CHAPTER 5

2122 Words
Napahikab ako habang mine-make-up-an ng make-up artist ko. Hindi ako nakatulog na maayos kagabi. I haven't heard anything from Mom. Mabuti naman dahil hindi naman ako interesado sa sasabihin niya. As long as she okay, wala na akong dapat isipin. Wearing a black crop top, matching shorts, sheer polka-dot tights and a floor length coat. I strike a pose. "Ok nice! nice! Ok! look at the camera, nice Leennie" sunod-sunod na sabi ng photographer. Sunod-sunod na shot ang kinuha at paiba-iba din ako ng pose. Pahinga muna dahil kailangan kong magpalit ng damit para sa susunod. Lunch na din naman. Napabuntong hininga na lang ako at nagpatitig sa phone. "Leennie, your lunch" "Hey, you should eat" "Leennie!! Are you okay?" Napatingin ako kay DJ na hawakan ako nito sa balikat. Napatulala na pala ako dahil sa mga iniisip ko. "Yeah I'm okay" tipid akong ngumiti. "Lunch" sabi nito at nginuso ang pagkain na nasa harapan ko na pala hindi ko man lang napansin na ipinatong niya. Kumain ako kahit wala akong gana, baka kasi bigla na lang kong mahimatay mamaya. May kaunting oras pa naman kaya tinignan ko muna ang mga Social Media Sites ko. I search my name to know kung anong mga balita ang tungkol sa akin. Sa mga huling news kasi laging kami ni Leo, kissing, making out and etc. Meron din namang dahil sa mga in-attedan kong mga fahion shows. After nang photo shoot, wala na akong ibang schedule kaya inaya ko si DJ sa spa. "What's my schedule for next week DJ?" Inilabas naman nito ang phone niya para tignan. "You have one fashion show then you're going home" sabi nito ng nakangiti. Halata sa kanya na masaya na siya, mabuti naman at okay na siya. "That's it?" tanong ko. Tumango naman ito. "Yup, Riz cleared your schedule for that big project. You wont have any project until you finish that" I still have 3 months left on my contract. If ever na umpisahan ko na next month ang project na iyon, may dalawang buwan pang matitira at sigurado akong magagamit din iyon para sa project. "Let's take a picture" sabi nito at itinaas ang kanyang phone. Iba-iba kami ng pose, may naka peace sign, wacky or kaya naman naka dila. Para kaming ewan, sobrang saya ko lang at may DJ ako na nakakasama dahil malayo ako sa pamilya. Lagi siyang nandiyan para sa akin, lagi kong maaasahan. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko ng sarili ko. Nag pa-massage din kami para ma relax. Weekend naman na at wala naman na pala akong work. Pinag-iisipan ko kung pupunta Switzerland para makasama si Leo. Pero nag message si Rhian na dadalaw daw sila sa akin. Baka hintayin ko na lang din sila. "Umm Leennie" "Ummm?" nakatinging nagtatanong ako sa kanya. "Your fashion show is on Wednesday; can I have a day off like for three days?" tanong nito with hopeful eyes. "I'll be back on Tuesday; I just have to go somewhere" sabi nito "Umm okay, I don't have work anyway. I'll just meet my friends. Make sure Tuesday huh?" "OMG thank you. Love you!" "Love you too but where are you going?" tanong ko, ngayon lang siya nang hingi ng day off na tatlong araw, karaniwan kasi isang araw lang at pag-wala lang akong work. Ngumiti lang ito sa akin ng matamis "Ummm I need to visit my Mom then I'll go meet my boyfriend" sabi nito at marahang tumawa. "You're going to meet your boyfriend?" tanong ko na nagpangiti sa kanya. "I'm really curious about this boyfriend of yours, when are you going to introduce him to me huh?" "Soon, he's still busy" sabi nito na hindi man lang natanggal ang ngiti. She's happy, sure hell she really loves that guy. "Okay, I'll look forward to that" Napangiti na lang ako. Seeing her smile and happy, masaya na din ako. Kinaumagahan, text na lang ang natanggap ko galing kay DJ. From: DJ Good Morning. Sorry to send you a message at this hour, but I have emergency. You know my Mom is sick. May I borrow some money for her medication? Please wire it when you read this message. Thank you. Kaninang madaling araw pa ang text niya. Agad naman akong nagtransefer ng pera. Ngayon lang nanghiram ng pera si DJ sa akin. Okay naman ang sahod niya as my PA, mas mataas pa nga ng kaunti kumpara sa iba. I sent her a message na nai-transfer ko na ang pera at kinamusta ang Mom niya pero hindi naman nagreply. So hindi siya natuloy kitain ang boyfriend niya? Inihanda ko ang sarili ko para sa morning jog ko sa malapit na park. Mamayang gabi ko pa kikitain sila Rhian, papahinga muna daw sila at pagod sa byahe. Nakasuot ako sa jogging pants, hoodie at nakashade para hindi ako mamukhaan ng mga tao. Naupo muna ako saglit para makainom at makapag pahinga ng kaunti. Nagulat ako ng may umupong lalaki sa tabi ko. Nang lingunin ko ito ay nasamid ako sa tubig na iniinom ko. Shit!! Si Sir Bien. "Are you okay?" tanong nito at bahagyang hinagot pa ang likod ko. Agad akong napalayo sa kanya dahil sa kuryenteng dumaloy sa katawan ko dahil sa hawak niya. Nang makahinga ng maayos "I'm okay Sir" "So you jog here every morning?" tanong nito. "Not every morning Sir, because sometimes I had to leave early in the morning for work" sagot ko naman. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako natatakot sa taong ito. Tumango lang ito at uminom ng tubig. I watched him as he swallows the water. Napaka sexy nitong tignan lalo na sa paggalaw ng adams apple nito. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya at kanina pa pala niya ako tinatawag. s**t nakakahiya. "So?" "Wha-what is it again?" tanong ko. Hindi ko naman marinig iyong sinsabi niya kanina. "I said, let's grab a breakfas" sabi nito. Nakapaskil na sa mukha niya ang ngisi. Feeling close naman si Sir, breakfast agad? Nakakahiya namang tumanggi, kaya sige G na lang. Nagpunta kami sa malapit na restaurant, we ordered coffee and pancake. Ang pinili kong pwesto ay iyong sa sulok, mahirap na baka may makakita sa akin. Hindi naman nila alam na Boss ko si Sir Bien, baka ma-issue pa akong nanlalalaki. Faithful po ako. Nang dumating ang order namin, tahimik lang akong kumain. Ang awkward, hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko. Ayaw ko rin talaga siyang kausapin, katakot eh, feeling ko bigla na lang akong bubuglagta kapag kinausap niya ako. Nag focus na lang ako sa pagkain, ramdam kong nakatingin siya sa akin. Bakit niya ba ako tinitignan? Naiilang ako, nagagandahan siguro sa akin. Uminom ako ng tubig para maitago ang ngiti ko dahil sa naisip ko. Yabang mo self. "Gandang-ganda siguro sa akin ito" pabulong kong sabi. "Yup" sabi nito, kaya agad akong napatingin sa kanya. "Yup?" "Yup, gandang-ganda ako sayo, kaya nga ikaw ang pinili na maging model namin eh" Nagulat ako dahil narinig niya iyong sinabi, ang what the f**k, naintindihan niya. Tang'na major kahihiyan. "Na-nag tatagalog ka" "Oo, laki ako sa Pinas, Pinay nanay ko" Namamanghang napatango na lang ako. HIndi naman kasi halatang may dugong Pinoy. After that, wala nang nagsalita sa amin. Nagkakatingin at agad ding iiwas. Ganun lang ang nangyari haggang matapos kaming kumain. Bakit pa kasi ako pumayag na kumain kasama siya? Sobrang nakakailang talaga. Paglabas namin ng restaurant, napansin kong maraming nakatingin sa amin. Hindi ko lang alam kung dahil namumukhaan ba nila ako o dahil sa napaka gwapong lalaki na kasama ko. "So, see you sa last meeting natin para sa project" "Yeah, see you. Thanks for the breakfast bye" sabi ko at tumalikod na para maglakad pabalik sa apartment ko. Kumabog ng mabilis ang dibdib ko ng ngumiti ito sa akin. Tang'na, para akong nakakita ng anghel na nagmula sa impyerno. Ang napaka gwapo nitong mukha na kinatatakutan ko noong una ngayon ay napakasarap sa mata. Dapat lagi siya ngumingiti para hindi siya nakakatakot. Nang makarating ako sa apartment ko, nag shower lang ako at binuksan ang TV para manuod sa Netflix. Usually kapag walang trabaho si DJ ang kasama kong nanunuod pero dahil wala siya, solo-solo muna. Umidlip lang din ako ng kaunti kaninang tanghali. Nang magising ako ay alas-singko na nang hapon. Agad akong nagshower para makapag ready na para i-meet sina Rhian. Excited ako dahil after 5 years makikita ko na ulit sila, maliban kay Judy dahil angkikita kami sa mga fahion shows. Sa wakas makikita ko na sila, hindi na lang sa video call. Ang sabi ni Rhian kanina kasama niya si Judy, Abee at Jonas, Si Kiel ay wala dahil busy daw at si Eris at Jez naman ay nasa ibang bansa para sa kanilang honeymoon. Ang alam ko ay good na din si Rhian at Eris, umattend pa nga si Rhian ng kasal nila eh. Isinaksak ko ang blower para mapatuyo na ang buhok ko. Bahagya ko itong kinulot sa dulo. Naglagay din ako ng light make-up. Isang white off-shoulder na dress lang ang suot ko na hanggang taas ng tuhod at pinarisan ko ng black pumps. Kakain muna kami ng dinner at saka kami mag-iinuman sa kung saang club. Miss ko na ang inuman kasama ang barkada eh. Nailalabas ko ang mga problema ko. Alam ko naman kasing hindi nila ako huhusgahan. Pwede ko nang tanggalin ang ngiting lagi kong suot sa harap ng maraming tao. Nang makarating ako sa restaurant ay agad akong iginaya sa loob ng isang VIP room. Napangiti ako ng makita sila doon, nag ookrayan. "WOW!!, nandito na ang ating supermodel na friend. Napaka-ganda naman talaga oo, pero mas maganda pa rin ako" sabi ni Judy at tumayo para yakapin ako. Niyakap ko din sila Rhian, Abee at Jonas. "Asan jowa mo? Sabi ko isama mo eh" sabi nitong si Judy habang naglalapag ng mga pagkain ang waiter. Naka order na pala sila. "Wala siya, may shoot, busy" sabi ko at naupo sa bakanteng upuan katabi ng kay Judy. "Baka ayaw mo lang isama dahil baka agawin nitong si bakla" sabi ni Abee na ikinatawa namin. "Gaga! may papi ako noh, gusto ko lang naman siyang ma-meet." Kilala naman nila si Leo, artista eh, hindi pa nga lang nila na-meet ng personal, kung andito man iyon wala pa din akong balak isama, bonding naming magkakaibigan ito. "Jowa mong ginawa ka na namang ATM, I heard binilihan mo ng kotse!" lahat kami napatingin kay Judy dahil sa sinabi ni Rhian. Napaka rupok talaga ng baklang ito. Sigurado nilambing lang iyan ng kaunti, sige bigay na kung anong gusto ng jowa. "Oy ano ba naman kayo, hindi naman niya iyon hiningi eh, regalo ko iyon kasi birthday niya" sabi nito sabay inom ng wine. "Tang'na mo!, sinabi mo din birthday ng jowa mo noong kumuha ka ng condo unit ah, ilang beses ba birthday niyan sa isang taon ha?" sabi ni Rhian sabay irap. "Ibang boylet yun ano ka ba, saka break na kami non. Itong jowa ko ngayon, nararamdaman ko mahal niya talaga ako, magaling pang sumundot" sabi nito at kilig na kilig pa ang gaga. Ang kanya-kanayng irap na lang kami. Halata namang pera niya lang ang habol, hinahayaan lang namin dahil pera naman niya at ang mahalaga lang naman ay napapasaya siya. We started eating. Si Jonas tahimik lang, ganyan naman na iyan noon pa. "Sayang wala si Kiel" sabi ni Abee. Sayang nga, we need to catch up. I'm planning to tell them everything dahil panigurado mag tatanong iyang mga yan. Sila na ang pumunta rito dahil hindi daw ako umuuwi. Oras na dinsigurong magpaliwanag. Hindi nila alam sa katapusan nasa Pinas na ako. "Hayaan mo na sis, alam naman nating hindi pa naka move on iyon dito kay Lyn" sabi ni Judy sabay tingin sa akin. I feel sorry for Kiel. Well, we had a thing back then, pero hindi natuloy dahil sa katangahan ko. We had a mutual understanding pero bigla ko na lang silang iniwan noon. Nang magpunta ako ng New York saka ko lang ako ulit nakiag communicate sa kanila. Si Judy, he knows what happened to me. Kung bakit bigla na lang akong umalis noon nang walang paalam. Nagpapasalamat ako dahil hindi niya pinagsabi kung anong alam niya. Tamang kamustahan lang kami habang kumakain pero sigurado talaga mamaya, may umiiyak na. ____ S.B. Notes Hello Babes. Comments and Votes Thank You sa patuloy na supporta
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD