(LEENNIE) Pinilit kong iminulat ang aking mga mata ng maramdaman kong gumalaw si Jace sa tabi ko. Hindi ko lang masyadong marinig kung anong sinasabi nito, may kausap yata sa phone. "Just do it. No question" iyon lang ang narinig ko bago nito ibinaba ang tawag. Sumiksik ako rito saka yumakap sa kanya na ginantihan naman nito. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang balat sa akin. Tanging ang puting kumot lang kasi ang nakabalot sa aming dalawa. "Sino kausap mo?" I said with a bedroom voice, hindi ko rin iminulat ang aking mata ngunit itiningala ko ito sa kanya na parang nakatingin. Dinampian ako nito ang marahang halik sa aking noo bago sa labi. "Yung isang project manager, pina-cancel ko na ang photoshoot mo ngayong sabi, bukas mo na lang gawin" Natuwa naman ko dahil mukhang hindi ko

