CHAPTER 4

1378 Words
(LEENNIE) It's been two weeks nang huli kaming magkita ni Leo. I miss him. Kailangan lang magtiis dahil alam kong parehas kaming busy. Alas-sais na, pagod ako kaya mag-order na lang siguro ako ng food mamaya for dinner. Nakasakay na kami sa kotse at pauwi na dahil katatapos lang din ng photo shoot ko for sa famous magazine. Nag s-scroll lang ako sa IG ko, reading my fans comments on my pictures. Nag re-reply din naman ako sa iba lalo na kapag kilalang tao. Si DJ naman ay tahimik lang sa tabi ko. I don't know what's happening to her this past few weeks, naging tahimik siya at laging lukot ang mukha. Hindi ko na lang pinapansin dahil kapag nagtatanong naman ako, hindi naman niya ako sinasagot at iniiwas niyang pag-usapan. Iniintindi ko na lang dahil personal at hindi pa niya kaya magsabi, hindi lang naman ako sanay dahil nagsasabihan naman kami noon. I stop scrolling ng makitang tumatawag si Leo via VC, agad ko naman itong sinagot at itinutok ang camera sa mukha ko. "Hi Hon, how are you?" tanong nito. Nakahiga ito sa kama at topless. Hindi ko tuloy maiwasan titigan ang katawan nito. Medyo basa din ang buhok, katatapos lang siguro mag shower. "Good, I just finished a photo shoot for a magazine" sabi ko at nilingon si DJ na madilim ang mukha. Badtrip na naman yata. Baka may problema ito sa boylet. "When are you coming home? Miss you" tanong ko. After kasi namin mag celebrate dahil sa big project ko, he got a call a kailangan na nilang umalis, biglaan iyon kasi daw kapag sa susunod daw na mga araw hindi na sila maka-alis sa parating na snowstorm. "I don't know yet but I got a four-day rest, want to come here?" tanong nito at itinaas-taas pa ang kilay. "I can't. I still have photo shoot to do and an upcoming fashion show" sabi ko na sumimangot. "Owww, well I guess, we don't have a choice. I miss you so much Hon" "I miss you too. Take a rest, I know you're tired. Love you" sabi ko at nag flying kiss pa. "Love you too. Take care" nakangiting sabi nito bago ibinaba ang tawag. Nang makarating kami hinatid lang ako ni DJ sa apartment ko dala ang mga gamit ko. "Salamat DJ" Tango lang ang isinagot nito at akmang tatalikod na pero hinawakan ko ang braso nito. Hindi na ako makapagpigil kaya tinanong ko na siya. "You know you can tell me anything, you're like a sister to me and you are my friend. I know something is bothering you, what is it?" masuyo kong tanong dahil ayaw ko naman siyang pilitin mag sabi kung ayaw niya talaga. Tinitigan ako nito. She wanted to say something pero parang may pumipigil din sa kanya. Bumuntong hininga na lang ito at tipid na ngumiti sa akin. "I'm okay. I'm sorry" sabi nito at nag-iwas ng tingin sa akin. Kinabig ko ito palapit sa akin at niyakap nang makita kong konti na lang babagsak na ang luha nito. "I'm so sorry Leennie. I'm sorry" sabi nito habang umiiyak na sa bisig ko. I don't know kung bakit siya humihingi na sorry, pero baka dahil hindi niya lang masabi sa akin ang problema kaya siya nag so-sorry. "It's okay, I understand if you don't want to tell me, just remember that I am here for you. Always" I let her go para mapunasan ang luha niya. Tipid na ngumiti ito at tumango bago naglakad paalis. Pinanood ko lang siya hanggang sa makasakay siya elevator. Sana maging okay na siya. Alas-otso ng dumating ang inorder kong food. Pagkatapos kong kumain nagshower na ako. Pagkalabas ko ng banyo narinig kong nag-ri-ring ang phone ko. Gad kong sinagot iyon. "Hoooyyyy baklaaaa!" tili ng nasa kabilang linya. Agad ko na mang inilayo sa tenga ko na phone, potek talaga itong Judy na ito. "Ang sakit mo sa tenga bruha ka! Ano kailangan mo!?" tanong ko at naupo sa harap ng vanity table ko. "tang'na mo ka! Mangangamusta lang ako sayo" sabi nito at humagikhik pa. I groan when I heard a man's voice on the background. Ang malanding bakla, humaharot pa ata. "Ayos lang ako and for the second time, anong kailangan mong malandi ka?" medyo asar ko nang tanong dahil sa naririnig kong ginagwa nila ng lalaki niya. "Well, I need yo—uggghhh stop baby, later" rinig ko sa kabilang linya. "Tangina mo bakla, ibaba ko na ito" "Wait!!!!" tili na naman nito. "Ano nga kase, landi mo!" pasigaw kong sabi, napakaharot naman kasi. "Okay, so I need you for my Christmas Haute Couture. Please Lyn, pamasko mo na sa akin" haute cou·ture /ˌōt ko͞oˈto͝or/ ***(expensive, fashionable clothes produced by leading fashion houses.) ***(Haute couture is the creation of exclusive custom-fitted clothing.) Kapag kinukha ako nitong model niya ang lagi ko lang sagot ay NO agad. Ngayon napapaisip ako kung tatanggapin ko ba dahil uuwi rin naman ako ng Pinas. "Pag-iisipan ko, sige na ibaba ko na, landi mo!" natatwang sabi ko bago ibinaba ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako. Iniisip kong anong gagawin ko. Anong mangyayari kapag umuwi ako ng Pinas? Para maiwasan ang pag-iisip binuksan ko na lang ang TV para manuod sa Netflix, hindi pa naman ako inaantok. Pinaghirapan kong tapusin iyong movie dahil maganda kahit inaantok na ako pinilit ko pa din. Nang matapos ang movie, nakatanggap ako ng tawag mula sa bahay. Nakakapagtaka naman at hindi ang number ni Mom ang ginamit. Nakahiga na ako para matulog nang sagutin ko ang tawag. "Hello" "H-hello anak, s-si Anita ito anak" dinunggol ng kaba ang dibdib ko ng mabakas sa boses nito ang takot at pag-aalala. Si Anita ay mayordoma namin. "Bakit anong pong nagyayari? may problema po ba?" kinakabahang tanong ko. Lalo pang kumabog ang dibdib ko nang marinig ang mga nagkakagulong tao sa background. "Anak, may tumawag d-sito sa bahay, ang sabi mag-handa ng mga damit ni Ma'am at Shawn dalhin daw po sa Lopez Madical Center, ayon lang po ang sinabi at wala pa po kaming alam, papunta pa lang po kami doon. Tinatawagan po namin si Ma'am pero hindi po makontact, tinawagan ko na din ang Daddy mo, papunta na siya. T-tumawag lang ako para ipa-alam sa iyo, bago kami bumyahe pa Nueva Ejica" Nanghina ako sa mga narinig ko, ang antok ko ay nawala. Napuno ng takot at pag-aalala ang puso ko. Iniisip ko kung ligtas ba si Mom, at parang paulit-ulit akong sinasaksak ng maisip ko ang batang iyon. "B-balitaan mo ako agad Nay, please pakitawagan ako pagkarating niyo sa ospital" hirap na hirap kong turan. "Si-sige nak" sabi nito at ibinaba na ang tawag. Sigurado akong matatagalan sila, nasa Nueva Ecija si Mom kasama iyong batang iyon. Nandoon sila para dumalaw sa puntod ng Lolo at Lola ko. Si Dad naman ay nasa Pangasinan para sa negosyo. Naihilamos ko na lang ang mga palad ko sa mukha ko. Lord, kayo na po ang bahala. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina para kumuha ng can beer. I went to the veranda with my phone, kabang-kaba habang naghihintay ng tawag. I stayed there for almost two and a half hours. Nang mag-ring ang phone ko at pangalan ni Dad ang lumabas agad koi tong sinagot. "Dad! What happen? How's Mom?" punong-puno ng pag-aalala kong tanong. "Darling relax, okay ang Mom mo, nothing happened to her. She's okay, don't worry" paninigurado ni Dad. "Thanks God she's okay" Knowing that Mom is okay gumaan na ang pakiramdam ko. "You're not going to ask about Shawn?" napatigil ako dahil sa tanong ni Dad "I'm tired Dad, I'm going to sleep. Tell Mom to call me. Love you Dad" Narinig ko ang buntong hininga ni Dad "He fell in the playground" "Dad, ibaba—" pinutol ako ni Dad "He hit his head, still unconcious" Napasinghap ako dahil sa sinabi nito. Bumalik ang takot at kaba sa akin. Agad kong ibinaba ang tawag. f**k! I don't like him. I don't care about him, and I f*****g hate myself for feeling this way.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD