|| JIAN LOUIS MADRIGAL POV || Malakas na magkakasunod na Liwanag ang nakita ko sa gilid ng fountain. Sumulyap-sulyap muna ako sa paligid bago muling bumalik sa paghahanap sa nakita kong Page kanina. Page 74, yan ang nakita kong Page kanila lang. Pahapon naman na kaya tiyak kong walang masyadong magagawi rito sa Fountain area ng Hospital. Araw kasi ng Biyernes ngayon, wala naman kaming pasok kaya napag-pasyahan ko na maghanap na lang muna ng mga Page at sa pagbabaka-sakali ko naman ay nakahanap nga ako ng Tatlong Pahina malapit lang sa amin sa buong umaga. Ngayon naman ay ito, kanina kasi habang naglalakad-lakad ako para sana pumunta saglit sa Store ay may naramdaman akong kakaiba sa loob ng dala kong Bag. Syempre alam kong yung Libro lang iyon pero ang di ko alam kung anong meron kaya

