|| JIAN LOUIS MADRIGAL POV ||
Halos isang linggo matapos ang announcement ni Sir Dann tungkol sa gaganaping Event at sa nai-tokang gagawin namin ay binigyan nya na kami ng mga instruction sa gagawin namin. Sa mga nagdaang araw rin na iyon ay naging kalbaryo sa akin ang pagtago at pag-iwas sa kanya, kay Jarenth Borromeo. Ang Hari ng mga Bwesit!
Pinapakinggan ko lang sya pero di ko iniintindi. Kapag tumunog na ang Bell tatakbo kaagad ako palabas. Kapag papasok naman ay nagsusuot ako ng headset para di sya marinig o minsan naman ay nakiki-upo muna ako sa tabi ni Ellie kapag wala pang professor. Ganun lagi ang set up ko pero di parin nawawala ang mga pang gugulo nya katulad na lang ng lagi nyang ginagawa na pagsipa sa upuan ko at pagbulong ng kung ano ano.
Minsan pa nga ay bigla na lang nya akong hahagisan ng notebook tapos sasabihin nya na isulat ko raw lahat ng sinulat namin o kaya naman gawan ko raw sya ng assignment. Bilang mabait naman ako at ayoko na ng palakihin pa ang gulo ay sinusunod ko na lang kahit labag sa loob ko.
Di lang sa mga ganung bagay nya ako ginugulo, maraming beses na akong umuwe na may nakadikit na kung ano-ano sa bag ko o sa damit ko, meron pa ngang araw na hinaharang nya ako sa daan at kukunin ang bag ko tapos kinabukasan nya ibabalik sa akin.
Sa mga ganung panggugulo nya ay hinayaan ko na lang. Alam kong bullying itong ginagawa nya at isang BIG NO sa akin ang Bullying pero ayaw ko din kasi ng gulo. Inisip ko na lang na gawin ang mga pinapagawa nya at hayaan ang anomang kagaguhan nya bilang may kasalanan din naman ako sa kanya.
"Good morning class!" narinig kong bati ng kung sino at ng lingunin ko yun ay si Sir lang pala akala ko kung sinong hudas na na sumingit sa drama ko, hehe charot lungs!
Umayos naman na ako ng upo at isinantabi ang mga pinagdadaanan kong bigat ng buhay. Mapayapa ang buhay ko ngayon dahil wala sya, di ko alam kung nasaan sya pero ayos na rin at least matatahimik ako kahit sandali.
"Ok class, diba nasabi ko naman na yung gagawin nyo sa gaganaping event?" wika ni Sir Dann. Lahat kami ay napatanggo.
"Ngayon naman ay i-p-pair ko kayo at bibigyan ng kanya-kanyang trabaho. Malaki ang Gym at kailangan nating maging organize para mapabilis ang trabaho kaya naman makinig kayo at sasabihin ko na ang mga makakasama nyo." sabi nya tyaka sya nag-umpisa mag-pairing.
Halos lahat ay natawag na at abot abot langit na ang dasal kong tawagin na ang pangalan ni Jarenth at wag sya ang makasama ko. Naka-cross fingers na rin ako at akala mo kasama ng Miss Universe na hinihintay kung sino ang papasok sa top. Drum roll na lang ang kulang.
Maya-maya pa nga ay tinawag na ang pangalan ko at halos pigilan ko ang hininga ko at kabadong inaantay ang susunod na pangalang kanyang babanggitin. Wag sana sya. Wag sana sya..
"Jian kasama mo si...." sambit ni Sir at tinignan ang list nya. "Kasama mo si Ms. Laurel." sambit nya at sa sobrang saya ko at di ko napigilang mapatili ng slight. Tinawanan ako ng mga nakarinig pero deadma na ako at nakahinga na ng maluwag. Hay, thanks God.
Nilingon ko naman kaagad si Ellie at nakitang nag-thumbs up sya sa akin super ngiti naman ako sa kanya, buti na lang kami ang magkasama.
"Ay wait lang pala.." sabi ulit ni Sir kaya napaseryoso ako at muli syang tinignan. Juskes... ma-Miss Colombia pa yata ako!? Natawag na babawiin pa!.
"Di pala kayo pwede dahil pareho kayong magaling sa decoration. Si Mr. Borromeo na lang ang ka-partner mo, Jian." sabi nya at para akong hinulugan ng bomba dahil sa narinig ko.
"S-sir! Ayos naman na po yung kanina ah! Ang unfair naman po yata kung babaguhin nyo pa. Nananahimik po kami dito tapos gaganyanin nyo kami!? Wala naman po kaming ginagawang masama! Bakit nyo po kami ginaganito? Hindi po ito makatao, hindi po makatwiran. Ipaglalaban ko po ito kahit saang husgado umabot!" angal ko sa sinabi nya at napatayo na rin ako. Di ko na pinansin yung mga tumatawa kong kaklase. Juskes! Pagbigyan nyo na akong tanggihan yung sinabi ni Sir habang wala yung bugnuting bwesit.
"Hala Jian, mas unfair naman yata yung nangangapa yung iba dahil walang marunong mag-decorate sa kanila. Tyaka bakit ba nakatayo kana dyan at bakit ang dami mong sinabi? Ano bang pinaglalaban mo?" paliwanag at tanong ni Sir sa akin na medyo natatawa pa sa mga pinagsasabi ko.
Napanguso naman ako dala ng inis at magsasalita pa sana kaso biglang bumukas yung pinto at bumungad yung hari ng mga bwesit.
"Oh! Ayan na pala si Mr. Borromeo eh." pagpansin sa kanya ni Sir, lahat naman ng mata namin ay nasa kanya lang.
"Jarenth si Jian ang magiging partner mo sa pag-aayos ng Gym bukas ok ba yun?" tanong nya pa doon sa bwesit na yun. Aba si Sir, sa kanya pa tinanong.. natural o-oo yan baka nga ako lang pakilusin nyan eh!
"Yeah, it's okay. Bakit, ayaw mo ba?" seryoso nyang tanong sa akin at napansin ko pang pinanlakihan nya ako ng mga mata nya.
"Ha!?.. Di ah!! Sa-sabi ko nga kay Sir ayos na yun eh! Sino bang nagsabi na ayaw ko, kayo talaga. At tyaka ayoko rin naman makasama muna si Ellie, na-aasiwa na ako sa mukha nya.. he.he.he."
"Waaww ahh.. grabe ka Besh! Itong gandang 'to nakaka-asiwa!? Gaga ka ng Taon!" singhal ni Ellie sa harapan na ikinatawa naman ng buong klase pero di ako kasama syempre. Ikaw ba naman nilalakihan ka na ng mata makapalag ka pa ba.
"Oh, so settle na pala yung sa inyo. You can take your sit na Mr. Borromeo." Di naman na nya pinansin pa si Sir at nagdiri-diretsyo na sya sa upuan nya at ako rin ay naupo na.
Nang naka-upo na sya sa likuran ay marahan na naman nyang sinipa yung upuan ko habang nag-papaliwanag si Sir ng mga gagawin namin bukas.
Katulad ng dati di ko parin sya pinansin at nanatili lang ang atensyon kay Sir pero di mo naman kasi mapipigilan ang lahi ng mga bwesit diba kaya ayun sya lumipat doon sa katabi kong upuan dahil absent na naman si Jordan na katabi ko. May laban na naman yata ng basketball mamayang tanghali tapos Ms. Gay sa gabi.
Dahil sa ginawa nyang paglipat ay medyo na gulat ako at napatingin sa kanya. Ngayon na magkatabi kami kitang-kita ko ng malapitan ang mga itim nyang mata na nakatingin sa akin, maganda at nakakahipnotismo kapag iyong pagmamasdan pero nakakatakot naman dahil sobrang talim makatitig. Amoy ko rin ang pamilyar nyang amoy na minsan ko ng naamoy. Nagsusumigaw ang kaangasan at kayabangan sa gamit nyang pabango. Bagay na bagay sa magaspang nyang ugali.
"Balak mo pang umiwas ha. Diba sinabi ko follow my orders or else you'll die." naniningkit na naman ang mga mata nya nang sabihin nya ito sa akin.
"Oo, hindi ko nalilimutan at tyaka sino bang nagsabing umiiwas ako? Ang gusto ko lang naman sabihin kay Sir ay mahal na talaga ang presyo ng bigas ngayon. Maraming mga tao ang nagugutom at dapat maging thankful tayo sa mga blessings na nare-receive natin sa araw-araw, yun lang naman." sagot ko sa kanya bago humarap at umupo ng maayos.
"Siguraduhin mo lang dahil one wrong move lang..." banta na naman nya at dahil sa na-ipong inis ko sa kanya ay nilingon ko na sya at pinakatitigan ng masama.
"At kung meron akong gawing di mo nagustuhan anong gagawin mo? Ang pagkakatanda ko di lang naman ikaw ang naperwisyo nong gabing yun. Bukod sa nabuhusan ako ng alak 'mo' ay minura 'mo' pa ako, di lang yun dahil kinaladkad 'mo' rin ako at pinagbantaan kaya yung nangyari 'sayo' dapat lang yung dahil 'BWESIT KA!'" gigil kong sabi sa kanya at puno ng diin. Nakaka-gigil na eh! Akala nya kung makaasta sya ei sya yung nabiktima, hello from the other side lang naman ha.. biktima rin ako at hindi ko ginusto ang lahat, kumilos lang ako at umakto ng dapat.
"Matapang. Sumasagot ka na ngayon." sabi nya naman bago lumapit sa akin ng husto. Naku, pigilan nyo ako masasapak ko 'tong bwesit na ito!
"Bakit bawal bang magsalita?! Last time i check Democratic Country parin ang Philippines at ako bilang mamamayan ng Bansang Pilipinas ay may karapatang ihayag ang aking saloobin dahil Demokratikong Bansang ito!" Ano ha?! Kala nya aatrasan ko sya? Niknik nya!! Lalaban na ako no! Idol ko kaya si Ivy Aguas. WAG AKO!! WAG! AKOOO!
Nasa ganung paglalaban kami ng titig at halos wala paring natatalo sa amin nang may malakas na tumikhim.
"EHEEEMM! Mr. Borromeo at Mr. Madrigal EHEEMM!" rinig kong tawag ni Sir kaya mabilis akong humarap at nakita ang itsura nilang lahat na nakatingin sa amin. Oh ohh!
"Sorry to disturb your moment pero nasa loob kasi kayo ng 'CLASSROOM'" sabi nya at diniinan pa talaga yung salitang Classroom. "Kung may LQ kayong dalawa sa labas nyo na yan pag-usapan kasi mag-uumpisa na ako. Okay ba?"
Halos mamula naman ako sa hiya nang magtawanan yung mga kaklase namin at may mga halong panunukso pa. Kung alam lang nila kung anong nangyayari sa pagitan namin ng Hari ng mga Bwesit na ito.
Inis ko uling tinignan si Jarenth na nakasandal lang sa upuan nya at naka-halukipkip pa, parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid. Hhaaaayy!! Makakapatay ako ei!
Matapos ang mahabang oras ng klase ni Sir ay pinasama nya kami at ilan pa sa mga kaklase namin na naka-toka sa decoration. Sumunod lang naman kami sa kanya hanggang sa office at sinabing hintayin namin sya.
"Are you okay, Besh?" tanong ni Ellie sa akin. Tinignan ko naman sya at tinanguan, wala akong gana ngayon araw na to.. kainis.
"Mukhang hindi eh. Ano na naman bang sinabi nya?" tanong nya ulit pero pabulong na at tumingin pa sa likuran kung nasaan yung Bwesit kasama ang pinsan nya na ka-partner naman ni Ellie.
"Nakakainis na kasi sya eh. Lahat ng pinagawa nya sa akin ginawa ko ng walang reklamo. Nakakapuno na kasi eh tapos kanina na naman sinabihan na naman nya akong wag daw akong gagawa ng mga bagay na hindi nya magugustuhan, ano nya ako -alalay? Kung maka-asta kala mo sya lang yung biktima, ako din naman ah! Nasaan ang hustisya don, sa Napkin?" mahaba kong litanya kay Ellie at si loka tinawanan lang ako at may papalo-palo pa sa braso ko. Shunga tong babaeng to, i-umpog ko sa pader 'to eh. Ang sakit kaya.
"Alam mo, Besh ang cute nyo ngang tignan kanina eh. Para talaga kayong nag-aaway na mag-jowa." nakangiti nyang sambit na may halong pang-aasar.
"Hooyy!! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! Never!" halos pasigaw ko nang sabi at tyaka ko lang na alala na nasa loob pala kami ng office pero huli na dahil pinagtinginan na ako at napagalitan na ako ng mga professor dito.
"Quiet! Kung di mapigilan ang bunganga lumabas na lang." sita sa akin nong isang matandang Professor. Halos kainin naman ako ng lupa sa kahihiyan kaya nag-sorry na lang ako.
"Ikaw kasi maka-deny ka yan tuloy." komento pa netong si Ellie, di ko tuloy na pigilan ang sarili ko.. ayun kumakalat na yung dugo nya sa pader.
"Kala neto."
Sandali pa nga ay lumabas na si Sir na may dalang box. Kinuha nya yung mga laman nyun at ibinigay sa aming magkaka-partner. Isang plastic ng artificial flowers, mga makukulay na beads at mga maninipis na tela ang napunta sa amin. Ako na ang kumuha since ako naman yung malapit at mukha walang balak lumapit yung hari ng mga bwesit.
"Jian, lagyan nyo ng flower yung bawat tela na nakalagay sa buong Gym, kayo ng bahala kung anong style. Tapos yung beads naman i-tahi nyo sa mga telang nandyan bago nyo ilagay sa mga poste na naka-kalat sa Gym." pagbibigay instruction ni Sir sa mga gagawin namin. Tango lang naman ang ginawa ko hanggang sa palabasin nya na kami.
Paglabas namin nakita ko kaagad si Jarenth na naglalakad palayo kasama ang Pinsan nya. Aba magaling! Ang galeeng galeeeng! Wala akong masabi. Ano yun, iiwan nya sa akin itong lahat? Gagong yun ahh!
"Hoy, Jarenth!" tawag ko sa kanya habang naglalakad sya palayo. Huminto naman sya at hinarap ako.
"BAKA naman pwedeng hati tayo dito sa tatahiin!?" tanong ko sa kanya habang palapit. Tinaasan lang naman ako ng kilay ng bwesit.
"Kaya mo na yan." sabi nya bago tumalikod. Aba't mahusay talaga!
"Hoy! Ano ka, di naman pwede yun! Dalawa tayo dito eh. Hooy!! Jarenth! Aaarrgghh.. BWESIT!"
Halos mapunit na ang hawak kong plastic sa kabwesitan ko sa lalakeng yun. Di man lang ako tinulungan, arrghh.. bwesit talaga! Ano bang nagawa ko at ganito ang nangyayari sakin!? Bathala sa langit, ano po bang nagawa ko para makaranas ng ganito?
"Mukhang paglalamayan mo yang dala mo, Besh." tawag atensyon namang sabi ni Ellie.
"Hayy.. ano pa nga ba? Natural pag-pupuyatan ko itong lahat. Kainis talaga yung bwesit na yun! Nakakapanggigil, ang sarap tusukin ng karayom sa buong katawan!" Nanggigigil kong sabi habang naglalakad palabas ng campus. Tinawanan lang naman ako ni Ellie at sinabing hayaan ko na lang daw. Argh. Ano pa nga ba!
•••••
Kinabukasan.
Parang Zombie akong naglalakad sa pathway ng Campus papuntang Gym. Halos wala akong tulog dahil sa bwesit na Jarenth na yun! Kung tinulungan nya lang sana akong magtahi ng mga beads di sana mabilis lang natapos 'to. Nakakainis nga eh, ang dami pang di na tapos. Nahihiya naman akong magpatulong kay Nanay dahil mukhang napagod din sya sa pagbabantay ng Convenience store namin kaya mag-isa ko lang talaga itong ginawa. Halos ilang beses pa nga akong natusok ng karayom eh. Huhu.
Halos lahat ng estudyanteng nakikita ko ay abala ngayon dahil sa mga bitbit at ginagawa nila para sa darating na event ng school. Wala naman kasing klase ngayon at sa mga susunod na araw dahil nga sa kasadsaran ng Event ngayon.
Ilang lakaran at likuan pa ay narating ko rin ang Gym kung saan may mga tao ng abala sa mga kanya-kanya nilang ginagawa.
"Oh! Good morning, Jian. Mukhang napuyat ka yata?" bati at tanong ni Sir Dann na nakasalubong ko palabas ng Gym.
"Naku Sir kung alam nyo lang ang hirap na pinagdaanan ko baka isulat nyo pa at ipadala sa MMK." pabiro ko namang sagot para na rin magising ang diwa ko.
"Sira ka talaga, asan na nga pala si Mr. Borromeo? Diba sya ka-partner mo?" tanong nya sa akin na kaagad ikinang-gigil ko at ramdam ko ang nag-uumapaw na inis na lumalabas na sa katawan ko ngayon dahil sa inis sa lalakeng yun. Luh, dami ng sinabi.
"Ahh? May ka-partner po ba ako? Akala ko ako lang po magisa, eh ako lang gumawa neto lahat eh." sagot ko na may halong inis.
"Ano? Ibig sabihin di ka nya tinulungan mag-tahi nyan?" magkasunod nyang tanong.
"Yes Sir, tumpak ganern!" sagot ko naman. Di tuloy alam ni Sir kung anong i-re-react nya, kung maaawa ba sya o matatawa.
"Kawawa ka naman pala. Buti na kaya mo?" tanong nya ulit.
Ngayon ko lang napapansin ah, parang ang dami nyang tanong. Bueno, ibinaba ko muna yung dala kong plastic bag sa mesa at sinagot sya.
"Well, i believe na kung wala kang de-dekasyon sa mga gagawin mo ay siguradong di mo talaga kakayanin ang kahit na anong gawain. Lagi lamang po nating pakakatandaan mga minamahal kong kaklase at sa mga minamahal kong mambabasa na wag nating hayaan na unahan tayo ng katamaran at ng mga negatibong bagay na maaaring makakaapekto sa ating kakayahan bagkus ay mas pag-igihan pa natin para masabi natin sa huli na walang bagay ang di natin kakayanin, and i... THANK YOU!!" and there isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa pang-miss QnA kong kasagutan. Boom! pasok sa banga!
"Ewan ko sayo, Mr. Madrigal. Oh sya pasok ka na sa next round! Doon sa loob, next round ng trabaho. Kilos na." sabi ni Sir at sabay kaming tumawa.
Katulad nga ng sinabi ni Sir ay binitbit ko na lang yung plastic bag na dala ko at ipinasok sa loob ng Gym. Abalang-abala ang lahat para sa pa-Piging ni Mayora! Haha!
"Besh! Dito!" tawag ng kung sinong impakta. Nang lingunin ko ay nakomperma ko nga kung sino.
"Bakit?" tanong ko habang palapit sa kanya.
"Doon tayo sa isang room. Lagay mo na yang mga dala mo roon." aya ni Ellie sa akin kaya sumunod na rin ako.
Pagdating namin doon ay wala namang katao-tao maliban sa mga nagkalat na palamuting gagamitin sa pag-dedesinyo ng buong Gym.
"Na saan na yung partner mo?" tanong nya pagkababa ko ng plastic.
"Ewan ko, patay na yata." maikli kong sagot. Sakto naman bumukas yung pinto at iniluwa si Samuel, pinsan ni Jarenth.
"Hoy, Samuel! Nasaan yung pinsan mo! Grabe naman na yun, di na nga nya tinulungan magtahi itong Besh ko tapos ngayon mukhang hahayaan nya na lang na mag-decorate mag-isa itong Besh ko! Hindi naman na yata tama yun! Lahat na lang isinakripisyo nya mabigyan lang kayo ng magandang buhay tapos itong igaganti nyo!? Hindi sya nagpakahirap sa ibang bansa para dyan sa mga luho ninyo! Hindi sya nagpakahirap at nagpalipas ng ilang gutom para lang makapagpadala sa inyo tapos ano!? Mga walang puso!!" madramang tanong at gigil na bungad nya kay Samuel. Halos lumuha na sya kaya lumapit na ako.
"Tama na, Ellie. Tama na. Kakayanin ko naman lahat eh, tama na." awat ko sa kanya habang hinihimas ang likuran nya.
"Hindi eh! Dapat kasi arrgghahh aarrghh aahhh!" bulyaw nya ulit kaya ikinadena ko muna. Baka kasi makakagat di pa naman napapa-anti rabies.
"Pagpasensyahan mo na, nalaglag na naman yata turnilyo ng utak nya." Paghingi ko ng dispensa kay Samuel na kanina pa naka-ngiwi at mukhang natatakot na sa inaasal ni Ellie.
"Ano nga?" segunda ko rin sa tanong ni Ellie kanina.
"Hah? Ahh.. wala pa ba sya?" tanong din nya samin na ikina-nganga ko na lang. Talaga ba?
"Ay hindi nandito nga sya oh! Di naman na namin tatanungin nakita namin ei." puno ng sarcasm na sabi ni Ellie.
Di ko naman maiwasang matawa sa kanya pati sa pagkamot ng ulo ni Samuel. Kung anong ikinagasapang ng ugali at ikina-bwesit ng pinsan nya sya namang ikina-kulet nya.
"Soreey namen. Ehh magkasama kaming pumasok non ei, nasaan naman kaya yun? Wait lang tawagan ko." sabi naman nya tyaka nya kinuha ang cellphone nya sa bag nya tyaka tinawagan si Jarenth. Maya-maya pa nga ay ibinaba nya na matapos silang mag-usap.
"Oh anong sabi!?" Ellie.
"Ahh kasi.." Samuel, nakatingin sakin.
"Makakapunta daw ba!?" Ellie ulit.
"Ang sabi kasi.." Si Samuel na kumakamot ulo na.
"Ano ba naman yan! Ano nga!?" Isa pa talaga Ellie.
"Ano daw.." Si Samuel na medyo banas na.
"SUMAGOT KAA!!--- ARAY NAMAN!" Ayon nakatikim lang naman sya ng malakas na batok. Gagang 'to!
"Paano makasagot yung tao ei di mo pinagsasalita. Sayang exposure nya sa Chapter na to noh." naiinis kong sabi sa kanya.
Hinarap ko na lang si Samuel at tinanong ng maayos. "Ano daw?" Tanong ko.
"Ang sabi kasi nya kaya mo na daw yun." parang nag-he-hesitate pa syang sabihin. Mabilis naman na umakyat sa mukha ko yung dugo ko at nakaramdam na naman ng inis.
"Sige, pakisabi salamat sa tulong nya ha. Malaki kamo ang pasasalamat ko sa nai-ambag nya." yun na lang nasabi ko bago lumabas bitbit ang mga ipang-de-decorate.
Nakakainis na talaga sya, di na maka-tao yung ginagawa nya di na nakakatuwa. Nakuuu, wag lang syang magpapakita ulit sa akin dahil baka this time mabasag ko na talaga ang pinakatatago nya. Baka huling lahi na rin nya yan pag nagkataon.
Puno ng inis at gigil kong kinuha yung Foldable Staircase na nakalagay sa gilid ng pader para makapag-umpisa na. Nang maka-akyat ay nagsimula na ako at nakarami na ako ng nailagay na bulaklak kaya bumaba ulit ako at lumipat naman sa kabila. Medyo umuuga pa yung hagdan pero nababalance ko naman kaya nagpatuloy ulit ako.
Maya-maya pa ay lumapit na si Samuel at Ellie at sabay akong tiningala.
"Jian, hintayin mo na lang si Jarenth. Papapuntahin ko na lang dito." suggest ni Samuel. Saglit ko lang syang tinapunan ng tingin bago ulit nagpatuloy sa paglalagay ng bulaklak.
"Naku wag na baka ano pang magawa ko dyan sa pinsan mo." inis kong sambit bago yumuko at kumuha ng bulaklak pero isang pangyayari ang di ko inaasahan..
..
..
..
..
"JIAN!!"