. Later we'll talk to him and hihingi tayo ng apology sa nangyari para tapos na." mungkahi nya na ikinalingon ko kaagad sa kanya. Mukhang madali kung iisipin pero..
"Nasisiraan ka na ba? Nakalimutan mo na ba yung sinabi ko kanina? Diba nga sabi nya wala syang tatanggaping sorry sa akin, sya daw ang maniningil sa ginawa ko sa 'GUSTO' nyang paraan." paalala ko sa kanya sa mga sinabi nya sa akin kanina habang nag-kaklase.
Hanggang ngayon dama ko parin yung hininga nya na leeg ko at kinikilabutan parin ako sa mga sinabi nya kanina.
["Mukhang mag-e-enjoy ako dito sa school nyo ah. There's gonna have a lot of fun"]
["Alam mo ba na halos di ako maka-ihi ng maayos sa ginawa mo? Pero ayos naman na ngayon kasi mukhang makakabawi na ako."]
["Ang ganda ng sitting arrangement no? Nasa dulo tayo, walang nakakapansin.. pwedeng-pwede kong gawin ang mga gusto ko."]
Matapos kong maalala ulit yun lahat ay bigla na lang akong ginapangan ng pangingilabot. Wala na talaga, mukhang katapusan ko na. Sa nineteen years kong nabuhay may mga bagay pa akong di nagagawa, sana naman magawa ko muna yun bago ako mawala dito sa mundong ibabaw.
Matapos naming manatili ni Ellie dito ng halos isang oras tumayo na sya at pinakatitigan ako.
"Besh, listen to me. Listen to me carefully. Bakit mo ba ginawa yung mga bagay na yun? Diba dahil sa una ka nyang binastos?" tanong nya sa akin habang nakapamewang. Nakanguso ko naman syang tinanguan.
"Uhmm." sagot ko.
"Sya ang nauna kaya mo nagawa ang mga karumaldumal na bagay na iyon deeba!?" may kalakasan nya ng tanong. Nagtataka na rin ako sa ginagawa nya at sa ikinikilos nya pero sumagot parin ako.
"Oo." maikli kong sagot.
"If that's the case hindi ka dapat matakot sa kanya... sya ang dapat na matakot! Kung di ka nya minura ay di mo sya masasampal. At kung di ka nya kinaladkad at pinagbantaan ay di mo sya matutuhod sa kanyang pinaka-iingatang yaman. Wala kang kasalanan dito, Besh, biktima ka lang din ng mapaglarong gabing iyon kaya dapat kang lumaban!!" nagsisisigaw na sya at palakad-lakad pa sya sa harapan ko.
Di ko naman maiwasang mapangiwi sa ginagawa nya. Mabuti na lang walang katao-tao dito sa paligid kundi nagmukha na naman syang may tama. Ano ba to!? Namo-mroblema na nga ako tapos sasabay pa tong sakit ng kaibigan ko, why Lord!? Why!!!??
"Kaya naman halika na tumayo ka na dyan at itigil ang pagdadrama mo. Hindi mo matatalbugan si Nora Aunor dyan. Aside from that ay may long quiz rin tayo kay Sir Santos. Baka bumagsak ka doon malaman pa nila Tito at Tita." sabi nya bago ako hinatak patayo.
"Oo nga pala. Nag-review ka ba at alalang-alala ka dyan?" tanong ko naman sa kanya. Ngumiti ito ng pagkalaki tyaka namaywang sa harapan ko.
"Of course, no! Kaya nga sabi ko baka bumagsak ka deeba!? Hindi ko naman sinabing baka bumagsak tayo, hello!?" sagot nya. Aba! Sorry naman ahh! "I'll use my stock knowledge na lang later." dugtong nya pa sabay flip hair.
"Stock knowledge will stock you in College! Dapat may back up paring review!" singhal ko sa kanya. Deadma naman sya tyaka ako muling hinatak.
"Trust me when i say i can slay the long quiz. Yung author nga natin dito hinahangaan sa Stock knowledge nya kaya nagagawa nyang mangharot kung saan-saang lupalop sa Campus nila at sa mga Organization na member sya."
"Si Author yun, not you!" ginawa pang inspiration si Author kaloka!
[A/N: At nadamay pa ako. Haist! ]
Di naman na ako lumaban pa at hinayaan na lang syang hatakin ako. Ano bang gagawin ko? Di ko na alam ang gagawin ko, kinakabahan na talaga ako. Hay! Bahala na!
Matapos ang ilang minutong paglalakad namin ni Ellie ay nakarating rin kami sa building namin at tinahak na kaagad ang hagdan paakyat sa room namin. Ibayong kaba naman ang nararamdaman ko habang humahakbang palapit sa huling hantungan ko. Juskes! Lord, kayo na po ang bahala sa akin. Iparating nyo po kanila Nanay at Tatay na mahal na mahal ko sila.
"Wag kang papahalata na kinakabahan ka, mas lalo ka lang nyang tatakutin." mungkahi at pagpapalakas loob na rin na sabi ni Ellie habang palapit kami sa pinto ng room. Tama sya, wag na lang akong magpa-apekto sa mga titig at sasabihin nya. In fairness ahh, may nasabi ring matino ang babaeng ito.
Isang malakas at malalim na hininga ang binuga ko bago kami pumasok sa loob. Wala na yung prof namin sa first subject kaya nagkukwentuhan na lang yung iba.
"Go besh, you can do it! Fight sa ngalan ng Pag-ibig at Katarungan." bulong ni Ellie sa akin bago sya na-upo sa harapan. Ano 'to Sailormoon na naman? Loka talaga!
Sa halip na sagutin ang nakakabaliw na bulong ni Ellie ay umirap na lang ako. Napansin kong masinsinang nakatitig sa akin yung lalakeng katabi nya, si Samuel. Nang makita nyang nakatitig ako sa kanya ay bigla itong ngumiti at kumaway pa sa akin. Sana ganun din yung Pinsan nya. Juskes.
Walang ka-imik-imik naman akong lumakad papunta sa upuan ko. Iniyuko ko na lang ang ulo ko at kunwaring nagt-type sa cellphone para makaiwas sa mga titig nyang nakakamatay sa talim. Lupa, bumuka ka na ngayon at kainin mo na ako!
Nang makarating ako sa upuan ko ay palihim akong humugot ng hininga at kinuha ang headset ko sa bag. Makikinig na lang ako ng music para makaiwas sa mga bulong nya at sa mga titig nyang pamatay pero di pa man nagtatagal ay bigla na lang akong may naramdaman na malakas na pagsipa sa upuan ko.
Alam kong sya yun kaya di ko na lang pinansin hanggang sa inulit na naman nya pero di ko ulit pinansin. Huminga na lang ako ng malalim at sinabayan pa ang kanta na pinapakinggan ko. Siguro sa inis nya ay nagulat na lang ako nang hatakin nya yung isang headset ko at bumulong.
"Haharap ka sa akin o alam mo na ang mangyayari sayo!?" puno ng diin at mabagal nyang bulong sa akin.
Sa puntong iyon ay halos di na ako makagalaw, napansin siguro nya kaya bumulong ulit sya.
"Matigas ka pala ha.." bulong nya ulit at may narinig akong ingay sa likuran. Bigla akong kinabahan kaya dali-dali akong humarap sa kanya. Mamaya bigla nya akong suntukin ng nakatalikod eh. Susunod na nga lang.
Pagkaharap ko ay nakipagtitigan ako sa kanya at ramdam na ramdam ko na ang kaba. Yung itsura nya walang kaemo-emosyon pati yung mga mata nya na nakatitig sa akin hanggang sa nangilabot na lang ako ng ilapit nya ang mukha sa tenga ko at muli syang bumulong.
"Ganyan dapat, matuto kang sumunod." bulong nya bago sya sumandal sa upuan nya, humalukipkip at ngumisi ng nakakaloko.
JUSKES!