(LEENNIE) Alas-tres na kami ng dumating sa bahay, nang ihiga ko si Shawn sa kama ay sakto namang nagising ito. "M-mommy" mahina nitong sabi. Napakunot ako ng noo ng maramdamang maiinit ito. "Jace!! Ang init niya!" natatarantang sabi ko. Ito ang unang beses na nilalagnat ang anak ko na kasama ako. I don't know what to do. "Let's go to the hospital!" Binuhat ni Jace si Shawn. Mabilis an gaming mga kilos. Pinasakay ako ni Jace sa front seat saka ibinigay sa akin ang anak namin. "M-mommy. I c-can't b-breath. M-mom" nahihirapang sabi ng anak ko. Hindi ko alam kung malapit lang ba talaga ang opital sa bahay o talagang sobrang bilis lang magpatakbo ni Jace dahil natataranta din ito. This is all new to both of us. Wala kaming dalawa sa tabi ng anak namin ng una itong nagkasakit ito. Wal

