(LEENNIE) Matapos ang party ay nagtungo ang pamilya ko at pamilya ni Jace sa isang presidential suite dito rin sa hotel. Hindi pa rin naaalis ang kanilang tingin kay Shawn kaya naman halos itago ko na ang anak ko huwag lang nilang makita. Naguguluhan pa din ako at sina Mom dahil sa inaakto ng pamilya ni Jace. Hindi rin ako kinikibo ni Jace noong party at isa din siya sa mga sumusubaybay sa galaw ng anak ko. "Hindi ko pinansin dahil alam kong imposible pero ngayong tinititigan ko itong bata, hindi nga maikakaila." Rinig kong sabi ng Lolo ni Jace sa Lolo ko. Walan nagsasalita sa amin, magtatanong na nga sana ako pero may biglang kumatok sa pinto. May iniabot ang babae sa ina ni Jace na sa tingin ko ay Photo album. Para saan ang album? Kanino iyon? "Para saan at ano ba ang pag-uusapan na

