(LEENNIE) Mamayang hapong ang flight ko pabalik ng Pinas. Sa condo unit na pinakuha ko kay Rhian ako tutuloy. Bibisita na lang siguro ako sa bahay dahil hindi ko talaga kayang tumira doon sa bahay dahil sa batang iyon. Problema pa namin ni Riz kung sino ang magiging PA ko dahil hindi pwedeng bumyahe si DJ dahil masehan ang pagbubuntis nito. Magtatatlong buwan na pala siyang buntis, hindi man lang sinabi sa akin. Ang sabi ng doctor ay baka kapag apat na buwan na siya pwede na, kailangan niya lang tapusin ang 1st trimester. "I will ask Judy to lend me one of his PA" "Judy? The famous designer?" tanong ni Riz. Nandito kami sa opisina niya. Tumango lang ako bilang sagot. Kilala niya si Judy, sikat si bakla eh. Ang ga-ganda ba naman kasi ng mga gawa. Katatapos lang ng meeting namin kas

