(LEENNIE) Nasa sala sila Mom kausap ang parents ni Jace. Naroon din ang aming mga lolo at si Shawn na bidang-bida sa matatanda. Nandito kami ngayon ni Jace sa may poolside, we have lots of things to talk about pero mukhang parehas kaming hindi alam kung paano mag-uumpisa. Tumikhim ito kaya napatingin ako sa kanya. Niyakap ako nito mula sa likod at malugod ko namang inihilig ang aking sarili. "Una sa lahat, maraming-maraming salamat sa pagdating sa buhay ko. Salamat sa pagbibigay sa akin ng isang Shawn at salamat sa pagmamahal. Simula ngayon, tayong dalawa na kasama ang anak natin at mga magiging anak pa. I love you Baby" sabi nito saka ako hinalikan sa aking pisngi. Punong-puno ng kagalakan ang puso ko. Kung panaginip man ito ay ayaw ko nang magising pa. "Maraming salamat din da

