|| Smiling_Ace (Author's P.O.V) || Hawak ang isang bote ng alak sa kanyang kamay, tahimik nyang pinagmamasdan mula sa mataas na bahagi ng building ang buong syudad sa ibaba. Isang pamilyar na presensya ang bigla nyang naramdaman na sumulpot sa kanyang likuran, hindi sya nagabalang ito'y tignan. "Ano ng balita?" Mula sa madilim na sulok ng rooftop ay lumabas ang isang babae.Hinahangin ang suot nitong pulang damit na nagpapakita ng magandang hubog ng kanyang katawan. Ang maganda at medyo kulot nitong buhok ay sumasabay din sa pag-ihip ng hangin. Nasa bibig din nito ang paborito strawberry cream lollipop na laging subo. "Inuumpisahan na nila ang pinapagawa mo tulad ng plano," sagot sa kanya ng kalalabas lang na si Karin. Sandaling lumingon sa kanya si Enthon, kita sa mga mata nya ang w

