(LEENNIE) Nagising akong may nakayakap sa akin. Napangiti ako ng maalala ang proposal ni Leo kagabi. Iniangat ko ang kamay ko at tinitigan ang singsing na suot. Hindi ako makapaniwalang engaged na ako sa taong mahal ko. Nilingon ko si Leo na mahimbing ang tulog sa tabi ko. Uminit ang mukha ko nang maalala kung gaano kami kapusok kagabi. Naipikit ko nANg mariin ang mga mata ko ng parang naririnig ko pa kung paano ako umungol. Oh gosh, that was embarrassing. Dahan-dahan itong nagmulat ng mata. "Good morning Hon!" bati nito at hinalikan ako sa pisngi. Noong unang beses na may nangyari sa amin, paggising ko wala na siya tapos ngayon nandito siya tabi ko. s**t! Nahihiya ako. "G-good morning" bati ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Sigurado rin na namumula na ang mukha ko dahil sa hiya.

