(JACE) Nakatayo ako sa tabi ng pinto kung saan nakaburol ang anak ko. Parang panaginip lang talaga ang lahat. Hindi ko inakala na magiging ganito, na mawawala agad ang anak ko. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, laging si Shawn ang pumapasok sa isip ko. Ang mukha nitong palaging nakangiti na babati sa amin ng Mommy niya. Ang pagsigaw nito sa umaga dahil excited na itong kumain ng luto ko. Miss na miss na kita anak. Gustong-gusto kitang yakapin at halikan sa leeg na nagpapatawa sa iyo. Binati ko ulit ang mga malapit naming kaibigan na nagputa dito para makiramay. Mayroon ding ilang business partners na malapit sa amin at mga kaibigan ni Leennie sa US. I look at Leennie, nakatayo ito sa tabi ng kabaong ng aming anak. Tinititigan niya ito, katabi niya ng kanilang Lolo. Mabuti na

